Six

11 2 0
                                    

Nagulat ako nang banggitin ng taong nakabangga sakin ang pangalan ko, pero ngumiti rin ako kase feeling ko ang rude ko naman kung hindi ko gagawin 'yon. Tinignan lang niya ako habang gulat na gulat ang mukha niya. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko.

"Devyn, nakapili ka na? Oh, Kate?" napatingin ako sa likod ng nakabangga sakin kase biglang nagpakita don si Jin. Tumingin naman sakanya yung babaeng kaharap ko dahilan para mas lalo siyang magulat. May kakaiba ba sa mukha namin? Mukha ba kaming multo?

"Long time no see, Kate" dagdag pa niya. Lumapit ako sa gilid niya. Tinignan ko naman siya kaya laking tuwa ko ng tignan niya ako pabalik. Binigyan ko siya ng tingin na nagsasabi kung sino siya kaya bigla siyang tumango. Sana nakuha niya ang ibig kong sabihin.

"Devyn, si Kate. Ano mo..." tinignan ko siya ng may kahulugan, ibig sabihin na ituloy niya ang sinasabi niya. Tinignan lang naman niya yung Kate na akala mo nahingi ng tulong.

"Step sister sa father side" napatingin ako sa babae nang siya na ang nagtuloy ng sinasabi ni Jin. Napajaw drop na lang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko tuloy lalong alam kung anong iaakto ko.

Grabe naman kase, biglaan. Hindi man lang ako nainform na ngayon ko na pala siya makikilala.

"A-Ah. Nice to meet you... Again" awkward kong sabi. Ngumiti naman siya sakin bago umiwas ng tingin. Feeling ko tuloy may something wrong.

"Sige, una na ako. Sorry pala ulit" sabi niya bago nagmamadaling umalis. Pinanood ko naman siya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Bigla tuloy akong napa-isip kung anong meron.

"Ayan na ba gusto mo? Bayaran na natin" napabalik ang atensyon ko kay Jin nang bigla siyang nagsalita. Napatingin naman ako sa bear na hawak ko bago tumango. Hinawakan niya ang kamay ko para sabay kaming pumunta sa may cashier.

"Basta tig-isa tayo ng bear na pink. Ayos na sakin 'yon"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Jin. Alam kong hindi ngayon 'yon at galing 'yon sa mga alaala ko. Bigla niya naman akong hinarap dahil sa naging action ko.

"May problema ba?" tanong niya sakin. Umiling naman ako kaya naglakad na ulit kami. Pagkatapos naming magbayad lumabas na kami sa store. Iniisip rin namin kung anong sunod naming gagawin.

"Tarang mag-arcade. Lagi mo akong niyayaya don, eh" sabi niya. Kahit wala akong ideya sa sinasabi niya, tumango na lang ako. Bumili siya ng tokens pagkarating namin don kaya naghahanap na lang kami ng pwede naming laruin.

"Ano lagi kong nilalaro dito?" tanong ko sakanya habang naglalakad. Tumitingin rin ako sa paligid at napansing sobrang daming tao ngayon. Kung sa bagay, Sabado ngayon.

"Ahh" nagulat ako dahil sa naging reaction ni Jin kaya napatingin ako sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinigit paalis sa pwesto namin. Huminto lang kami sa tapat ng basketball.

So, ito lagi kong nilalaro?

Inabutan niya ako ng token na agad kong tinanggap kahit naguguluhan pa rin ako. Sinabi niyang lagi kaming nagpapataasan kaya napatango na lang ako. Sabay naming hinulog ang token para makapagsimula na kami. Nang matapos napatalon ako sa tuwa dahil mas mataas ang score ko sakanya. Hinarap ko naman siya bago binelatan.

Napatigil lang ako ng may imahe akong naalala kaya alam kong ginawa ko na rin 'to dati sakanya. Nakita ko naman siyang napangiti kaya sa tingin ko tama ang naiisip ko.

"Wala ka pa ring pinagbago kahit nakalimot ka" sabi niya habang nakangiti. Umiwas na lang ako ng tingin dahil bigla akong nahiya. Ano kayang itsura ko? Baka kase mukha akong tanga. Mas nakakahiya tuloy.

Naglaro pa kami nang naglaro hanggang sa naubos na ang token namin. Aalis na nga sana kami kaso bigla siyang nag-aya na magkaraoke kaya pumayag naman ako. 'Tyaka bakit naman ako tatanggi 'di ba?

Akala ko marunong akong kumanta, akala ko lang pala. Nakakahiya tuloy kay Jin. Ang ganda kase ng boses niya sobra. Tapos yung high notes pa niya, heaven. Kaso tuwing nakakataas siya ng points pinagmamalaki niya sakin. Pero hindi ako naiinis namamangha pa nga ako. Palibhasa puro mga 70 at 80 ang points ko. Kapag sinuswerte lang nakakakuha ng 90, at iisang beses lang 'yon.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya sakin pagkalabas namin sa arcade. Napaisip naman ako dahil don. Hinarap ko siya habang naglalakad kaya tumingin rin siya sakin.

"Sa pinagtratrabahuhan mo. If okay lang" nahihiya kong saad. Hindi pa kase ako nakakapunta kaya nacucurious ako kung anong itsura non. 'Tyaka kung madami bang costumers.

Matagal niya akong tinignan hanggang sa napangiti na siya ng unti unti. Maya maya lang tumango na siya kaya napangiti ako. Hinawak ko ang kamay niya at this time, ako na ang humigit sa kanya papunta sa parking.

Umalis naman kami agad pagkarating namin sa kotse niya. Hindi na tahimik ang kotse 'di gaya kanina kase nagpatugtog na siya. Sabi niya One Direction daw yung mga nakanta at favorite ko daw 'yon. Hindi ko naman na itatanggi na ang ganda ng mga kanta nila kahit konti lang ang napakinggan namin kase nakarating na agad kami.

"Sa Korean restaurant ka pala nagtratrabaho" bulong ko sakanya pagkapasok naming dalawa. Tumango naman siya bago kami naghanap ng upuan. Madami kaseng tao ngayon kaya feeling ko wala kaming pwepwestuhan.

"Ay, naks nagpakita ka pa dito Chef Jin" nagulat ako nang may lumapit saming lalaki. Binigyang diin din niya yung mga huling salita na tila may ibig sabihin.

"Okay lang 'yon, atleast nagpakita pa 'di ba?" natatawang saad niya. Sinamaan tuloy siya ng tingin ng lalaki. Hinampas ko rin siya sa likod ng mahina habang pinipigilan ko ang tawa ko.

Itong lalaking 'to talaga, oh.

Nag-usap sila saglit kaya medjo lumayo ako. Tumingin na lang ako sa paligid habang inaantay sila. Maya maya lang hinawakan na niya ang kamay ko bago tumango. Naglakad na rin kami sa isang pwesto kaya umupo na ako don.

"Aalis lang ako kase ako ang magluluto. Lulutuin ko yung lagi mong inoorder dito, ha?" tumango ako ng sabihin niya 'yon. Marahan niyang ginulo ang buhok ko bago umalis. Natigilan tuloy ako saglit.

Ilang minuto akong nag-antay at walang ginagawa. Kaya tuwang tuwa ako nang makita ko siya. Binaba niya sa harapan ko ang isang bowl at sa pwesto niya ang kanya. Tinignan ko naman ang laman at nakita ko ang black noodles.

"Go, try mo. Favorite mo rin 'yan, promise" sabi niya. Inabot niya rin sakin yung chopsticks kaya pinaghiwalay ko 'yon. Hinalo ko muna ang noodles bago sumubo. Nanlaki naman ang mata ko dahil masarap nga.

"Ang sarap!" masayang sabi ko pagkalunok. Sumubo nanaman tuloy ako. Nakakailanh subo na nga ako nang mapansin kong 'di pa nakain si Jin. Nakatingin lang siya sakin habang nakangiti.

"Bakit?" tanong ko habang nakain. Umiwas siya ng tingin bago umayos ng upo. Clinear din niya yung throat niya bago nagsalita.

"May sasabihin ako sa'yo kaso baka bigla kang ma-awkwardan" sabi niya. Sinubo ko muna ng ayos yung noodles bago umiling. Sinenyasan ko din siya na ituloy niya ang gusto niyang sabihin kase muna ako makakapagsalita. Punong puno bibig ko, eh.

Matagal niya akong tinignan sa mata kaya napabagal ang pagnguya ko. Hindi creepy ang tingin niya, ha? Sweet nga sa totoo lang. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"I still love you, Devyn"

---

Memories » Kim Seokjin ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon