"White and Pink!" sabi niya sakin at inagaw ang ballpen na hawak ko. Napatingin naman ako sa kanya.
"Mas maganda white and green" pakikipagtalo ko. Kanina pa kami dito nag-iisip ng kulay pero wala pa rin akong mapili.
"Ganito na nga lang, magspinning wheel na lang tayo" binuksan niya ang phone niya at nagsearch sa google. Nilagay na rin niya yung kulay na gusto namin bago dinamihan.
Nagplaplano na kase kami ng kasal naming dalawa. Isang taon na rin kaming engaged sa isa't isa.
Ang rason kung bakit ngayon lang kami ikakasal dahil nagtravel muna kaming dalawa. Inenjoy muna naming yung sarili namin na walang isipin. At ngayon, handa na kami.
"Oh, paano ba 'yan? White and pink!" masayang sabi niya. Sinulat niya sa papel yung napili ng wheel kaya napatango na lang ako.
"The rest ikaw na bahala magdesisyon. Hindi na ako tatanggi" binaba niya ang hawak niyang ballpen kase tapos na niyang isulat 'yon. Tinaas pa nga niya ang kanang kamay niya na parang nangangako.
Pinagpatuloy na namin ang pagplaplano sa kasal namin. Tutal konti lang naman ang mga dadalo, hindi na kami nahirapan sa pag-iisip.
'Tyaka simple lang naman 'to. Parehas namin ayaw na engrande, lowkey lang ganon.
"Saan tayo maghohoneymoon?" tumingin ako kay Jin ng itanong niya ang bagay na 'yon. Nakatingin lang siya sa ceiling habang may maliit na ngisi sa labi niya.
Susmeyo naman, patulog na kami ngayon akse tapos na kami mag-isip tapos hanggang ngayon may iniisip pa rin siya? Gusto ko lang naman matulog na.
"Tara sa Maldives. Tapos ipapakain kita sa mga pating" sarkastikong sabi ko. Binalot ko rin naman ang sarili ko sa kumot.
"Sinong nagsabi sa'yo na ako lang? Ikaw rin, 'no. Ilalagay ko 'yon sa vow ko na isasama kita sa lahat ng bagay" sabi niya sabay tawa ng malakas. Napasapo naman ako sa noo ko.
"Sige sige. Bahala ka" sabi ko at pumikit na. Bahala ka tumawa dyan basta ako, tutulog na ako. Napagod utak ko kakaisip kahit konti lang 'yon.
Kinabukasan, una naming pinuntahan yung paggaganapan ng kasal namin. Nakipag-usap muna kami bago nagschedule ng kasal. Sakto naman na pwede sa birthday ni Jin kaya don na lang namin sinabay.
"Kapag nagdivorce tayo sobrang sakit non" sabi ni Jin habang nagpapa-atras. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Ah, so plano mo na agad magdivorce ganon? Ano 'to nagpakasal tayo for divorce?" inis kong sabi. Ewan ko ba, bigla lang akong nainis, eh.
"Hoy joke lang. Ikaw naman. Joke lang 'yon! 'Di ako makikipagdivorce sa'yo, 'no! Tagal kong inantay 'to!" saad niya. Tinigil pa nga niya pagpapa-atras para yapusin ako.
Nilayo ko naman agad siya kase need niyang ituloy 'yon. Nakaharang kase kami sa daan. May mga kotseng nag-aantay rin.
"Ikaw gumawa ng kanta namin" casual na sabi ni Jin kay Yoongi. Napatingin naman siya na parang hindi siya makapaniwala.
Ah, kaya pala dumeretso kami dito sa studio ni Yoongi para don. Hindi naman kase niya sinasabi sakin kahit nakailang tanong ako.
"Instrumental lang naman siguro ano?" tanong ni Yoongi. Tumango naman 'tong kasama ko kaya parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib.
Nagbigay lang si Jin ng details na gusto niya sa kanta. Pinabayaan ko na siya don kase wala naman akong alam sa bagay na 'yon. May pagkasintunado nga ako, eh.
"Saan na tayo pupunta?" tanong ko kay Jin pagkasakay ko ng kotse niya. Sabay rin kaming nagsuot ng seat belt.
"Sa magulang ko" nanlaki ang mata ko nang sabihin niya 'yon. Humarap siya sakin bago tumawa siguro dahil sa reaksyon ko.
Seryoso?! Hindi pa ako ready, gago! Hindi maganda ang suot ko, 'no!
Nagsimula na siyang magdrive kaya agad akong nagpanic. Dahil no choice na ako sa pagpalit ng damit, pinabayaan ko na lang. Nag-ayos na lang ako ng sarili. Mabuti nga at may dala ako.
"Ano itsura ko?" kulbit ko kay Jin pagkapatay niya ng makena ng kotse. Andito na kase kami sa bahay ng magulang niya.
"Mukha kang tao" sagot niya sabay tawa. Hinampas ko naman siya balikat.
Ako na ang nag-adjust sa kanya. Hinantay ko siyang matapos tumawa bago siya hinarap ulit. Parang sinisinok pa naman ang tawa ng lalaking 'to.
"Ayos lang. Maganda ka" sabi niya. Ramdam ko naman ang pag-init ng pisnge ko kaya umiwas ako ng tingin.
Pagkababa namin sa kotse niya, sinalubong agad kami ng magulang niya. Sobrang saya pa nga nila nang makita kami. Ilang taon na rin pala ang nakakalipas pamula nang makita ko sila.
Doon kami pinakain ng tanghalian kaya hindi na kami tumanggi, gutom na rin naman kami. Nagkwentuhan lang kami ng mga bagay bagay hanggang sa napunta sa kasal namin.
Tuwang tuwa nga sila nang malaman nila ang bagay na 'yon. Mukhang hindi sinabi sa kanila ni Jin dati na matagal na kaming engaged.
"Jin! Take care of Devyn, ha?" sabi ng nanay niya. Napangiti naman ako dahil don. Dagdag mo pa na pinisil niya ang kamay ko.
"Syempre naman. Teka nga lang, sino ba talaga ang anak niyo? Parang mas alaga niyo si Dev kesa sakin" reklamo ni Jin na parang bata. Natawa naman kaming tatlo sa reaction niya.
"Ikaw matagal ka na sa pamilya, si Devyn official pa lang na papasok kaya winewelcome lang ulit namin siya" simpleng sagot ng tatay niya. Nakaramdam naman ako ng saya dahil don.
Pagkatapos ng ilang usapan, tuluyan na kaming umalis. Pumunta naman kaming sunod sa bahay ng nanay ko. Dumating pa nga yung tatay ko don kaya napag-usapan agad ang kasal namin.
"Ate, saan honeymoon niyo?" napatingin ako kay Jungkook nang ibulong niya 'yon habang naglalakad kami palabas. Halata ngang nang-aasar lang siya.
Ramdam ko ang pag-init ng pisnge ko kaya hinampas ko siya sa braso niya. Tumawa naman siya ng malakas pagkagawa ko non.
"Siraulo" saad ko. Mas lumakas naman ang tawa niya dahil don.
Sa mga nagdaan na mga araw, kasal lang namin ang inasikaso namin. Na-eexcite nga ako tuwing papalapit na yung araw. Two weeks before rin pala ng kasal namin, naibigay na namin yung mga invitations.
Hanggang sa dumating na yung araw na pinakahihintay ko, namin pala. Parang hindi iniimagine ko lang 'to dati. Tapos ngayon ikakasal na ako.
Hindi ko napigilan ang saya ko habang binabasbasan kaming dalawa. Hanggang sa pagbibigay ng vows sa isa't isa. Sineryoso pa nga niya yung sinabi niyang isasama ako kahit saan. Hindi ko tuloy alam kung literal na sa lahat ng bagay 'yon.
"Okay, you may now kiss the bride!" excited na binuksan ni Jin yung belo ko pero dahan dahan lang. Ningitian muna namin ang isa't isa bago niya nilapat ang labi niya sa labi ko.
Rinig ko ang hiyawan ng mga taong dumalo sa kasal namin. Nangingibabaw pa nga ang boses ng anim lalong lalo na si Hoseok.
Nang humiwalay kami sa halik, pinatong niya ang noo niya sa noo ko. Hindi ko minulat ang mata ko kase alam kong maduduling ako. Ang lapit namin kaya sa isa't isa.
"I love you" bulong niya pero sapat na para marinig ko. Hindi ko naman naitago ang ngiti ko kase mahirap.
"I love you too"
---
![](https://img.wattpad.com/cover/270765098-288-k507488.jpg)
BINABASA MO ANG
Memories » Kim Seokjin ── OC
Fanfiction❝ ʟᴇᴛ's ᴍᴀᴋᴇ ɴᴇᴡ ᴍᴇᴍᴏʀɪᴇs, ᴅᴇᴠʏɴ. ❞ ✎ ᴋɪᴍ sᴇᴏᴋᴊɪɴ ✎ ʟᴀɴɢᴜᴀɢᴇ : ᴛᴀɢʟɪsʜ ✎ sᴛᴀᴛᴜs : ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ