4: Sir Kylen

443 3 0
                                    

"Sir Kylen" gusto kong tumakbo pero bigla niyang binuhat si Evan.











"They really a copy of Prince' face" napapikit ako ng marinig yun. Si Sir Kylen ay ang manager ng department of Finance. Nakilala ko siya kanina kasi namukhaan niya ko. Same school sila ni Prince dati, and yes, nandun siya sa bar that time na may nangyari sa akin ni Prince. Sinabi niya na naaalala niya ko.











"Pwede bang hindi makaabot kay Prince to?" tanong ko. Ngumiti siya sa akin at umiling.











"Paano pag gusto kong sabihin?" tanong niya. Nagpaawa naman ako. Hanggang sa tumawa siya. "I'm just kidding. Syempre hindi ko sasabihin. Prince can't handle this kind of situations. Hayaan nalang natin siya na maalala lahat."sabi niya." By the way, I follow you" sabi niya. "Naalala mo si Louise? She said na nabuntis ka ni Prince and that time hindi ka na namin nakita sa school niyo. Hinanap ka namin nun. Because Prince wanted to apologize. Pero I didn't expect na hindi ka niya maaalala" sabi niya.
"Nakafocus na siguro siya sa fiancee niya talaga." sabi niya. Napatigil ako ng mapansin na nasa tapat na ko ng bahay namin











"Gusto mo munang pumasok?" tanong ko. Tumango naman siya.











"I want to" sabi niya












Habang naghahanda ako ng pagkain, biglang lumapit si Ivan sa akin.












"Papa namin siya?" nanlaki yung mata ko nun kasi ang lakas ng boses niya.











"No, no, no" sabi ko. Napatingin ako kay Sir Kylen, tinititigan siya ni Evan. Tas nakatingin siya kay Ivan na nasa paahan ko tas tumatawa. Mukhang narinig niya yung sinabi ni Ivan ah?













Tumayo siya at kinuha si Ivan sa paanan ko. Tapos nagsalita...












"Gusto mo ko maging Papa?" sabi niya, halatang pinarinig niya sa akin yun, naglakad naman siya pabalik ng sala











"Opo. Walang magbabantay sa amin e. Si Mama laging umaalis. Palo palo kami ni Tita Sha."sabi ni Ivan












" I told you, hindi ko na kayo ibabalik dun" sabi ko sabay lapag ng pagkain namin.











"Sinasaktan sila?" tanong ni Sir Kylen sa akin











"Sabi ni Ivan." sabi ko. "I trust my son. Hindi ko na ibabalik yung kambal kay Ate Sha."sabi ko." Iniiwan ko sila dun para sa trabaho na to" sabi ko.











"Then, let's apply them sa school. Para kahit nasa opisina ka. Nasa school sila" sabi niya. Napakamot naman ako ng ulo. Oo nga pala. Apat na taon na sila dapat kahit nag aaral na sila.











"Pwede ba kitang maasahan dun?" tanong ko sa kaniya.











"Sige. 2pm pa naman ang pasok ko sa office at alam kong tinanggal ni Prince si Lily at ikaw ang pinag re report. Bukas pupunta ako ng 6am dito. Ako na magdadala sa kanila" sabi niya. Bigla ko siyang nayakap.











"Thank you talagaaaa" ang higpit pa ng pagkakayakap ko. Nang bigla kong maalala na boss ko din to. "Sorry po" sabi ko sabay bitaw.











"Same age lang tayo, huwag ka ngang mag 'po'."sabi niya. Nanlaki yung mata ko.











" Same age? "tanong ko.












" Oo, I'm 23. That's why, I can also be a father to them"sabay turo sa kambal.

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon