Nine

8 2 0
                                    

"Devyn, andito na sila" agad akong napatayo nang sabihin sakin ng nanay ko. Lumapit ako sa isang upuan kung asan ang gamit ko bago sumunod sa kanya palabas ng kwarto ko.

Pupunta akong beach kasama sila Namjoon, Yoongi, Hoseok at Jin. Noong isang araw kase pinagpa-alam ako ni Hoseok sa nanay ko kung pwede daw, nagulat pa nga ako non at hindi ko naman alam na may ganong gayak. Pero syempre pumayag na rin ako, makakalabas ako ng bahay, eh.

Ayos na rin pala kami ni Jin pamula nang puntahan ko siya sa trabaho niya. Balik na siya sa dati kaya napunta na ulit siya dito, minsan nga sinusundo ako sa coffee shop para ayain magdinner, eh. Mas naging sweet at comfortable na rin siya sakin.

"Good morning, Devyn" bati sakin ni Namjoon. Binati ko naman siya pabalik pati na rin yung lalaking kakapasok lang ng pinto.

"Devyn, ako na dyan" sabi sakin ni Jin. Kinuha naman niya sakin yung bag ko na parang wala lang. Nilalayo ko pa kase sa kanya nang kukunin na niya, kaso nakuha niya agad ng mabilis. Sayang yung lakas na ginamit ko.

"Sige mag-ingat kayo, ha?" sabi ng nanay ko. Yumapos rin siya sakin bago ko sinundan ang dalawa papasok sa van. Andon na sa loob yung dalawa pa naming kasama.

Habang nasa byahe nagkwekwentuhan lang kami. Kinuwento rin nila sakin na lagi daw kaming ganito tuwing may trip kami, na ako lang talaga ang babaeng kasama. Kadalasan pa nga daw ako ang nag-aaya sa kanila. Napansin daw kase nila kanina na nagtataka ako kaya nila sinabi 'yon. So, one of the boys pala ako.

Dahil sinimulan na nila 'yon, nagpakwento na lang ako ng mga memories naming lahat. Yung mga bonding na nabuo namin, ganon. Napapansin kong may iniiwasan sila pero hindi ko na tinanong pa kung ano 'yon. Halata naman kase na ayaw talaga nilang ipasabi sakin, kaya bakit ko pa ipagpipilitan?

After ng ilang oras ng byahe, nakarating na rin kami sa pagstastay-an. Dahil wala akong alam sa details, ngayon ko lang nalaman na kila Namjoon pala yung hotel beach resort na tutuluyan namin. At isa lang ang masasabi ko sa ngayon, ang ganda at ang lawak!

May inasikaso lang si Namjoon hanggang sa may lumapit na samin para i-assist kami sa bawat kwarto namin. Isa isa kami ng kwarto kaya napatalon agad ako sa kama nang makapasok. Shuta, ang lambot. Nasa kalagitnaan ako ng pagdama sa kama nang biglang may nagdoorbell. Napatalon naman ako sa gulat pero tumayo na rin ako para pagbuksan kung sino man 'yon.

"Devyn, ito card key mo. 'Wag mong iwawala 'yan, ha? Kung gusto niyo nang gumala or magswimming after niyo mag-ayos ng gamit, go lang. Basta magkakasama tayo sa dinner" tumango naman ako nang sabihin niya 'yon. Kinuha ko naman ang card sa kamay niya. Nagpa-alam na siya na pupuntahan na daw niya yung iba kaya pumasok na ako para saraduhan ang pinto.

Nilagay ko sa may side table ang card key na binigay sakin ni Namjoon. Inayos ko na rin muna ang gamit ko bago ko napagpasyahan na matulog na muna. Nakaramdam ako ng antok, eh. Kaya tulog na muna ako.

Nagising ako nang makarinig ako ng tunog ng tunog. Magugulat pa nga ako kase hindi ko kwarto ang nakita ko paggising, mabuti na lang nagets ko agad kung nasaan ako. Bumangon ako sa kama ko habang kinukusot pa ang mata. Binuksan ko na rin ang pinto at nakita si Jin na nakatayo.

"Dinner na, hoy" sabi niya at pinitik ang noo ko. Kahit hindi masakit, napahawak ako don at hinampas siya kaso 'di siya natamaan. Binelatan niya naman ako kaya tumalikod na lang ako dahil sa inis.

Nakakainis naman kakagising ko lang may panggulo na agad.

Iniwan ko siya don para pumunta ng cr. Nag-ayos muna ako ng sarili bago balak ayusin ang tinulugan. Kaso paglabas ko ayos na pala. Naka-upo na rin si Jin sa kama habang nakatingin sakin. Kinuha ko ang card key sa side table bago siya tinalikuran. Narinig ko naman ang mahina niyang tawa dahilan para mas kumulo ang dugo ko.

"Grabe, tagal niyo" sita samin ni Yoongi pagkalapit namin sa pwesto nila. Andito na kase kami sa place kung saan kami kakain ng dinner. Madami na rin naman ang andito.

"Tagal ba namang gumising ng babaeng 'to" sabi niya sabay turo sakin. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay na ikinatawa niya.

Maya maya lang kumuha na rin kami ng kakainin namin. Eat all you can naman kaya pabalik balik kaming dalawa ni Jin. Oo, kami lang, mga busog na daw kase yung tatlo.

"Kuha mo nga ako letche flan" sabi ko habang nakuha ng lechon. Ramdam ko na tinignan niya ako kaya tinignan ko din siya pabalik. Yung tingin niya akala mo hindi siya makapaniwala sa sinabi ko pero umiling iling rin 'tyaka ako kinuha.

"Padamihan ba kayo ng makakain?" sabi ni Namjoon pagka-inom niya ng tubig. Ngumiti na lang ako sakanya bago umupo sa pwesto ko.

Hindi naman kami nagpapa-unahan na kung sino unang maka-ubos ng pagkain pero, parang ganon na nga. Nauna kase siya. Habang nakain kaming dalawa, nakatingin lang siya at unti-unting bumilis ang pagkain kaya napasubo rin ako ng mabilis. Napa-iling na lang tuloy ang mga kasama namin habang pinapanood kami. Sa huli, siya ang naunang natapos kase mas kakaunti na ang kanya.

"Babalik na kami sa mga kwarto namin. Kayo ba?" tanong saming dalawa ni Hoseok. Kakatapos lang namin kumain at nasa labas na kami. Nakahawak nga lang ako sa tyan ko kase ang bigat ng feeling ko, ang dami ko ba namang nakain.

"Punta kami sa may seaside" sabi ni Jin. Ah, oo nga pala, inaya ko siya kanina habang nakuha kami ng pagkain, yung pangalwang kuha lang namin. Wala lang, feeling ko lang ang ganda kase don sa gabi kahit madilim.

Nagpa-alam na silang tatlo samin at ganon din kami. Naglakad na kami papunta sa may seaside. May mga tao naman don pero kakaunti lang. Bilang nga sa daliri. Gabi na rin kase.

"Alam mo ba na gustong gusto mo ng buwan?" tanong niya sakin habang nakatingala. Ako naman, kumunot lang ang noo at hindi naintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Suot mo pa ba yung necklace?" tanong niya sakin. Mas kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Umayos ako ng tayo bago may nilabas na necklace.

"Hindi ko alam kung ito ba yung tinutukoy mo" sabi ko. Hinawakan naman niya ang necklace na suot ko bago ngumiti.

Hindi ko alam kung paano at bakit ako meron nito, basta paggising ko meron na ako. Tinanong ko rin tatay ko tungkol dito pero wala siyang maisagot, hindi rin daw kase niya alam. Dahil don, hindi ko na lang din tinanggal at baka mahalaga 'yon sakin dati.

"I gave you this necklace noong 5th anniversary natin. At 'yon din yung araw na..." tumungo siya bago binitawan ang necklace. Ako naman, medjo bumaba para makita ang mukha niya.

"Na?" tanong ko. Senyales para ituloy niya yung ibig niyang sabihin. Ayoko namang maiwan na hindi naiintindihan ang ibig niyang sabihin. Baka hindi ako makatulog.

"Naghiwalay tayo" malungkot na saad niya. Napalayo naman ako dahil sa gulat pero lumapit ulit ilang saglit lang. Nagulat ako ng bigla niya akong niyapos. Walang naimik sa aming dalawa hanggang sa nakarinig ako ng hikbi.

"I-I'm sorry, Dev"

---

Memories » Kim Seokjin ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon