Eighteen

6 2 0
                                    

"Tito, may gusto lang po akong hingin" sabi niya. Napakunot naman ang noo ko dahil don.

Tinignan ko kung anong magiging ekspresyon ng tatay ko pero nakita kong nakangiti lang siya. Halata ring hinihintay niya ang sasabihin ni Jin. Mukha ngang alam na niya, eh.

Pero ito ako, nagtataka pa rin sa kung anong nangyayare. Ano ba kaseng hihingin? Uutang ba si Jin? Para saan pa?

"Sige, ano 'yon iho?" tanong niya. Kita ko ring parang nagningning ang mata niya. Natutuwa sa narinig kanina.

Clinear muna ni Jin ang throat niya. Kita ko ring huminga muna siya ng malalim bago tinignan ang tatay ko sa mata. Ngumiti rin siya sa kanya.

"Gusto ko pong pakasalan ang anak niyo" saad niya. Nanlaki naman ang mga mata ko samantalang ang tatay ko ay mahinang tumawa.

Hinarap ko pa nga ang mukha sakin ni Jin para makita kung seryoso ba siya sa sinabi niya pero kinindatan niya lang at ako at binigyan halik sa hangin. Napabitaw naman ako ng wala sa oras. Pero gulat pa rin sa sinabi niya.

"Sige. Basta 'wag mong sasaktan ang anak ko, ha?" sabi ng tatay ko. Hinawakan din niya sa balikat si Jin bago minasahe 'yon.

"Dad, seryoso ka? Ibibigay mo na lang ako agad?" 'di ko makapaniwalang tanong. Naalala ko kase yung panahon na sinabi ko sa kanyang nililigawan ako ni Jin, may pagkatutol siya don. Tapos ito, kasal, okay na?

"Dev, I want you to be happy. At alam kong maibibigay sa'yo 'yon ni Jin. I know na halos lahat ng kalungkutan na naramdaman mo may parte ako don. Noong mga panahon na 'yon, si Jin ang laging nasa tabi mo. Kaya bakit hindi ako papayag, 'di ba? Hangga't alam kong magiging maayos ang buhay mo sa kanya, ayos na ako don" paliwanag niya.

Hindi ko alam pero bigla akong naluha dahil sa sinabi niya. Nang mapansin 'yon ni Jin, agad niya akong niyapos para itago ang mukha ko sa dibdib niya. Alam niya kase na ayokong nakikita ako ng ibang tao na naiyak ako, eh.

"You deserve to be happy. You deserve to live with the man of your life. Hindi ako sa nagpapacringe, ha? Pero I really want that for you" dagdag pa niya. Hindi na tuloy huminto ang luha ko sa pagtulo.

Ramdam ko na may tissue na inabot sakin si Jin sa ilalim kaya nagpunas ako ng mukha. Nang mafeel kong naging maayos na ako, hinarap ko na ulit ang tatay ko. Ngumiti siya sakin kaya ganon din ang ginawa ko sa kanya.

"Thank you, Dad" sabi ko. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko kase nararamdaman ko na naiiyak nanaman ako.

I may look though pero sobrang iyakin ko talaga. Like as in. Kahit simpleng bagay malakas na ang tama sakin. Kaya ayokong naiyak in public place kase ayokong malaman ng mga tao na mahina akong tao. Ewan ko ba pero 'yon naging mindset ko.

Maya maya lang bumalik na sa trabaho si Jin. Saktong dating na rin naman ng order namin kaya kumain na rin kami ni Dad. Nagkakaroon rin naman kami ng pag-uusap kaya hindi ganon ka-awkward sa pagitan naming dalawa.

"See you sa bahay" paalam ko kay Jin. Kiniss niya ako sa forehead ko bago ako tuluyang lumabas ng restaurant. Deretsong sakay ko naman sa kotse ni Dad.

Pagkarating namin sa bahay, agad kong binuksan yung gate para makapasok yung kotse. Wala naman kase akong automatic key. Tinulungan din niya akong magpasok ng gamit ko sa loob ng kwartong kinutulugan ko.

Hindi kase kami magkasama sa iisang kwarto ni Jin. Minsan lang. Baka daw kase kung anong magawa niya sakin. Alam kong joke niya lang 'yon kaya ayon ang nakakapanghinayang.

"Dad? Coffee?" tanong ko sa tatay ko pagkababa niya sa hagdan. Naiakyat na rin kase namin lahat ng gamit ko. Aayusin ko na lang 'yon mamaya.

Tumango siya sakin bilang sagot kaya nagsimula na akong magtimpla ng kape niya. Hinantay ko pa ngang uminit bago binigay sa kanya. Naka-upo siya ngayon sa sala kaya don ko binigay.

"Papa-attend-in mo ba ako ng kasal?" tanong niya. Natigilan naman ako dahil don. Hinirap ko siya kaya tinignan din niya ako.

"Dad, bakit hindi?" tanong ko. Bakit pa niya kase tinanong ang bagay na obvious naman ang sagot.

"Kase ang dami-" nilagay ko ang daliri ko sa bibig niya para patahimikin siya. Tumawa rin ako bago tuluyang sumandal.

"Past is past. Alam kong may inis pa rin ako sa puso ko pero wala namang magagawa 'yon, 'di ba? Nangyare na rin kase, hindi na mababago. Kaya gawa na lang tayong bagong memories" sagot ko. Binigyan ko rin siya ng isang ngiti.

Tumayo ako para pumunta sa kusina. Kumuha ako ng biscuits at nilagay 'yon sa bowl. Bumalik ako sa pwesto ko dala dala ang kinuha ko.

"'Tyaka ikaw magdadala sakin sa altar, 'no" sabi ko. Dahil don, kita kong napangiti na rin siya.

Pero ang lakas ko rin naman sabihin 'yon, ha? Hindi pa nga nagpropropose sakin ni Jin, eh. Mas inuna niyang hingin yung kamay ng tatay ko bago magpropose. Tama ba 'yon? Wala akong alam sa bagay na 'to, eh.

Inubos niya lang ang kape niya bago siya umalis. Maya maya lang pagkatapos umalis ng tatay ko, dumating na rin si Jin. Nagmamadali tuloy akong nagsaing. Nakalimutan kong kailangan ko nga pala.

"Alis tayo bukas, ha?" sabi niya sakin pagkalapit. Nilagay din niya ang kamay niya sa bewang ko bago ako hinalikan sa pisnge.

"Saan tayo pupunta? Wala ka bang trabaho?" tanong ko sa kanya. Hinarap ko rin siya habang ang kamay ko ay nasa lababo pa rin. Hinuhugasan ko kase yung mug na ginamit ng tatay ko.

"Secret na yung place basta date natin. Yung tungkol sa trabaho, alam nila" sabi niya bago naglakad paalis. Sinundan ko naman siya ng tingin pataas hanggang sa hindi ko na siya nakita.

Buong gabi kahit paggising ko, 'yon ang inisip ko. Hindi kase ako nakokontento lalo na kapag bigla mong iniwan sa ere yung topic. Grabe akong macurious, eh. Lalo na kapag feeling ko importante 'yon.

Ala sais na ng gabi at ngayon pa lang ako nag-aayos ng sarili. Pero patapos na ako. Gabi daw kase yung date namin.

Nagsuot lang ako ng pencil dress na color red at heels na black. Nakita ko kaseng nakaformal si Jin kaya napaganito tuloy ako. Mabuti na lang pala ang kinuha ko yung gamit kahapon.

"Okay ka na?" tanong ni Jin pagkabukas niya ng pinto. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin ng matagal bago tumango.

Sinundan ko siya bumaba hanggang sa makasakay na ako sa kotse. Nagsimula na rin siyang magdrive papunta sa lugar na tinutukoy niya. Sa wakas, malalaman ko na rin.

Akala ko kung saan, sa rooftop restaurant pala niya ako dadalhin. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na hindi mapangiti. Kahit nang maka-upo na kami. Nagpapicture pa nga sa kanya.

Maya maya lang, dumating na ang order namin kaya kinuha ko na ang phone sa kanya. Tinago ko naman 'yon para makapagsimula na akong kumain. Tahimik lang kami kase nilalasap ko yung lasa.

"Ccr lang ako" sabi ni Jin sabay tayo. Tumango naman ako bago tumingin sa city lights. Tapos na kase kaming kumain.

Kinuha ko ang phone ko para picture-an 'yon. Napatigil lang ako nang may marinig akong natugtog. Pagharap ko, nagulat ako nang makitang nakaluhod si Jin habang may hawak na singsing sa kaliwang kamay at bouquet sa kanan.

"All these years, Dev, I still love you. I want to live and have children with you. So, Devyn Kae Sanchez, will you marry me?" tanong niya. Naluluha naman ako dahil don. Dagdag mo pa na may background music.

Tumango ako bago tumayo. Lumapit ako sa kanya para yapusin siya at ganon din siya. Bumitaw lang kami sa pagkakayakap para ilagay ang singsing sa daliri ko. Hinawakan niya ang pisnge ko para bigyan ako ng halik sa labi kaya pumikit ako.

"I love you, Dev" sabi niya pagkahiwalay namin sa halik. Pinatong din niya ang noo niya sakin. Ngumiti naman ako.

"I love you too, Jin"

---

Memories » Kim Seokjin ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon