"Ate, may bisita ka" napatigil ako sa pagsusuklay ko nang buhok dahil sa sinabi ni Jungkook. Binaba ko muna ang suklay na hawak ko bago siya tinignan, ang cute niya sa pwesto niya. Nakadungaw ka siya na parang bata.
Sinenyasan ko siya kung sino 'yon, mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin dahil nagkibit balikat siya. Tumingin ulit muna ako sa salamin bago lumapit sa pwesto niya para lumabas. Napatigil naman ako sa paglalakad ko dahil nakilala ko kung sino ang andito. Babalik nga sana ako sa kwarto ko kaso nakita niya ako. Tumayo pa nga siya kaya ang rude sigurong tignan kung aalis ako bigla. Kaya no choice ako kung hindi bumaba.
"Dev, I miss you" sabi niya. Yayapusin nga sana niya ako pero lumayo ako. Kita ko naman ang disappoinment sa mukha niya. Napa-upo na lang ako sa sofa.
"Ate, pasok na ako" tumingin ako kay Jungkook dahil sa sinabi niya. Nang ngitian ko siya pumunta siya sa kusina. Paglabas naman niya, nakasunod sa kanya ang nanay namin. Tuluyan na ring umalis ang kapatid ko.
"Bakit ka naparito?" tanong ng nanay ko. Nilapag na rin niya ang bitbit niyang juice bago umupo sa tabi ko. Umipod naman ako kahit malawak ang space sa aming dalawa.
"I just want to talk about Dev" sabi niya. Kumunot naman ang noo ko dahil don. Tungkol sakin?
"What about me?" walang gana kong tanong. Ganon ba kaimportante 'yon at kailangan pa niyang dumayo dito. Hindi ba siya busy araw araw.
"Your memories are now back, Dev. So you can come back to me" I scoffed because of what he said. Napatayo nga yung nanay ko dahil don, eh.
"Papabalikin mo si Devim don? Eh, hi-"
"I'm not coming back sa impyernong 'yon" sagot ko dahilan para magulat silang dalawa. Lalo na ang tatay ko. Syempre, ganan talaga ang magiging reaskyon niya. Wala siyang alam sa mga nangyayari, eh. Mas pinipili niyang magbulagbulagan pagdating sakin.
"Hindi rin naman ako magstastay dito ng matagal" sabi ko at humarap sa nanay ko. Kita ko naman sa mukha niya na naguguluhan siya sa sinabi ko.
"Maghahanap ako ng trabaho at aalis dito. Matanda na rin naman ako" simpleng saad ko bago bumalik sa kwarto ko. Rinig ko pa nga na tinatawag nila ako pero hindi ko na lang pinapansin. Naiinis pa rin ako kapag nakikita ko mga mukha nila.
Mabuti at hindi na nila ako kinausap ulit sa bagay na 'yon. Pero bumibisita pa rin ang tatay ko dito, nagiging mabait siya na akala mo mababago pa niya ang isip ko. Lagi siyang ganito tuwing sinasabi ko na ayoko siyang kasama, pero lagi niya pa ring ginagawa ang dahilan kung bakit ayoko siya makasama. Masyado na akong napapagod intindihin siya. Lagi na lang ako nagpapa-ubaya, nasasaktan. Paano naman ako?
"Why don't you live with me?" natigil ako sa pagsubo ko dahil sa sinabi ni Jin. Andito kami sa picnic place kase sinundo niya ako kanina. Sabado ngayon at napagplanuhan namin na lagi kaming ganito tuwing Saturday lang. May pasok kase siya simula Lunes hanggang Biyernes, kailangan rin naman niyang magpahinga.
"W-What do you mean?" shuta naman Devin, bakit ka nauutal? Parang kang ewan.
"I mean, sabi mo aalis ka sa inyo tas magtratrabaho ka. E 'di para tipid ka sa mga gastusin mo, tumira ka na kasama ko" sabi niya. Proud pa nga siya don kahit hindi ko alam kung para saan. Natawa na lang tuloy ako.
"You don't need to surgar coat it, Jin. Gusto mo lang akong makasama, 'yon yon" asar ko at may pag-iling pa. Sumubo na rin ako sa favorite food ko, Braso de Mercedes.
"Kapal talaga ng face mo, Devin. Baka ikaw pa ang may gustong makasama ako 'no. Sa gwapo kong 'to" sabi niya sabay bigay ng flying kiss sa hangin. Wala naman kase siyang pinagbibigyan. Swerte siya nasanay ako sa kanya kung hindi, mapagkakamalan ko siyang baliw.
Nagtalo pa kaming dalawa kung sino talaga ang may gustong makasama ang isa't isa. Sa totoo lang, gusto ko talaga siyang makasama lalo na't bumalik na ang alaala ko. Pero tamang asar na lang muna ako.
"Seriously, if you want to leave your place, tatanggapin kita. 'Tyaka, akala mo naman hindi ka rin tumira don. Halos angkinin mo na nga condo ko" natawa naman ako nang ma-alala yung panahon na 'yon dahil sinabi niya. Grabe talaga.
Dati kase tuwing ayoko talagang nauwi, napunta ako sa kanya kahit hindi natawag. Tapos ilang araw ako don titira, kaya may mga damit ako don. Sabi niya kase feel free daw don kaya ginawa ko lang. Masunirin kase akong tao. Kaso, noong mga pamahon na 'yon, boyfriend ko siya at girlfriend niya ako. Iba na sa sitwasyon naming dalawa ngayon.
"Sige, pag-iisipan ko" sabi ko na lang. Tumango siya bago may hinanap sa bag. Tinitignan ko naman siya habang ginagawa 'yon.
"Nga pala, sorry gift ko" sabi niya sabay abot ng box ng phone. Nanlaki naman ang mata ko dahil don. Seryoso, sorry gift 'to?!
"Grabe naman sorry gift mo. Ang mahal" sita ko. Pero kung sa bagay, ganito naman talaga siya. Hindi pa ako nasanay.
Agad kong kinuha ang phone at binuksan. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi ko dahil don. Remember, after ng aksidente ko, wala akong phone. Kase sirang sira daw at hindi na maaayos. 'Tyaka hindi naman ako maghinap noong panahon na 'yon. Sobrang simple lang ng buhay ko noong may amnesia ako. Speaking of aksidente...
"Ano na nga pala nangyari don sa nakabangga sakin?" tanong ko. Inaantay ko rin na magbukas ang phone ko. Nagscascan pa kase.
"Guilty siya. Ang daming shots na nagpatunay na lasing siya non, eh" sabi niya. Napatango naman ako dahil don.
Maya maya lang nagbukas na ang phone na bigay niya sakin. Nagexplore naman ako don bago pumunta sa gallery. Natigilan naman ako nang makita ang unang picture dito, at 'yon ang picture ni Jin na nakanguso. Napabuntong hininga na lang ako bago pumunta sa contacts.
Napasapo ako sa noo ko dahil contact number niya ang tanging number na andon. Gamit din niya ang picture sa gallery dito. Kaso ang hindi ako makapaniwala ay yung pangalan niya.
most handsome person you know
I mean, totoo 'yon. Pero, ahh, I have no words. Nagpicture na lang ako ng sarili ko at ng paligid. Nagpicture na rin kaming dalawa ni Jin kase kanina pa niya ako pinipilit. May plano naman akong magpicture kaming dalawa pero balak ko sanang mamaya pa.
"Thank you" sabi ko pagkatapos ko siyang halikan sa pisnge. Nagulat naman siya at ganon din ako. Masyaod lang akong natuwa kaya nagawa ko 'yon, tama tama.
Maya maya lang bumalik na kami sa bahay. Agad naman akong dumeretso sa kwarto ko para maligo. Nang matapos, kinuha ko ang phone ko kase maglolog in ako sa mga social media accounts ko. Wala kaseng net kanina kaya hindi ko magawa 'yon.
Pagkabukas ko sa messenger ko, ang daming messages ang hindi ko pa nabubuksan. Ang tatagal na nga ng mga 'to. Biruin mo 'yon, simula noong may amnesia ako hindi ko nabubuksan ang mga 'to. Ang tagal.a
Nagreply naman ako sa mga taong nagmessage sakin. Gusto ko na ngang itigil kase napapagod na utak ko kakaisip ng kung anong irereply. Ilang tao pa ang nareplyan ko bago nakitang online si Jin. Agad ko naman pinindot ang account niya at nagtype ng sasabihin.
Devin
Hey yow wazzup wazzup
U awake? Hey
Libre mo ko mc doNatatawa ako habang chinachat ang kalokohan ko. Para kaseng bata na hindi. Tumigil naman ako nang makitang sineen na niya. Nakakaramdam nga ako ng kaba.
Jin
Hi love
Mc do? Nuggets pa rin ba gusto mo don?
I'm on my way---
![](https://img.wattpad.com/cover/270765098-288-k507488.jpg)
BINABASA MO ANG
Memories » Kim Seokjin ── OC
Fanfiction❝ ʟᴇᴛ's ᴍᴀᴋᴇ ɴᴇᴡ ᴍᴇᴍᴏʀɪᴇs, ᴅᴇᴠʏɴ. ❞ ✎ ᴋɪᴍ sᴇᴏᴋᴊɪɴ ✎ ʟᴀɴɢᴜᴀɢᴇ : ᴛᴀɢʟɪsʜ ✎ sᴛᴀᴛᴜs : ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ