"Dev, alis na ako" sabi ni Jin sakin. Lumapit naman siya sakin para halikan yung noo ko bago siya tuluyang lumabas ng bahay.
Naghugas na lang ako ng pinagkainan pagka-alis niya. Halos kakatapos lang din kase namin kumain. Huli na nga siya sa trabaho niya.
Tapos na ang New Year at ibang events, ang bilid nga ng panahon. Parang kailan lang may amnesia ako, tapos ngayon bago na yung taon. Since bago na nga ang taon, I promised my self na I will stay away sa mga drama. Aayusin ko na rin yung mga prinoblema ko dati.
Naligo na ako pagkatapos kong maghugas at magwalis. May plano kase akong puntahan ngayong araw. Sa totoo nga nan hindi ko pa nasasabi kay Jin ang gagawin ko ngayong araw. Mamaya na lang pagka-uwi niya or pwede ring puntahan ko siya sa pinagtratrabahuhan niya. Bahala na.
Nagshorts na lang ako at shirt kase wala namang event ngayon para mag-ayos pa ako. 'Tyaka, hindi rin naman ganon kaimportante ang pupuntahan ko. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, nilock ko na yung bahay at gate. Pumara na rin ako ng taxi bago sinabi kay Manong yung address ng pupuntahan ko.
"Salamat po" sabi ko pagka-abot sa kanya ng bayad. Sa wakas, pagkatapos ng ilang minutong byahe dahil sa traffic, nakarating na rin ako.
Nagdoorbell muna ako hanggang sa may dumating na maid. Pagkabukas niya ng gate, nagulat siya nang makita ang presensya ko. Ilang buwan rin pala akong hindi napunta dito. Dagdag mo pa na hindi ako nagsabing pupunta ako kaya siguro nagulat si Manang.
"Si Dad po?" tanong ko sa kanya habang nakangiti. Hinantay ko pa nga siyang sumagot kase natulala siya. Mabuti na lang at naging ayos na rin siya.
"Nasa office, Devyn. Pasok ka" gaya ng sinabi niya, pumasok na ako. Pero pagkarating ko sa may pinto, huminto muna ako dahil may naaninag akong tao. Napa-irap na lang ako sa hangin nang makita ko kung sino siya.
"Bakit ka andito?" tanong sakin ni Gladys. Nakataas pa nga ang isang kilay niya. Hanggang ngayon pa rin pala ganan ang ugali niya.
"Kagaya ng lagi kong sinasabi, hindi ikaw ang pakay ko dito" sabi ko bago ngumiti ng pilit. Nilagpasan ko na rin siya para pumunta sa office ng tatay ko.
At gaya ng inaasahan ko, hinigit niya buhok ko. Nagawa ko rin tuloy sa kanya. Hanggang sa nagkasabunutan na kami. Kung dati ayos lang sakin na api-apihin niya ako, this time hindi na ako papayag. Nakakapagod na.
"Mom, bitawan mo buhok ni Ate Devyn!" narinig kong sabi ni Kate bago kami pinaghiwalay. Lalapit nga ulit sana sakin yung nanay niya hinarangan niya lang.
"Stay out of this Kate!" sigaw niya sa anak niya. Nanlaki naman ang mata ko bago ngumisi. Grabe, sinisigawan niya pala ang anak niya. Sa pagkaka-alam ko kase baby na baby niya 'tong si Kate.
"Mom, can you be good to Ate Devyn?! Nauna naman siya satin sa buhay ni Dad, eh!" bigla akong natigilan ng isigaw 'yon ni Kate. Nakatingin rin ako sa kanya kahit buhok niya lang ang nakikita ko.
"Ka-"
"Go, Ate Devyn. Puntahan mo na si Dad" sabi niya. Humarap din siya sakin kahit konti para ngitian niya ako. Tumango naman ako bago naglakad pa-akyat.
Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng office ng tatay ko, huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Nang sabihin niyang pasok binuksan ko na yung pinto para makapasok ako. Nagulat pa nga siya sa presensya ko.
"Dev!" sabi niya. Binitawan din niya ang hawak niyang ballpen para lumapit sakin. Niyapos na ako pero hindi na ako umangal. Hindi ko lang siya niyapos pabalik.
"Bakit ka napapadpad dito?" tanong niya sakin pagkabitaw niya sa yakap. Ang tagal nga non kaya ilang minuto siguro kaming tahimik. Ayaw ko naman magsalita kase baka masira moment niya.
"Napadaan lang ako dito sa office mo. Kukuha talaga ako ng damit ko" walang gana kong sagot ko sa tanong niya. Totoo 'yon. Konti lang kase damit ko. Ayoko namang bumili ng bago kase alam kong meron pa ako. Sayang naman.
"Ah, sige samahan na kita" sabi niya sakin. Tatanggi na nga sana ako kaso sinenyasan niya ako na mauna na akong maglakad.
Pumunta ako sa kwarto ko at nilabas ang susi ko para mabuksan. Mabuti nga at nakita ko 'to sa mga gamit ko noong nag-aayos ako. Kung hindi, baka kailangan pang sirain 'tong door knob.
Kinuha ko na yung maleta ko at nagsimulang mag-impake. Tinulungan pa nga niya ako kahit mukhang labag sa loob niya ang ginagawa niya. Lahat ng mahahalagang gamit na andito sa kwarto ko, nilagay ko sa bag ko. Parang maglilipat na ako, ganon.
"Saan ka tutuloy, Nak?" tanong niya sakin. Ramdam ko nga na nakatingin siya sakin, hindi ko lang magawa sa kanya pabalik. Naaalala ko lang kase yung mga panahon na kailangan ko ng kakampi pero wala siya.
"Sa bahay ni Jin. Ilang buwan na rin naman ako don" sagot ko sa kanya. Sinaraduhan ko na rin yung isang bag kase puno na. Nakakatatlong bagahe na nga ako. Dinaig ko pa mag-iibang bansa sa dami ng gamit ko.
"Hatid kita, ha?" sabi niya para matigilan ako. Napatingin tuloy ako sa kanya na nagtataka. Mahina naman siyang tumawa.
"Hayaan mo nasa akong makabawi sa'yo kahit papaano" sabi niya. Dahil don, napa-iwas ako ng tingin. Tinuloy ko na rin ang ginagawa ko pero hindi na ako nagsalita pa.
Nang matapos na kami, tinulungan niya akong ibaba ang mga gamit ko. Naka-ilang pabalik balik pa nga kami dahil sa dami, eh. Ramdam ko rin na sumunod rin sa amin yung bago niyang pamilya.
"Saan ka pupunta Jericho?" tanong ni Gladys nang makita ang tatay ko na sinasakay ang gamit sa kotse niya. Lumapit pa nga ako para tulungan siya.
"Ihahatid ko lang si Dev. Mahirap mag-isa at ang dami niyang dala" sagot ni Dad. Lumapit naman samin si Gladys para pigilan ang tatay ko.
"Bakit mo si-"
"Gladys, anak ko rin si Dev. Malamang kailangan ko rin siyang tulungan. 'Tyaka babawi ako sa kanya noong mga panahon na hindi ko siya kinampihan" madiin na sabi ni Dad. Umiwas naman ako ng tingin para pigilan ang pagngiti ko.
Hindi na siya nagsalita pa, siguro natakot sa tono ng pananalita ni Dad. Dahil don, natapos na kami sa paglalagay ng gamit ko sa kotse niya kaya sumakay na kami. Binaba ko naman ang bintana ko kase may gusto akong sabihin.
"'Wag kang mag-alala, Gladys. Hindi ko naman aagawin sa'yo si Dad. Iyong iyo na. Kate, iyo na ang kwarto ko. Hindi na ako babalik" sabi ko at tinaas ko na ulit ang bintana. Kita ko naman na nagulat siya sa sinabi ko pero hindi ko na lang pinansin. Hindi ko rin naman ang sasabihin ko.
"Saan mo gustong maglunch?" tanong ni Dad sakin habang nagdridrive. Kinuha ko tuloy yung phone ko para makita ang oras. Tanghalian na pala, ang bilis.
"Kahit sa pinagtratrabahuhan na lang ni Jin" sagot ko. Dahil hindi niya alam, binigay ko sa kanya ang direksyon papunta don. Maya maya lang nakarating na kami.
Yung lalaki last time ang lumapit sa amin. Ngumiti naman ako sa kanya at ganon din siya. Teka, sino nga ba siya? Nakalimutan ko na. Nakakahiya namang tignan name tag niya baka sabihin kinalumutan ko siya. Lagi pa naman kaming nag-uusap tuwing andito ako dati.
Nang matapos na kaming umorder umalis na siya. Tumingin naman ako sa bintana. Maya maya lang nagulat ako nang may tumabi sakin. Pagtingin ko si Jin pala.
"Oh, Jin. Long time no see" sabi ni Dad. Kinamayan din siya ni Jin na agad niyang tinanggap.
"Oo nga po Tito. Nga po pala" kumunot ang noo ko dahil pinutol ni Jin ang sasabihin niya. Clinear rin niya ang throat niya dahilan para mas kumunot ang noo ko. Ano naman kaya 'to?
"Tito, may gusto sana akong hingin sa inyo"
---
![](https://img.wattpad.com/cover/270765098-288-k507488.jpg)
BINABASA MO ANG
Memories » Kim Seokjin ── OC
Fiksi Penggemar❝ ʟᴇᴛ's ᴍᴀᴋᴇ ɴᴇᴡ ᴍᴇᴍᴏʀɪᴇs, ᴅᴇᴠʏɴ. ❞ ✎ ᴋɪᴍ sᴇᴏᴋᴊɪɴ ✎ ʟᴀɴɢᴜᴀɢᴇ : ᴛᴀɢʟɪsʜ ✎ sᴛᴀᴛᴜs : ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ