CHAPTER 15

1.1K 41 0
                                    

"Ikaw ahh! May namanagitan ba sa inyong dalawa nong lalaking kaibigan ni Sycho?"mapangasar na tanong ni Shantelle sa kaibigan niyang si Ash at sinundot-sundot pa niya ang tagiliran nito.

Napairap naman si Ash saka ngumisi ng may maalala ito. "Eh ikaw. Sinong gumawa nong kiss mark sa leeg mo?"

"Kiss mark?"takang tanong ni Shantelle at tumango naman si Ash.

"Oo. Nong sabado , diba bigla ka na lang pumasok sa dorm ko. May nakita akong kiss mark sa leeg mo."nakangiting wika ni Ash. "Si king Sycho ba ang gumawa non?"

Namula naman si Shantelle at umiwas ito ng tingin kay Ash ng maalala niya yung ginawa sa kaniya ni Sycho noong  araw ng sabado.

"Ikaw ahh!"nakangising wika ni Ash sa kaniya. "Kayo na ba ni king Sycho?"tanong nito at umiling naman kaagad si Shantelle.

"Walang kami. But I like him."bulong si Shantelle na ikinangiti ni Ash.

"Ang maipapayo ko lang sayo aking kaibigan ay mag ingat ka lalo na kina Red at sa mga buntot niyang sunod ng sunod."wika ni Ash at tumango lang si Shantelle bilang tugon sa kaniya.

"Eh! Kayo nong kaibigan ni Sycho. Kayo na ba?"tanong ni Shantelle kay Ash.

Ngumiti at tumango sa kaniya si Ash. "Oo , matagal na."naikinalaki ng dalawang mata ni Shantelle.

"Ay! Wehh. Seryuso? As in mag boyfriend at girlfriend kayong dal'wa."hindi makapaniwalang wika ni Shantelle at tumango lang ito.

"Oo nga! Hindi ka pa non dito nag-aaral ng maging kami."nakangiting wika ni Ash sa kaniya.

"Ganon ba."tango-tangong wika ni Shantelle.

"Sige. Mauna na ako. May pupuntahan pa kase kami ng boyfriend ko."wika ni Ash saka tumayo. Nakaupo kase silang dalawa sa isang bench na nandito sa garden.

"Sige. Ingat."tumango sa kaniya si Ash saka ito umalis sa garden.

Agad namang napatingin si Shantelle sa braso nito na may relo at ng makita niyang saktong 12:00pm na ay tumayo na rin siya at umalis sa garden.

Papunta kase siya sa office ng binatang si Sycho dahil tinawagan siya nito kaninang umaga na pumunta sa office nito upang doon sila kumain. At pambawi na rin iyon ni Sycho kay Shantelle dahil sa ginawa nitong marahas na paghalik noong linggo ng gabi.

Nakahinga naman ng maluwag si Shantelle ng walang babaeng nagngangalang Red na humarang as dinadaanan niya dito sa hallway.

Nasanay kase siyang inaabangan siya ni Red , kasama ang mga kaibigan nito. Upang pistehin ang magandang araw niya.

Taas noo siyang naglalakad at nginingitian niya ang mga tulad niyang istudyante na napapatingin sa kaniya.

Nang nasa harapan na siya ng office ni Sycho ay humugot muna siya ng malalim na hininga. Saka niya tinulak ang doorknob upang mabuksang ang pinto. Hindi na siya kumatok dahil na sanay na siyang pumasok na kaagad sa office ng binata.

Agad naman nanlaki ang dalawang mata niya ng makita niyang nakaupo si Sycho sa swivel chair nito habang may isang babae na nasa mga hita nito.

Kahit hindi nakaharap ang babae sa kaniya ay alam niyang si Red iyon dahil sa hugis ng katawan nito o pustura.

"A-anong g-ginagawa ninyo?"nautal na wika ni Shantelle ng akmang hahalikan ni Red si Sycho.

Tinulak naman kaagad ni Sycho si Red at nanlalaki ang mga nitong napatingin kay Shantelle. Habang si Red ay nakangising nakatitig kay Shantelle.

"B-baby."

"Pasensiya na. Nang dahil sakin na udlot ang sexy time ninyong dalawa."wika ni Shantelle saka walang kabuhay-buhay na ngumiti kay Sycho at lumabas.

"F-ck! Hey! Baby let me explain."kalmadong wika ni Sycho.

Akmang susundan ni Sycho si Shantelle , ngunit kumapit si Red sa braso niya. Kaya naman galit niyang iwinaksi iyon at sinundan nito si Shantelle.

"What the hell! Babe?"gulat na sigaw ni Red kay Sycho ng mapasalampak siya sa sahig at inis na tumayo at lumabas din ito sa office ng binata.

Nang makapasok si Shantelle sa dorm niya ay agad niyang sinirado at nilock ang pinto saka siya napaupo at napasandal sa pinto.

"Ano ba puso huminahon ka!"inis na wika ni Shantelle sa kaniyang sarili habang ang isang kamay nito ay nasa dibdib niya.

Agad niya namang pinahidan ang pisngi niyang may luha gamit ang kaniyang kamay. "Bat ba ako nasasaktan? Wala namang kami. Bat ko ba ito nararamdaman , sh-t lang!"

"O-okay ka lang Shantelle. Kaya mo yan. Huwag kang magpapaapekto sa iyong nakita kani-kanina lamang."pagpapalakas loob nito sa kaniyang sarili.

*tok*

*tok*

*tok*

Marahas naman siyang napapikit ng marinig niya ang katok na iyon. Ramdam niya kasing si Sycho iyon , kaya nilagay niya ang isang kamay niya sa kaniyang bunganga. Upang pigilan ang mga hikbing gustong kumawala doon.

"Baby , please let me in. Let me explain."nagsusumamong wika ni Sycho.

"U-umalis ka."pinilit ni Shantelle na huwag mautal ngunit hindi niya magawa.

"Shantelle , wala kaming ginawa. Please! baby I'm begging , let me in. I want to hug you. I want to explain about what you saw earlier on my office."umiling iling lamang si Shantelle at tumayo saka tumakbo ito papunta sa kaniyang kwarto at humiga saka nagtakip ng unan sa mukha saka humagolgol sa iyak. "Ahhhhhh!"

"Sha———"

"Hayaan mo muna siyang mag-isa."pagputol ng kaibigan ni Sycho sa pagsasalita niya. "Bukas mo na lang siya kausapin. Ano ba kase ang nangyari bat umiiyak yon habang tumatakbo kanina?"

"S-she's crying?"nagaalalang paninigurado ni Sycho sa kaibigan niya at tumango naman ito.

"Ano bang ginawa mo?"nagaalalang tanong ni Ash habang nakakapit siya sa braso ng kaibigan ni Sycho o boyfriend niya.

Bumuntong hininga na lamang si Sycho at umiling saka ito umalis sa harapan ng dorm ni Shantelle.

"Shan! Shan! Ako to si Ash. Papasukin mo ako."nag-alalang wika ni Ash habang kumakatok sa pinto ngunit walang Shantelle na nagbukas ng pinto.

Kinuha niya naman ang kaniyang cell phone at dinail ang number ni Shantelle saka niya ito tinawagan.

Ilang minuto ang lumipas ngunit ring lang ito ng ring , walang sumasagot.

"Ano ba kasing nangyari. Nag-aalala na ako sa kaibigan ko."malungkot na wika ni Ash at niyakap naman siya ng kaniyang boyfriend.

"Hayaan muna natin siya. Kinakailangan niyang mag-isa upang makapag-isip ng maayos. Baka bukas pwede mo na siyang kausapin o kumustahin."wika ng kaniyang boyfriend kaya napanguso ito.

"Shan , aalis muna kami. May pasok pa ngayong hapon e. Pero huwag kang mag alala sasabihan ko yung guro natin na nilalagnat ka lang kaya di ka makapasok. Babalik ako mamayang four pm. Sige alis na kami."wika ni Ash saka sila lumisan sa harapan ng dorm ni Shantelle.

________________________
Salamat sa pagbabasa!

SAAVEDRA QUADRUPLETS #1: SYCHO BATES SAAVEDRA (COMPLETED)Where stories live. Discover now