Eight

7 2 0
                                    

"Sure ka lang na okay ka lang, Ate Devyn?" tanong ni Taehyung habang nakain ng cake na ginawa ng nanay ko. Walang okasyon pero napagtripan niya kagabi gumawa. Ngayon lang namin kinakain.

"May tanong lang ako, paano niyo masasabi na mahal niyo yung isang tao?" tanong ko. Tumigil naman silang tatlo sa pagkain para tignan ako. Walang pasok ngayon sila Taehyung at Jimin kaya sila andito. Si Jungkook naman kaka-awas lang kanina.

"Ewan ko, 'di pa naman ako napupunta sa serious relationship, eh" sagot ni Jimin bago pinagpatuloy ang pagkain. Tumango naman ang dalawa dahil sa sinabi niya. Napabuntong hininga na lang tuloy ako.

"Si Jin hyung ba 'yan?" alanganing tanong ni Jungkook. Halata ngang tinatanya pa niya gawa siguro ng magiging reaction ko. Tumango naman ako bilang sagot.

"Mahal na mahal mo naman 'yon dati. Kaya hindi na imposible kung mahal mo ulit" napatingin ako kay Taehyung nang sabihin niya 'yon. Binigyan niya ako ng ngiti na parang bata bago pinagpatuloy ang pagkain.

Ilang araw nanaman ang nakalilipas pamula nang naging usapan naming apat. Mas gumulo nga para sakin. Nakakaramdam kase ako na parang may mali, ewan ko ba. Tuwing gusto kong tanggapin na mahal ko siya, nakakaramdam ako ng sakit sa puso ko. Hindi ko naman maintindihan kung bakit.

"Kung mahal niyo ba ang isang tao, aamin kayo?" tanong ko sa nanay ko na nagdridrive. Pupunta ulit kami sa coffee shop niya kase gusto ko lang sumama. Wala rin naman akong gagawin sa bahay.

"Depende. Pero kung umamin na yung tao sakin, e'di, aamin na rin ako" sagot niya habang nakatingin siya sa daan. Napabuntong hininga naman ako bago tumingin sa bintana.

"Si Jin ba 'yan?" napa-ayos ako nang upo para tignan siya. Ngimiti naman siya na akala mo nakuha na niya ang sagot sa tanong niya. Ganon ba ako kadaling mabasa?

"Umamin ka if feel mong umamin pero kung hindi, e'di hindi. Basta kung kelan ka ready basta 'wag lang sobrang patagalin, baka mahuli na ang lahat" pagkatapos ng sinabi niya, hindi na ulit kami nag-usap tungkol don. Hindi ko na rin inopen up sa kanya, eh. Hindi na rin niya tinanong pa.

Araw araw na akong nasama na nanay ko sa trabaho. Nagbabakasakali na makita ko ulit si Jin don, kaso hindi na siya bumalik pa. Ang huling kita ko sa kanya, ay yung iniwan niya akong naguguluhan. Hindi na rin kase siya napunta sa bahay namin.

"If gustong gusto mo na talaga siyang makita, bakit hindi mo puntahan kung saan nagtratrabaho?" sabi sakin ng katrabaho kong si Allysa. Tapos na kase ang trabaho namin kaya naghahanda na kami sa pag-uwi.

"Pwede naman, ah. Bakit hindi?" inosente niyang tanong habang nagbibihis. Ako naman, binigyan na lang siya ng pilit na ngiti. Hindi ko rin kase alam ang isasagot ko.

Dumaan nanaman ang mga araw at hindi na maalis sa isip ko ang sinuggest ni Allysa sakin. Gustong gusto ko siyang puntahan kaso may pumipigil kase sakin. Hindi ko kase alam kung paano ako pupunta. Kung naaalala ko lang ang mga pasikot sikot at kung alam ko lang kung paano magdrive, baka kaya ko pa. Kaso bura lahat, eh. Kung hindi pa pina-alala ng tatay ko sakin, kaso konti lang 'yon.

"Sure ka Ate sa gusto mo?" tanong sakin ni Jungkook. Tumango naman ako bilang sagot.

Andito kase ako sa kwarto niya, inaaya ko siyang pumunta sa pinagtratrabahuhan ni Jin. Naabutan ko pa nga siyang naglalaro kaya matagal tagal akong nakatambay dito. Naghahanap lang ako ng tyempo para maka-usap siya, baka kase maka-abala ako.

"Sige, pagka-awas ko bukas. Punta tayo" lumaki ang ngiti ko ng sabihin niya 'yon. Grabe, para tuloy siya yung panganay sa aming dalawa. Siya pa ang gumagawa ng gusto ko, eh.

"Thank you! Bawi ako sa'yo next time. Sabihin mo lang sakin" masayang sabi ko bago lumabas ng kwarto niya. Dumeretso naman ako sa kwarto ko bago humiga sa kama.

Ilang minuto lang ako nakatingin sa kisame habang nakangiti. Nae-excite ako, eh. Dahil masyado pang maaga para sa hapunan, napagpasyahan ko na maglinis muna ng kwarto ko. Sayang oras kung tutunganga lang ako, eh.

Kinabukasan, hindi ako sumama sa nanay ko pagpunta sa coffee shop. Mabuti na lang ang pumayag siya, hindi na rin niya kinuwestion kung bakit. Siguro, alam niya. Ewan ko.

Naglilinis lang ako ng bahay habang nag-aantay sa pag-awas ni Jungkook. Wala kase akong magawa. Pero 'di na bago sakin 'yon, ganito ako araw araw pamula nang dito ako tumira, eh.

"Okay ka na, Ate?" dahil narinig ko ang boses ni Jungkook sa labas ng kwarto ko, binilisan ko na ang pagpupuyod sa buhok ko. Nagpulbo na lang din ako bago tuluyan nang lumabas.

Ningitian ko ang kapatid ko nang makita siya bago kami sabay na pumunta sa garahe. Inabot niya sakin ang isa niyang helmet dahil sa motor niya kami sasakay. Noong isang araw ko lang nalaman na ito ang gamit niya sa school pero ngayon pa lang ako makakasakay sa kanya. Pinagkakatiwalaan ko naman siya pero pikit ako buong byahe habang nakayapos sa kanya ng mahigpit. Hindi ko kayang imulat mata ko, eh. Natatakot pa rin ako kahit pinagkakatiwalaan ko siya.

"Ate, andito na tayo" dahan dahan kong minulat ang mga mata ko nang sabihin 'yon ni Jungkook. Bumitaw ako sa mahigpit na pagkakayakap ko sa kanya bago bumaba ng motor niya. Inabot ko na rin sa kanya ang helmet niya bago inayos ang buhok ko.

Sabay kaming pumasok sa loob nang maayos na niya ang motor niya. Agad naman kaming nakahanap ang pwesto kaya don kami umupo. May lumapit sa aming lalaki para iaabot ang menu. Nakatingin lang ako sa kanya kase namumukhaan ko, ganon din naman siya sakin. Hindi ko lang alam kung parehas kami ng rason.

Siya yung lalaking sumalubong sa amin ni Jin noong pumunta kami dito. Hindi ko lang alam ang pangalan niya.

Sinabi na namin ang order namin pagkapili namin. Pagka-alis ng kumuha ng order namin, ginala ko na ang mata ko. Kahit hindi ako naki-usap tinulungan na rin ako ni Jungkook. Baka kase makita namin si Jin. Siya din naman ang pinunta namin dito.

"Ate, 'yon oh" napatingin ako sa likod ko dahil may tinuro si Jungkook don. Nagmamadali akong lumabas nang makita si Jin don.

"Jin..." hinihingal kong na sabi pagkarating ko sa pwesto niya. Ramdam ko na inalalayan niya rin ako dahil magtataob ako.

"Devyn, bakit ka andito?" tanong niya sakin. Kita ko pa nga na sinisilip pa niya mukh ko. Napa-ayos tuloy ako ng pwest ko.

"Andito ako dahil sa'yo" hinahapo ko pang saad. Nakita ko naman na nagulat siya sa sinabi ko. Kung ako rin naman ang masasabihan non, ganon din ang magiging reaction ko.

"Ano yung totoong rason kung bakit mo 'to ginagawa?" tanong ko. Halos isang buwan na rin kaming hindi nagkikita, eh. At yung sinabi niya sakin? Alam kong hindi 'yon ang totoong dahilan.

Nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa. Tanging ingay lang ng sasakyan ang maririnig mo. Narinig kong bumuntong hininga siya kaya umayos ako ng tayo. Handa nang makinig sa isasagot niya.

"Natatakot talaga ako, promise. Natatakot akong masaktan ulit kita. Natatakot akong magalit ka ulit sakin kapag... kapag bumalik na yung mga alaala mo. Yung sinabi ko sa'yong mahal pa rin kita, totoo 'yon. Kaso naalala ko lang ulit yung ginawa ko sa'yo dati kaya natata-"

"Mahal din kita Jin. Hindi ko alam kung pa rin ba dapat ang sabihin ko, basta mahal kita alam ko 'yon. So please, don't do this to me. Alam kong nahihirapan ka, kaya nahihirapan din ako. Yung ginawa mo dati? Dati na 'yon, eh" pagpuputol ko sa sinasabi niya. Yung gulat niya kanina, mas gulat na ngayon dahil sa sinabi ko.

Maya maya lang umiling iling na siya na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Lumayo pa nga siya ng konti sakin. Kumuha ako ng lakas ng loob bago lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya at hinalikan siya sa labi. Nakapikit ako kaya hindi ko alam kung anong reaksyon niya. Bumitaw na rin naman ako pagkatapos ng ilang segundo. Tinignan ko naman siya sa mga mata niya na may sincerity.

Alam kong ang sama tignan na babae pa ang gumawa non pero hindi ko pinagsisisihan na ginawa ko 'yon. Ginusto ko rin naman na gawin 'yon.

---

Memories » Kim Seokjin ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon