"Hoy, gising ka na" sabi ko at inalog alog ang katawan ni Jin. Naggroan naman siya bago ako tinalikuran. Nagtalukbong pa nga siya.
Pero dahil ako si Devyn Sanchez, hindi ako titigil hangga't hindi ko nakakamit ang goal ko. Hindi akong marunong sumuko 'no.
"Okay lang naman na hindi ka gumising, sige. Hahanap na ako ng bagong tutuluyan" asar ko bago umalis sa pagkaka-upo sa kama niya. Aalis na nga sana ako kaso naramdaman kong may humawak ng kamay ko. Pasimple naman akong ngumisi.
"Ito na gising na" sabi niya at umupo sa kama. Humikab pa nga siya habang kinukusot ang mata. Hala, ang cute.
"Anong oras na ba?" tanong niya. Humarap pa nga siya sakin habang nakapikit. Tinignan ko naman ang orasan sa side table niya bago binalik ang tingin sa kanya.
"Mag10 lang naman" sagot ko. Dahil don, nanlaki ang mata niya. Mukha ngang 'di pa siya naniniwala sa sinabi ko kase tinignan pa niya yung orasan niya. Nang makitang totoo ang sinabi ko, nagmamadali siyang pumasok sa cr.
"Late na ako!" sigaw niya pagkapasok niya sa cr. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na hindi mapangiti.
Lumapit ulit ako sa kama niya para ligpitin ang hinigaan niya. Konti lang naman ang unan niya kaya mabilis ko lang nagawa 'yon. Bumaba na rin ako sa kusina niya para makapagsandok ng kanin, breakfast niya. Hinding hindi kase 'yon mawawala sa araw niya.
Halos isang oras na akong gising. Body clock ko nang maagang gumising, kahit noong bata pa ako maaga talaga akong nagigising. Kaya kapag may pasok, mas maaga pa yung gising ko sa normal na gising ko. Kahit tamad ako, ganito ako.
"Naks, may pabreakfast si mayora" narinig kong sabi ni Jin. Hinarap ko tuloy siya habang pinagtitimpla ko siya ng kape. Nakita ko naman na nababa siya ng hagdan habang nagsusuklay siya ng buhok.
"Sulitin mo na habang hindi pa ako tinatamad" biro ko. Natawa rin naman siya kase alam niya ang ibig kong sabihin.
Umupo na siya sa may hapag kaya binigay ko na yung kape niya. Kinuha ko naman ang suklay sa kanya para ako na ang magtutuloy ng ginagawa niya. Inaabangan ko nga din siyang sumubo kaya rin lumapit ako.
Nang kumagat na siya, nakatingin lang ako sa kanya kahit nakatalikod siya sakin. Inaantay ko rin na may sabihin siya. Matagal na panahon na rin pala yung huling beses na pinagluto ko siya. Miss na niya siguro yung masasamang lasa ng pagkain na ginagawa ko.
"Kulang" simpleng sagot niya habang nanguya. Umupo naman ako sa may tabi niya at hinahantay ang kasunod na sasabihin niya. Para nga akong estudyante na nakikinig sa teacher niya.
"Kulang ka sa margarine. Alam mo na next time pero ayos lang" sabi niya sabay subo ulit. Napabuntong hininga na lang ako bago tumango. Tinuloy ko na rin ang pagsusuklay sa buhok niya.
Nakakita kase ako ng bahaw na kanin kanina kaya naisip kong isangag 'yon. Eh saktong may margarine sa ref niya, kaya ginamit ko na rin para naman maiba. Nagprito na rin ako ng itlog at bacon para may kapartner yung kanin niya. Ang sama naman siguro kung walang ulam ano?
Alam ko sa sarili ko na hindi talaga ako magaling magluto. Sa totoo lang, hindi nga ako marunong, eh. Dahil lang kay Jin ako natuto. Tinatakot kase ako noong panahong magkaibigan pa kami. Sabihin ba naman na paano daw kung hindi na ako magkajowa, paano daw ako kakainin? Ang sama naman daw kung lagi akong fast food.
Tapos sa huli, jojowain rin pala ako. Sakin rin pala ang bagsak mo, eh. At sa'yo lang din bagsak ko. Grabe, naalala ko tuloy na naghahanap pa ako dati, nasa malapit lang din pala ang mamahalin ko.
"Saan mo gustong pumunta sa Sabado next week?" tanong niya sakin pagka-upo ko ulit sa tabi niya. Kakatapos ko lang suklayin ang buhok niya kaya ngayon lang ako naka-upo. Napa-isip tuloy ako dahil sa tanong niya.
Ano bang magandang puntahan sa Sabado? Ano bang...
"Gagi, malapit na pasko saan pa tayo pupunta?" tanong ko. Narealize ko lang na sa Sunday na pala yung pasko, hindi pa ako nakakapamili ng ireregalo. Kahit nga decoration dito wala pa rin, eh.
"So, mamimili na lang tayo ganon?" tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot. Ang bilis pala ng panahon, magtatapos na agad ang taon, eh.
"'Wag na lang kaya tayong mamili? Sayang pera. Magpakita na lang tayo tas sabihin natin presensya natin ang regalo" bawi niya sa tanong niya kanina. Tumawa nga din siya dahil sa sinabi niya. Joke pala 'yon? Hindi ako nainform, sorry.
"Joke ba 'yon? Ulitin mo, tatawa ako" sabi ko. Kinulbit ko pa nga siya. Tinignan naman niya ako ng poker face at don ako natawa.
"Alam mo naman na love kita. Cute mo pagnagagalit ka" kanta ko sabay tawa. Pinisil ko pa nga pisnge niya kaya tinapik niya kamay ko.
Maya maya lang, natapos na siya kaya naghanda na siya sa pagpasok niya. Ako naman, hinugasan yung pinagkainan niya. Kanina pa kase ako kumain kaya yung kanya na lang ang kailangan hugasan.
"Babye" sabi niya at hinalikan ako sa labi ko, humalik naman ako pabalik. Lumabas na rin siya ng bahay niya at umalis gamit ang kotse niya.
Teka, bakit ako humalik pabalik? Hindi naman kami, 'di ba? Oo nga pala, walang kami. Shuta naman Devyn, rupok mo sa part na 'yon, ha? Kase naman, aa, hinalikan kase ako! Pasensya na kayo.
Nagwalis lang ako ng buong bahay niya, taas at baba. Hinanap ko na rin yung mga pangdecorate niya. Nakita ko 'yon sa bakanteng kwarto niya kaya nilabas ko. Sinimulan ko na rin na magdecorate.
Habang kinakabit ko ang pangsabit sa Christmas tree, biglang may nagdoorbell kaya napababa ako sa hagdan. Naghugas rin muna ako ng kamay bago lumabas. Pagkabukas ko ng gate, nagulat ako sa nakita ko.
"Devyn" sabi ng nanay ko. Napa-iwas ako ng tingin para kumuha ng hangin bago binalik ang tingin sa kanya. Nakita ko naman na ningitian niya ako.
Tumabi ako sa daan para pumasok siya. Sinaraduhan ko na ang gate at naunang pumasok sa loob ng bahay. Ramdam ko naman na sumunod siya sakin.
"Bakit ka andito?" tanong ko. Ilang araw na rin pala kaming hindi nagkikita. Ngayon na lang ulit.
"Gusto ko lang humingi ng tawad sa'yo dahil sa mga nasabi ko sa'yo noong bata ka pa" sabi niya habang nakatingin sa mata ko. Napa-iwas naman ako ng tingin dahil nararamdaman ko na naiiyak ako.
Lumapit siya sakin para yapusin ako. Hindi naman ako gumalaw kase may side sakin na gusto ko rin yung ginawa niya. Ramdam ko rin naman na naiyak na siya sakin.
"Bakit... Bakit mo sinabi sakin 'yon? Hindi mo ba talaga ako mahal at pinagsisihan mo na pinanganak mo ako?" naiiyak na sabi ko. Nakatingala na nga ako para hindi tumulo ang luha ko.
"Hindi. Hindi ko lang talaga kase alam ang gagawin ko para bitawan mo ako, eh. Kaya nasabi ko sa'yo ang bagay na 'yon para iwan mo ako. Gusto ko lang magkaroon ka ng maayos na buhay kaya nilalayo kita sakin. Pasensya talaga, ha?" sabi niya habang naiyak. Bumitaw na rin siya sa pagkakayakap niya sakin.
Hinawakan niya ang pisnge ko para tignan ako sa mga mata ako. Maya maya naman tumulo na ang luhang pinipigilan ko kanina pa. Nang halikan niya ako sa noo ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi siya yapusin at umiyak sa kanya.
"Sorry din kase sobra akong nagalit sa inyo. Sorry talaga... Ma"
---
BINABASA MO ANG
Memories » Kim Seokjin ── OC
Hayran Kurgu❝ ʟᴇᴛ's ᴍᴀᴋᴇ ɴᴇᴡ ᴍᴇᴍᴏʀɪᴇs, ᴅᴇᴠʏɴ. ❞ ✎ ᴋɪᴍ sᴇᴏᴋᴊɪɴ ✎ ʟᴀɴɢᴜᴀɢᴇ : ᴛᴀɢʟɪsʜ ✎ sᴛᴀᴛᴜs : ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ