Habang nagkakainan yung mga bisita. Nilapitan ako ni Prince at dinala ako sa loob ng bahay."I'm sorry, about the kiss" sabi niya.
"Nadala ka lang ng emosyon mo. Wala yun" sabi ko.
"Hindi wala sa akin yun" sabi niya. "Gusto kitang ligawan" nanlaki yung mata ko nung sabihin niya yun. "Gusto ko kayong kasama ng mga bata. I'm having 5 kids with you, Lara. Please, let me complete this family" sabi niya.
"Naubusan na ko ng trust sa mga tao, Prince. Sana hindi mo ako sisihin pag hindi kita nasagot ngayon" sabi ko. Um-oo naman siya. Bigla niya kong niyakap.
"I'll wait. I'll wait for you. Andito lang ako."sabi niya..
" Mommyyyyy"narinig namin si Evan na sumigaw. Nakaturo siya sa gate at nandun sila Coleen at Lana.
"IVAAN" Sigaw ko para lumapit si Ivan sa akin. Hinila ko naman si Evan
"Bakit mo sila nilalayo sa Tita nila?" tanong ni Lana.
"Wala kang pamangkin dito!" sabi ko. Ngumiti siya.
"Kahit anong sabihin mo, magkapatid tayo" sabi niya
"Sa kasamaang palad" sabi ko.
"I heard you're having a triplets. Congrats" sabi niya.
"Then?" tanong ko.
"Don't worry, I'm not here for you, I'm actually here para sunduin si Prince" sabi niya.
"You b!tch." sabi ni Coleen.
"You two, stop it! Hindi ako sasama sa kahit na isa sa inyo. Kailangan ako ng pamilya ko dito" sabi ni Prince.
"Nakalimutan mo na yung ginawa natin sa office mo?" tanong ni Lana. Nginisian ko siya.
"Ganito ba?" bigla kong hinalikan si Prince na ikinagulat nila. Kahit si Prince nagulat sa ginawa ko.
"What the?" galit na tono ni Coleen.
"Enjoying the show?" tanong ko. "You want another one?" tanong ko pa.
Hinila ko si Prince sa harap ko at hinarap sa kanila.
"Ipapasok ko na yung dalawa sa loob" sabi ko sabay kuha kay Ivan at Evan
Pagpasok namin sa loob. Pinaglaro ko muna sila sa kwarto at nung mapa upo ako sa sala, hindi ko ma mapigilang di umiyak
Bakit ba napaka malas ko sa lalaki? Pero sa anak doble doble pa yung swerte ko. Triple pa nga e.
"Ayos ka lang?" tanong ni Nicole sa akin. Tumango ako sa kaniya
"You look like not. Stop lying" sabi niya.
"I'm not okay. And I don't know why" sabi ko.
"It's okay" niyakap niya ko.
"Sana nga ganun lang kadali na maging okay no?" sabi ko.
"Si Boss ba? Si Coleen o si Lana?" tanong niya.
"Kilala niyo si Lana!?" tanong ko. Tumango naman siya
"Si Lana yung bagong secretary ni Boss. Mga 3 weeks na din. Di ba sinasabi ni Boss sayo?" tanong niya umiling ako.
"That doesn't matter anyway." sabi ko. Tumayo ako at kumuha ng chocolate sa ref. Pinuno ni Prince yung ref ng chocolate pagkatapos niyang malaman na pinaglilihian ko yun.
"Tara na sa labas. Inaantay ka na ng mga bisita mo" sabi niya.
"Mommyyyy" tawag nung MC sa akin. Lumapit ako sa kaniya. "Saan si Daddy?" tanong niya. Biglang tumakbo si Prince palapit sa stage, nahalata ko agad yung lipstick sa leeg niya. Pinunasan ko nalang yun bago siya tuluyang iharap sa mga bisita namin.
BINABASA MO ANG
My Boss
RomanceBakit sa dinami rami ng pwedeng maging boss ko siya pa? I don't have any problem with anyone sa office aside sa naging boss ko. Anong gagawin ko?