"Pwede na 'yan, labas mo na" sabi ng nanay ko. Kumuha naman ako ng dalawang potholder para ilabas ang binake naming cookies sa oven. Agad niya akong inalalayan hanggang sa maipatong ko na ang fresh baked cookies, made by me ft my nanay.
"Ito ang ingredients at steps sa paggawa ng gingerbread man" saad niya. May nilabas siyang papel sa bulsa niya bago inabot sakin. Tinanggap ko naman 'yon. Ito ata yung sinusulat niya kanin.
Tinignan ko ang nakasulat don pero nanakit ang ulo ko dahil wala akong maintindihan. Bahala na, papatulong na lang ako kay Jin. Alam ko namang hindi rin 'yon tatanggi at isa rin siya sa kakain.
Malapit na kase magpasko kaya nag-iisip na ako ng gagawin ko. Apat na araw na lang kase, pasko na. Namove na nga yung pamimili namin ng regalo na dapat ay sa Sabado naging bukas na. Bigla ko lang kase naisip na nakakastress 'yon lalo na't before magpasko talaga. Kaya tinext ko sa kanya habang nagdedecorate ako. Mabuti na lang pumayag siya.
Speaking of decorations, natapos na ako kahit kanina ko lang siya ginawa. Tinulungan kase ako ng nanay ko pagkatapos naming magka-ayos kanina.
Habang kinakain namin ng nanay ko yung cookies na binake namin kanina, biglang dumating si Jin. Sinisigaw pa nga niya pangalan ko. Tumigil lang siya nang makita ang nanay ko. Natawa naman ako nang makita ang nahihiya niyang mukha. Ang cute lang.
"Anak, alis na ako, ha? Andyan na yung sundo ko. Jin, paalagaan ng anak ko" sabi niya habang naglalakad. Sumaludo naman si Jin dahil sa bilin ng nanay ko.
Sabi ko nga ihahatid ko na siya sa labas pero ayaw niya. Tinanaw ko na lang siya sa main door ng bahay habang lumabas siya sa gate.
Pagkasara ko ng screen door, hinanap agad ng mata ko si Jin. Nakita ko naman siya na nasa tapat ng cookies kaya don ako naglakad. Nang kumuha siya ng isang piraso, tinignan niya muna ako na akala mo nahingi siya mg permiso. Tumango naman ako bago tumawa.
"Hoy, ang sarap" sabi niya pagkakagat niya. Sakto namang lapit ko sa pwesto niya kaya ramdam ko na hinampas niya ako sa braso. Hinampas ko rin naman siya pabalik.
"Pwede ka nang mag-asawa, pagluluto na lang kulang" sabi niya. Damang dama nga din niya ang pagsubo at pagnguya niya sa cookies na ginawa ko. Sarap na sarap ata.
"Magpropose ka muna" asar ko bago tumalikod. Kumuha ako ng baso para uminom ng tubig. Ramdam ko ang tingin niya sakin kaya hinarap ko siya.
"Hindi pa nga tayo, eh. Paano 'yon?" tanong niya. Ngumisi ako bago hinugasan ang basong ginamit ko nang maubos ko na ang iniinom ko. Naglakad ako papalapit sa kanya at hinanda ang katawan ko sa pagtakbo.
"E'di tayo na" sabi ko habang nakangiti. Tumigil siya sa pagnguya habang nakatingin sa mga mata ko. Maya maya lang ngumiti siya kaya agad akong tumakbo papunta sa taas.
Rinig ko na sinundan niya ako kaya pumasok ako sa unang kwartong nakita ko. Kaso narealize ko pagpasok ko na kwarto pala niya 'yon. Pagkabukas niya ng pinto nakangiti siya sakin habang lumalapit. Ako naman umaatras hanggang sa napa-upo na sa kama.
Nilagay niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko dahil may nakaharang sa mukha ko. Dahan dahan rin siyang lumapit sakin hanggang sa naramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Pumikit naman ako at dinama ang halikan namin. Pero ilang saglit lang humiwalay siya.
"Liligo lang ako. Dito ka na matulog, ha?" sabi niya at naglakad papuntang cr. Napapikit naman ako dahil nabitin ako. Bakit kase 'yon lang? Joke.
Bumaba na ako at bumalik ng kusina. Nagprepare ako ng hapunan namin. Mga ilang minuto lang bumaba na siya at halata mo na bagong ligo siya dahil natulo ang tubig sa buhok niya.
Nagsimula na kaming kumain. Hindi naman maiwasan na magkwentuhan kaming dalawa sa nangyari ngayong araw. Mas madami lang siyang nasabi kase siya yung may ginawa talaga ngayong araw. Ako kase linis at pagdedecorate lang ang ginawa ko.
"Good night, Dev" sabi niya at hinalikan ako sa labi. Pinatay na rin niya ang ilaw sa lampshade kaya pumikit na ako para matulog.
Kinabukasan, maaga nanaman akong nagising kaya gumawa na ako ng breakfast. Nagtoast na lang ako ng tinapay at nagpalaman ng peanut butter. Hindi ko na rin ginising si Jin tutal hindi naman siya papasok today. Nanood na lang ako ng tv habang inaantay siyang gumising.
"Gagi, magbibirthday na nga rin pala si Taehyung" sabi ko habang naglalakad kaming dalawa. Nasa mall na kase kami at nag-iisip ng mga ipangreregalo. Kagulo pa kase sa mga store kaya hindi kami makasingit.
"Nagbibirthday pa pala 'yon" sabi niya sabay tawa. Hinampas ko naman siya sa braso habang nakangiti. Swerte siya wala dito si Taehyung, kung hindi magtatampo 'yon kapag narinig.
Nang humupa na ang kaguluhan, 'tyaka lang kami namili. Ang hindi ko lang naman naibili ng regalo ay siya dahil magkasama kami. Bahala na, ibang regalo na lang ibibigay ko sa kanya.
"Pangit mo naman magbalot" sita ko sa kanya. Umiiling iling pa nga ako habang nakatingin sa gawa niya. Binaba naman niya ang gunting na hawak niya bago nag-unat.
"Manood na lang kase tayong tv. Bukas na 'to" sabi niya na parang bata. Sinusuntok suntok pa nga niya yung hangin, eh. Kapag siya nasuntok pabalik ewan ko na. Joke lang.
"Sige na nga" sabi ko sabay tayo. Sinundan naman niya akong pumunta ng sala kase don kami nood. Siya ang pinapili ko ng palabas dahil alam kong hindi niya magugustuhan ang isusuggest ko.
"Sa tingin mo, magkakatuluyan yung bidang babae at lalaki?" tanong niya sakin habang nakain kami ng popcorn. Mabuti nga at meron siyang ganito dito, minicrowave na lang namin.
"Bida nga, eh. Malamang sila end game. Pero mas gusto ko yung babae sa kaibigan niya" sagot ko. Umayos rin ako ng pwesto ko dahil nangangalay na ako. Nakapatong kase ulo ko sa balikat niya, ngayon nakasandal na ako sa kanya.
"Hoy hindi lahat 'no. Minsan sa second lead napupunta yung isa sa mga bida" sabi niya sakin. Mukha ngang proud pa siya, eh.
"Ikaw talaga, mahilig sa kaibigan, eh" out of nowhere na sabi niya. Tinignan ko tuloy siya ng may pagtataka sa mukha. Bigla naman siyang natawa.
"For your information, nagkagusto ka rin sa kaibigan 'no. Ikaw nga unang nagkagusto sakin" sabi ko sa kanya. Binelatan ko pa nga siya, nang-aasar.
"Sus, oo na lang" sabi niya at ginulo ang buhok ko. Nainis naman ako kaya nagbangayan na lang kami. Hindi na nga kami nakanood ng ayos, eh.
"Kapal nga ng mukha mo non, eh. Sinabi mong mgajowa tayo kahit hindi" sabi ko sa kanya. Nabalik na kase ang usapan namin sa dating nangyari sa aming dalawa. Hindi ko alam kung paano kami napadpad sa topic na 'to.
"Ang mahalaga nagkatotoo at totoo ngayon" sabi niya. Magsasalita sana ako kaso totoo yung sinabi niya, eh. Lumapit pa nga siya sakin. Yung as in lapit na lapit.
"I love you" saad niya. Nagnakaw pa nga ng halik. Tinulak ko naman ang pisnge niya bago siya tinalikuran.
"Gagi, nagtatalo tayo tapos gaganan ka. Kinikilig tuloy ako. I love you too, hmp"
---

BINABASA MO ANG
Memories » Kim Seokjin ── OC
Fanfic❝ ʟᴇᴛ's ᴍᴀᴋᴇ ɴᴇᴡ ᴍᴇᴍᴏʀɪᴇs, ᴅᴇᴠʏɴ. ❞ ✎ ᴋɪᴍ sᴇᴏᴋᴊɪɴ ✎ ʟᴀɴɢᴜᴀɢᴇ : ᴛᴀɢʟɪsʜ ✎ sᴛᴀᴛᴜs : ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ