"Nasaan ang mga anak ko" sigaw ni Prince.
"Wala kang anak sa kanila, Prince" sabi ko.
"Huh? Niloloko mo ba ko? Ano? Isang araw susulpot ka dito, ipapakita mo sa akin yung kambal tas sasabihin mong hindi ko sila anak?" tanong niya.
"Simula ng gaguhin mo kami. Nawalan ka na ng karapatang maging ama nila" sabi ko
"Shut up. I don't care" sabi niya. "I want my kids. And after that, papalayain ko kayong apat" sabi ni Prince. "Including Lana and Jado's child" sabi niya pa. Nanlaki yung mata ko.
"Yeah. I'm the father of that child, Lana" sabi ni Jado.
"Hayop kaaa" sinugod ni Lana si Jado pero tinulak lang siya nito palayo. Dahilan para mapaupo siya sa sahig.
"Just kill me. Hinding hindi mo makukuha ang mga anak ko sa akin" sabi ko. Bigla akong sinampal ni Prince.
"Wala akong oras makipaglaro sayo." sabi niya.
"Edi bilisan mo na. Patayin mo na ko" sabi ko.
Binaba niya yung baril niya sa lamesa at may kinuha sa drawer niya. 3 bala.
"Isa sayo, isa sa nanay mo at isa sa kapatid mo" sabi niya. "Matagal na kong gigil na gigil gamitin to. Pinaglagyan ko na nga ng pangalan niyo e. Tignan mo" sabi niya.
"Anong ginawa namin sayo?" tanong ko.
"Well, habang buhay kang walang alam pag di ko sinabi sayo" sabi niya.
"Exactly, 6 years ago" sabi ni Jado. "Your mother, tried to kill Boss Prince" sabi niya. Naguluhan ako.
"What?" tanong ko.
"Your mother and my father, is past lovers. Pero huwag kang mag alala, hindi kita kapatid sa labas." sabi niya. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit pareho tayo ng apelyido?" naguluhan na ko sa mga sinasabi niya. "You and Lana is my step father's children" nanlaki yung mata ko ng marinig yun.
"Anong sinasabi mo?" sigaw ni Lana sa kaniya.
"I'm just 7 years old ng mamatay ang biological father ko. Junior high school ako ng malaman kong mag aasawa si Mama ng bagong lalaki. At yung lalaki? May anak sa ex girlfriend niya. Which is, ang nanay niyo. Ang liit ng mundo natin di ba? Nung malaman kong kayo yun? Hindi ako nag dalawang isip na galawin si Lara. She's my step dad's daughter. Oo nga pala, kaya pala walang pakialam yung tatay niyo sa inyong dalawa. Kasi hindi naman niya kayo anak e" kinuha niya yung baril. "My mother died, and anong ginawa ng magaling niyong tatay? Tinanggalan niya ko ng karapatan na bisitahin yung nanay ko. Sabi niya, masamang tao yung nanay ko. Pero alam ko. Alam na alam ko kung sino yung masama sa kanila. At ngayon? Ako na yun" tinutok niya sa ulo ko yung baril. "Who ever dies, dies" sabi niya. "Pero sandali. May nakalimutan pala akong ipakilala" sabi niya. "Si Jado nga pala. Jude Daniel Xavier Ramos. Step brother ko. Anak ng mama ko sa ibang lalaki" napatingin kami kay Jado. Paano nila nagawang paglaruan ang buong pagkatao at buhay ko? Kinuha niya yung cellphone niya at may tinawagan.
"Visit your daughters in my office" bigla akong kinabahan.
BINABASA MO ANG
My Boss
RomantikBakit sa dinami rami ng pwedeng maging boss ko siya pa? I don't have any problem with anyone sa office aside sa naging boss ko. Anong gagawin ko?