Eleven

9 2 0
                                        

"Dev, napababa ako ng basong iniinom ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Nilagay ko rin 'yon sa side table bago humiga at nagtalukbong.

Andito pa rin ako sa ospital kase need pa rin nila akong i-observe. Bali mga isang linggo pa ako magstastay dito. It's been three days since I woke up sa pagkakatulog ko ng halos dalawang araw. Nang mahimatay ako sa outing namin, sabi nila halos two days daw akong tulog kaya akala nila nacoma ulit ako, pero sabi ng doctor hindi daw. Kaya paggising ko, naaalala ko na ang lahat. Na sana hindi na lang.

"De-"

"Hoseok, anong magandang palabas ang pwede mapanood?" tanong ko sa kasama ko. Siya na ang lagi kong kasama dito sa ospital pamula ng maconfine ako. Minsan naman nadalaw yung iba kaso hindi sila makakapagstay daw, unlike him. Wala rin naman akong kasama kaya pumayag na rin ako. May mga tao kaseng ayoko pa ring makita.

Dahil sa pagtawag ko sa kanya, kita kong nagulat siya. Nagpabalik balik pa nga siya ng tingin sa aming dalawa. Pero nakuha ata niya ang ibig kong sabihin kaya binuksan niya ang tv bago inabot sakin ang remote. Masimple rin niyang hinigit si Jin bago kinausap. Rinig ko naman na bumuntong hininga siya kaya napatingin ako sa kanila.

"Babalik na lang ako. Sorry, Devyn" sabi niya bago tumalikod at naglakad paalis. Pagkasara ng pinto, binitawan ko ang remote na hawak ko para ilagay ang kamay sa mga mukha. Ipit din akong sumigaw.

"Galit ka pa rin sa kanya?" napa-alis ako ng kamay na nakaharang sa mukha ko nang tanungin ako non ni Hoseok. Matagal ko siyang tinignan sa mata bago bumuntong hininga. Bumangon rin ako para maka-upo. Nahihirapan ako makipag-usap kapag naka-upo ako.

"Hindi naman sa galit ako sa kanya, basta, tuwing nakikita ko ang mukha niya, naaalala ko ang ginawa niya sakin dati" tanda ko tuloy noong panahon na wala pa akong maalala, gustong gusto ko malaman kung ano talagang nangyari. Mas gugustuhin ko na lang tuloy makalimot ulit. Gaya nga ng sabi ko kay Jin dati na 'yon, kaya hindi ko rin alam kung bakit ganito nagiging reaksyon ko.

"Masama na ba akong tao nito?" tanong ko sa kanya. Tumawa naman siya na parang hindi siya makapaniwala dahil sa sinabi ko. Bakit? May mali ba?

"Okay lang naman na protektahan mo ang sarili mo para hindi ka masaktan. Lalo na kapag ayaw mong mangyari sa'yo ang nangyari dati. Okay lang 'yan" sabi niya habang nakangiti. Pinat din niya ng dalawang beses ang balikat ko bago bumalik sa pwesto niya kanina. Napabuntong hininga na lang tuloy ako.

"Nga pala, alam mo ba ang rason kung bakit siya umalis ng walang paalam dati?" tanong niya habang inaayos ang inuupuan niya. Umiling naman ako nang tumingin siya sakin kaya tumango tango na lang siya at hindi na nagsalita pa.

Araw araw akong binibisita ni Jin sa ospital at ito ako parang tanga, nilalayo siya sakin. Minsan nga ang sarap sapukin ng sarili ko, ang tanga kase sobra. Nang umuwi na ako sa bahay ng nanay ko, dumidistansya ako sa kanya. Si Jungkook nga lang kinakausap ko sa bahay, eh. Tuwing nakikita ko rin kase siya, naaalala ko yung mga masasakit na salitang sinabi niya sakin noong bata pa ako. At 'yon ang dahilan kung bakit hindi ko siya binibisita tuwing napunta ako dito. Kahit nasa bahay na ako, hindi pa rin natigil sa pagpunta sakin si Jin. Napapa-isip na nga ako kung napasok pa rin siya, eh.

"Ate, andito si hyung" sabi sakin ni Jungkook pagpasok niya sa kwarto ko. Kinagat ko ang labi ko bago umiwas ng tingin. Ilang linggo na kase siyang ganito magbubuwan na nga ata, nakokonsensya rin naman ako.

"Sige, sabihin ko hindi ka pa ready" sabi niya sabay talikod. Pagkahakbang niya ng isa, hinawakan ko ang dulo ng shirt niya. Napahinto naman siya bago ako tinignan ulit.

"O-Okay na. Ako na bahala" saad ko bago naunang lumabas. Nasa hagdan pa lang ako, nakita ko na siyang naka-upo sa sala namin. Nang makita ako, agad siyang tumayo. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya.

Pumunta ako sa garden namin at ramdam ko ang pagsunod niya sakin. Umupo lang ako sa upuan dito samantalang siya nakatayo lang. Mukhang tinatansya ang mood ko.

"Bakit?" bungad kong tanong. Nag-inhale din ako kase narararmdaman kong naiiyak ako.

"Bakit ka umalis ng walang paalam?" pagtutuloy ko sa tanong ko kanina. Nang tignan ko siya, nagsisimula nang lumabgo ang paningin ko dahil sa luha na namumuo sa dalawang mata ko. Ramdam ko na lalapit siya sakin kaya hinarang ko ang kamay ko sa pagitan namin.

"Plano kong magpa-alam non, promise. Kaso biglang nawala ang phone ko pero pumunta naman ako sa inyo, lagi ka lang wala. Noong araw na aalis na ako, nag-iwan na lang ako ng sulat sa inyo. Hindi mo ba nabasa 'yon?" natigilan ako dahil sa sinabi niya. Pinunasan ko din yung luhang tumulo sa mata ko. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

"Sulat?" tanong ko. Wala kase akong maalala na may nabasa akong sulat dati. Kaya anong sulat ang ibig niyang sabihin?

"Oo, dinala ko 'yon sa inyo. Isa sa mga katulong niyo ang kumuha. Sabi ko pakibigay sa'yo kase tulog ka pa daw" paliwanag pa niya. Mas kumunot tuloy ang noo ko. Maya maya lang, napangisi na ako dahil naintindihan ko na ang nangyari. Sinasadyang hindi mapabigay sakin 'yon.

"Bakit hindi mo na lang ako kinontact noong nagkaphone ka?" pag-iiba ko na lang ng tanong. Sigurado naman akong nagkaphone siya 'di ba? Imposible kung hindi.

"Hindi mo sinasagot mga reply ko" napa-ahh na lang ako bago hinawakan ang batok ko. Alam kong ako na don, eh.

Kinuwento na lang niya sakin kung bakit siya umalis. Dahil pala 'yon sa business ng pamilya nila. Yung inis at at galit ko sa kanya, nawala lahat. Valid pala yung reason, eh. Walang kwenta pala yung nararamdaman ko ng ilang taon, hindi rin pala siya ang may kasalanan.

"I'm sorry, ha?" sabi ko dahil wala nang nagsalita pa samin. Tumingin naman siya sakin, nagtataka dahil sa sinabi ko.

"Dahil ikaw ang sinisi ko sa lahat ng 'to"

---

Memories » Kim Seokjin ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon