"Kuya, pwede nang tumalon dito?" tanong ko kay Kuya na kasama namin sa pag-iisland hoping. Nang tumango siya agad akong napangiti. Dali dali rin akong tumango kaya hindi na ako napigilan ng mga kasama ko.
"Hoy, Devyn, mag-ingat ka" rinig kong sabi ni Hoseok habang naka-upo. Nagthumbs up naman ako sa kanya. Nakita kong bigla siyang lumunok habang nakatingin sa may dagat. Natawa naman ako ng kaunti.
"Malamig tubig?" tumingin ako kay Yoongi nang bigla siyang nagtanong. Umiling naman ako bilang sagot. Mainit nga ang tubig, eh, dahil siguro sa araw. Hindi naman siya sobrang init na nakakapaso. Pero may lamig pa rin naman.
Tinanggal niya ang towel na nakabalot sa bewang niya bago tumalon. Napalayo tuloy ako sa kanya dahil sa talabsik ng tubig. Sumunod naman sa kanya si Namjoon na naka goggles pa nga siya.
"Hindi ka lalangoy?" tanong ko kay Jin habang nagflofloating. Andon lang kase siya sa bangka namin kasama si Hoseok. Ang pagkaka-iba lang nila yung isa nakain, tapos siya nakuha ng mga litrato.
"Ayoko. Baka may pating, ma-attract pa sa kagwapuhan ko" sabi niya at pinikit ang mata. Binasa ko naman siya kaso hindi lang siya naabot. Three days straight na kaming magkakasama at ganito siya lagi.
"Sige. Sabi mo, eh" saad ko sabay kibit balikat. Naglangoy rin ako ng kaunti palayo sa kanya.
"Hindi mo ko pipilitin?" napatingin naman siya sakin. Mukha nga siyang nabetray dahil sa mukha niya, eh.
"Gusto ko pa naman mabuhay. Ayokong mamatay dahil sa pating" sagot ko. Kumunot naman ang noo niya, mukhang hindi naintindihan ang sinabi ko. Napabuntong hininga na lang ako bago lumangoy palapit kila Yoongi.
Maya maya lang narinig ko ang tawa ni Jin. Nagulat nga kaming tatlo kaya natigil kami sa pagbabasaan. Mukhang ngayon niya lang nagets ang sinabi ko. Grabe.
Tumalon na rin sa dagat si Hoseok, kasunod si Jin. Akala ko nga seryoso siyang ayaw niya, eh. Basta kapag nakakita ako ng pating, aalis na agad ako. I-ooffer ko si Jin tutal siya naman ang nagpadala non don. Joke.
"Bakit mukha kang takot kanina?" tanong ko kay Hoseok nang bigla siyang lumapit sa pwesto ko. Napatingin naman ako kila Namjoon at Yoongi na nagsisigawan dahil nag-aaral magswimming. Marunong lang daw kase sila lumutang pero nakalimutan na nilang lumangoy.
"Ah, busog kase ako. Baka lumaki tyan ko kapag lumangoy ako kaya ganon" sabi niya sabay ngiti. Natawa na nga din siya dahil sa sarili niyang kababawan. Pati tuloy ako natawa.
Inenjoy pa namin ang pagstastay sa gitna ng dagat hanggang sa napagdesisyunan namin na ituloy na ang island hoping namin. Last day na kase namin dito kaya ito na yung activity na ginagawa namin. Kahapon ko lang nalaman na kaya pala may paganto kami dahil birthday ni Namjoon noong kabilang buwan. Pero dahil busy ang lahat sa mga sari sariling trabaho, mga ganitong panahon daw talaga kami nag-oouting. Except noong college pa daw kami.
Gusto kong maalala ang nangyayari tuwing may ganito kami. Lintek na amnesia kase 'to.
Bumalik na rin kami sa resort nang matapos na kami. Dumeretso naman kami sa mga kwarto namin para maligo at mag-ayos na ng mga gamit. Babalik na kase kami at huling araw na nga namin 'to. Kaya after nito, balik na sila sa mga trabaho nila. Which means, matagal na panahon na ulit kami bago magkikita.
Grabe naman yung panahon.
"Devyn, ready ka na?" tanong sakin ni Jin pagkapasok niya ng room ko. Tumango naman ako kaya binitbit na niya ang gamit ko. Ako naman, tumingin muna sa paligid kase baka may nakakalimutan pa kami.
Paglabas namin, madilim na ang paligid. Gabi na kase. Sobrang hapon na kase kami nagsimula sa beach activities namin at mga late magising.
Inantay lang namin si Namjoon sa may lobby na magcheck out bago kami pumunta sa parking. Inayos naman namin lahat ng gamit namin sa kotse. Nagtatalo pa nga sila kung saan nila ilalagay mga gamit nila. Gusto kase nilang lahat yung madaling makuha. Ako naman, hindi na nakisali at nilagay na lang sa may dulo ang gamit ko.

BINABASA MO ANG
Memories » Kim Seokjin ── OC
Fanfiction❝ ʟᴇᴛ's ᴍᴀᴋᴇ ɴᴇᴡ ᴍᴇᴍᴏʀɪᴇs, ᴅᴇᴠʏɴ. ❞ ✎ ᴋɪᴍ sᴇᴏᴋᴊɪɴ ✎ ʟᴀɴɢᴜᴀɢᴇ : ᴛᴀɢʟɪsʜ ✎ sᴛᴀᴛᴜs : ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ