Seven

3 2 0
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas pamula ng lumabas kami ni Jin. Kaya isang linggo na rin akong hindi nakakatulog ng ayos dahil sa sinabi niya. At loob ng mga araw na 'yon, wala akong balita sa kanya. Hindi naman kase siya napunta dito. Wala rin akong phone pangcontact sa kanya. Kaya wala talaga akong balita.

Nag-aayos ako ngayon kase may dinner kami sa labas. Birthday ngayon ni Jungkook kaya kailangan ko maging mukhang representable kahit papaano. Kaya kahit hindi ko alam kung paano, nag-ayos pa rin ako. Basta, ang mahalaga, mukha akong tao. Okay na 'yon.

"Devyn, okay ka na?" napatingin ako sa may pinto nang marinig ko don ang nanay ko. Nagpabango na muna ako bago tumango. Naglakad na rin ako palabas ng kwarto ko kaya sabay na kaming bumaba.

Nasa kotse na ang excited na si Jungkook. Ngiting ngiti nga siya nang pumasok ako. Halatang hindi niya maitago ang sayang nararamdaman niya ngayon.

Ilang minuto lang kami sa byahe pero nakatulog pa rin ako. Gabi na kase kaya bigla akong inantok nang makita ang dilim. Kung hindi pa ako ginising ni Jungkook, hindi ako bababa ng kotse.

Inayos ko muna ang feeling kong magulong buhok bago tuluyang bumaba. Nilock na naman ng tatay niya ang kotse kaya pumasok na kami sa resto. Ngayon ko nga lang napansin na ito pala yung resto na pinagtratrabahuhan ni Jin.

Habang na-order, hindi ako makapagfocus sa pagpili ng kakainin. Kaya kung ano na lang yung una kong makita, 'yon na lang inorder ko. Sinusubukan ko kaseng hanapin si Jin, baka kase andito siya. Baka rin maka-usap ko para itanong kung bakit 'di ko na siya nakikita. Kaso nadismaya lang ako kase walang any signs of Jin.

"Ate, kain ka na" alok sakin ni Jungkook. Napansin niya siguro na kanina pa ako nalingon lingon sa palagid at hindi nakain.

"Devyn, sino bang hinahanap mo? Parang kanina ka pa naghahanap, ah" sita ng nanay ko sakin. Uminom rin siya ng coke habang inaantay ang sagot ko.

"Wala lang ho" pagsisinungaling ko. Nahihiya kase akong sabihin na si Jin ang hinanap ko. Sila kase ang kasama ko kaya bakit pa ako naghahanap ng iba, 'di ba? 'Yon ang dahilan kung bakit nahihiya akong sabihin.

Halata sa ekspresyon ng mukha niya na gusto niya akong tanungin pero mas pinili na lang niyang itikom ang bibig niya. Tumango na lang din siya bago pinagpatuloy ang pagkain. Ako naman sinimulan ko na.

Nagkwekwentuhan kami habang nakain. Pero mostly, tungkol kay Jungkook. Kase siya yung napasok kaya siya lagi yung tinatanong. Ako kase sa kwarto lang puro hilata. Nakikitanong naman ako kahit 'di ko ganon naiintindihan ang nangyayare.

"Jungkook, happy birthday" tumigil ako sa pagtawa nang marinig ko ang familiar na boses. Tumingin rin ako sa gilid ko at don ko nakita si Jin na may hawak na regalo. Nagkatinginan naman kami kaso umiwas agad siya ng tingin.

"Thank you, hyung!" sabi ng kapatid ko bago siya niyapos. Nagpa-alam naman si Jin sa magulang ko bago tuluyang umalis. Hindi nga niya ako kinausap, kahit isang hi lang wala.

"Anak, may problema ba kayo?" tumingin ako sa nanay ko nang tanungin niya ako. Napasandal na lang tuloy ako bago umiling.

Wala naman talaga kaming problema, eh. I mean, ang alam ko. Hindi naman kase kami nag-away or what. Wala akong problema sa kanya. Pero ngayon naiinis ako.

Dumaan nanaman ang mga araw at nasa bahay pa rin ako. Wala akong pinupuntahan kase hindi ko alam kung saan ako pupunta. Si Jin lang naman ang dahilan kung bakit ako nakaka-alis, eh. Ngayon na hindi siya napunta dito, 'di talaga ako nakaka-alis.

"Gusto ko pong magtrabaho" sabi ko pagkalapit ko sa nanay ko na nagpupunas ng lamesa. Tumigil naman siya sa ginagawa niya bago ako tinignan ng mabuti.

Nababagot na kase ako dito. 'Tyaka yung mga ka-edad ko, nagtratrabaho na. Samantalang ako, ito pabuhat. Nakakahiya na pati at puro ako tambay dito sa bahay walang ginagawa.

"San ka naman magtratrabaho? May alam ka ba?" tanong niya sakin. Matagal akong tumingin sa kanya bago umiling. Wala kase akong alam. Hindi ko rin alam kung saan maghahanap.

"Ganito na lang. Sumama ka sakin sa coffee shop ko" sabi niya sabay ngiti. Nanlaki naman ang mata ko bago tumango. Hindi ko kase alam na may coffee shop pala siya. Baka dati, oo. Pero ngayon hindi.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Kaso nag-antay pa ako kase masyado palang napa-aga gising ko. Naabutan ko pa nga si Jungkook na papasok sa school 'tyaka tatay niyang may pasok sa office.

Akala ko madali lang 'yon, hindi pala. Nakakastess mag-assist sa mga costumers lalo na't ang dami nila. May taas pa nga. Hindi ko nanan inaakala na ganito pala kapatok 'tong shop ng nanay ko.

"Devyn, pabigay nito sa table 24" napahinga muna ako ng malalim bago kinuha ako order pala ilagay sa tray ko. Kakababa ko lang kase tataas ulit ako. Wala napagod lang ako.

Nasaulo ko na agad ang mga number ng lamesa dito kaya nadadalian na ako. Nakita ko naman ang lalaking nakatalikod sakin kaya sinaulo ko na ang sasabihin ko. Baka kase maling order nanaman ang masabi ko, nakakahiya. Nakadalawang pagkakamali na kase ako ngayong araw.

"Here's your order, sir. One americano. Enjoy your dr-"  'di ako natapos sa sasabihin ko nang tignan ko ang costumer sa harapan ko. Kahit nga si Jin nagulat nang makita ako.

"Miss" napatingin ako nang may costumer na tumawag sakin. Sinenyasan niya ako na pumunta ako sa kanya kaya ningitian ko na muna siya.

"Babalikan kita mamaya" sabi ko kay Jin bago umalis. Nagtrabaho muna ako nang kaunti bago nagpa-alam sa nanay ko nang mafeel ko na medjo maluwag na. Inalis ko rin muna yung apron at saklob na suot ko bago tumaas.

Dumeretso ako kay Jin na naka-upo lang. Ubos na rin ang inumin niya. Umupo agad ako sa harap kaya napa-ayos siya ng pwesto niya.

"Anong gusto mo-"

"Bakit parang nilalayuan mo ako?" pagpuputol ko sa sinasabi niya. Hindi siya mukhang nagulat sa sinabi ko, mukhang alam nga niya na 'yon ang sasabihin ko. So, totoo ngang nilalayuan niya ako.

"Ano lang kase... Ano" medjo sinamaan ko siya nang tingin kase mukhang ayaw niyang sabihin sakin. Nang mapansin niya 'yon, bumuntong hininga na lang siya.

"Natatakot lang kase ako. Kaya hangga't maaga aga pa, sinusubukan ko nang pigilan" napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Hindi ko siya maintindihan.

"Saan?" tanong ko. Tinignan niya ako sa mata ko bago umiwas ng tingin. Umiling iling rin siya bago pasimpleng sinabunutan ang sarili.

"Natatakot ako na baka hindi mo na ako mahal. Kase... Kase... Matagal na tayong hiwalay kaya baka iba na rin ang nararamdaman mo" pag-amin niya. Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman inaakalang 'yon pala ang dahilan.

Maya maya lang, umiling na siya bago nagpa-alam na aalis na siya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinigilan. Tinignan ko nga lang siya.

Basta ang alam ko, nakakaramdam ako ng lungkot ngayon.

---

Memories » Kim Seokjin ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon