CHAPTER 44

616 27 4
                                    

NAPATIGIL SA PANONOOD ng video si Sancho sa kaniyang phone ng may naisip itong gawin. Bumaba siya sa kama at nilapitan ang kapatid na si Siandrie na nakaupo sa sahig  habang naglalaro ng toy car.

"Hey." mahina niyang pagtawag kay Siandrie.

Tinigala naman siya nito. "Hmmmm?" nagtatanong itong nakatingin sa kaniya.

Tumaas baba ang kilay niya habang may ngisi sa labi saka pinantayan ang kapatid saka may binulong.

"We were going that again?" takang tanong ni Siandrie.

Nakangising tumango-tango si Sancho. "Yup."

"But, mommy will get mad." mahinang bulong ni Siandrie.

Umiling-iling si Sancho. "Mommy's sleeping."

"Okay, game?" tanong pa ni Siandrie at tumayo.

Tumayo din si Sancho at tumalon-talon pa. "Game."

"I love you." nakangising kanta ni Sancho. "Shanaya."

Napatigil naman sa ginagawa si Shanaya at nakataas ang kilay na napabaling kay Sancho.

"You love me, Shanaya." kantang dugtong ni Siandrie. "Let's go out, big brother."

"And kill barney!" malakas na kanta ni Sancho at lumabas sa silid, sumunod naman si Siandrie at nagtungo ang dalawa sa kabilang silid upang makuha ang laruang dinosour na pagmamay-ari ni Shanaya.    

Nagsalubong naman kaagad ang kilay ni Shanaya. "No! Hey, hey, stop!" sigaw niya napabangon siya bigla saka bumaba sa kama at sinundan ang dalawa.

"With the big scissor." kanta pa ni Siandrie nang makuha na ni Sancho ang malaking dinosour ni Shanaya saka niya binigay ang gunting kay Sancho. 

Ginupit naman ni Sancho ang ulo ni barney habang may ngisi na nakaukit sa labi saka binato iyon paitaas.

Tumalon-talon pa si Siandrie na tila'y sayang-saya sa ginawa at nagsimula namang kumanta. "And your fvcking barney is on the floor!" at nilapitan ang putol na ulo ng laruang dinosour at  sinipa iyon na parang bolang laruan.

"No more purple dinosour." pailing-iling na kanta nina Sancho at Siandrie at nagapiran pa saka nang-aasar na ngumisi kay Shanaya.

Nangasim naman ang mukha ni Shanaya tila'y iiyak na. "M-Mommmmmmmy!"


Shantelle's Point Of View

5 YEARS HAD PASSED, sa loob ng limang taon naging maayos naman  ang pamumuhay namin dito sa states. Sa kasalukuyan nga ay ako na ang huma-handle sa mga iniwan ni mommy at daddy, katuwang ko naman sa business at sa pagaalaga sa makukulit kong mga babies si Tita Zamelle.

Nabaling ang attention ko sa phone kong tumutunog. Tita Zamelle's Calling.....

Kaagad ko namang iyon kinuha at sinagot. "Good morning."

"Good morning too, kailan pa kayo uuwi rito sa pinas?" tanong nito kaagad nauna kasi siyang umuwi isang buwan na ang lumipas, napailing-iling naman ako kahit di ko siya nakikita alam kong nakataas na naman ang isang kilay nito.

Napabuntong hininga naman ako. Sa katunayan ay may plano na akong bumalik sa pinas, lumalaki na sila at nais ko ring makita at makilala nila ang kanilang ama.

Ilang taon na din akong walang balita sa ama nila. May nabalitaan pa nga akong mas lalo raw lumago ang negosyo niya ngunit matagal na  iyon.

"Ang lalim non, ahh! May problema ba?" tanong ni tita Zamelle mula sa kabilang linya.

SAAVEDRA QUADRUPLETS #1: SYCHO BATES SAAVEDRA (COMPLETED)Where stories live. Discover now