Ilang minutes lang ay dumating na si Mom sa pinto, kasama si Dad. Nilapitan niya agad si Prince at sinampal.
"Your mother didn't teach you, huh?" sabi niya at inalalayan si Lana. Bigla naman akong natawa.
"Just like my mother" sabi ko. Sinampal niya din ako, inawat naman siya ni Kylen.
"Should I be thankful na hindi kayo nagkasundo?" tanong ni Prince.
"Should you stop this?" sabi ni Lana.
"Then, what? Magsasaya si Kylen kasama si Lara sa iisang bubong kasama ang mga anak ko?" tanong ni Prince.
"Ibigay mo na ang nga bata sa kaniya" sabi ni Mom sa akin. Hindi ko alam pero nasaktan ako sa narinig ko sa kaniya kaya nasampal ko siya. Kahit na magulang ko siya.
"Nag iisip ka pa ba? O yang utak mo, nilamon na ng pera?" tanong ko. "I'll rather choose my childrens than a mother like you." sabi ko.
"Anong gusto mo? Mamatay tayo dito?" gigil ba gigil na tanong ni Mom.
"EDI MAMATAY!" sigaw ko."MAGKAMATAY NALANG TAYO DITO, PERO HINDING HINDI MO MAHAHAWAKAN ANG NGA ANAK KO." sigaw ko.
"Mama ayoko, may baby ako" sabi ni Lana.
"Tanga ka ba!? Ako nga may limang batang nag aantay sa akin" sabi ko sa kaniya.
"Please, Lara. Ibigay mo na sa kaniya ang kailangan niya" sabi ni Mom. Natawa naman ako.
"Admit everything Mom" sabi ko.
"Oo, Lara. Totoo lahat ng nalalaman ni Prince. Anak kayo ng step father niya. Hindi magkaanak ang Dad niyo kaya pinilit namin na makuha ang custody niyong dalawa ni Lana sa totoong tatay niyo." sabi ni Mom
"Pero bakit ganito niyo ko itrato" tanong ko.
"Tama na nga yan, ganito nalang. Mrs. Xavier. Gusto kong mamili ka, sinong ililigtas mo? Si Lana or si Lara?" bigla akong ngumisi sa sinabi ni Prince.
"Lana is not my daughter" napatingin ako kay Mom ng sabihin niya yun. "I only have one daughter, and that's Lara. I keep protecting Lara but when I found na buntis siya. Si Lana na yung tinuring kong totoong anak" sabi niya pa.
"Hindi kita totoong nanay?" tanong ni Lana. Tumango si Mom.
"Your mother is my sister. Pamangkin kita, Lana. Pagkatapos kong manganak kay Lara. Nalaman kong 3 buwan ng buntis ang kapatid ko. Namatay siya sa panganganak, at ako na ang umampon sayo." sabi niya pa.
"So, who do you choose?" tanong ni Prince.
"No one. Just kill me, if you really want to kill someone" sabi ni Mom
Tinututok ni Prince yung baril kay Mom
Biglang binato ni Kylen yung mga papeles na nasa gilid kaya napuno ng papel sa paligid. Isang putok ng baril yung umalingawgaw sa opisina ni Prince. Walang nabasag na salamin. Kaya alam ko na may tinamaan nun.
"LARAAAA" rinig kong sigaw ni Kylen. Biglang umagos yung dugo mula sa kaliwang tagiliran ko. Dun ko na nalaman na sinalo ko yung balang para kay Mom. Biglang may nagpasukan na pulis sa loob. Nilapitan naman ako ni Kylen at pinipilit na huwag akong matulog. Pero ilang sandali lang, nawalan na ko ng malay
BINABASA MO ANG
My Boss
RomanceBakit sa dinami rami ng pwedeng maging boss ko siya pa? I don't have any problem with anyone sa office aside sa naging boss ko. Anong gagawin ko?