21: Stay With Prince

183 1 0
                                    


Umalis agad si Prince para kunin yung gamit namin sa bahay. Nagluto naman ako ng pagkain namin.










"Mama, mommy na tatawag namin sayo ah? Kasi ayaw na namin kay Papa."sabi ni Ivan










" Ivan that's bad. Your Papa did something but that doesn't mean na kailangan niyong magalit sa kaniya" sabi ko.










" Sabi niya kanina nung sinundo niya kami ni Evan, aalis ka daw. Iniwan mo daw kami sa kaniya."sabi niya na ikinagulat ko.
" Sabi niya kasama niya si Tita, sila na daw mag aalaga sa amin" sabi niya pa.










Anong binabalak niyo, Lana? Kinakabahan ako sa kaligtasan ng mga anak ko, pero hindi ko alam kung saan magsisimula, dahil wala akong alam sa pinaplano nila.










"Ivan, Evan remember this, okay? Huwag na huwag kayong sasama sa Tito Kylen niyo, Tito nalang din itawag niyo sa kaniya. Pag may babaeng lumapit sa inyo, eto" kinuha ko yung phone ko at sinearch yung pangalan ni Lana. "Ayan, pag nakita niyo yan at nay sinabi siya sa inyo, huwag na huwag kayong maniniwala. Lalo ka na, Ivan. Bantayan mo lagi si Evan. Mayaman yang babaeng yan at pag nangako siya sa inyo ng laruan, huwag na huwag kayong sasama. Ilalayo nila kayo sa akin" sabi ko nalang. Tumango tango si Ivan. Bigla namang umiyak si Evan.











Nakita kong niyakap ni Ivan si Evan.











"What is happening here?" biglang sulpot ni Prince sa may pinto, dala na yung gamit namin.











"Wala." sabi ko nalang. "Yan lang nakuha mo?" tanong ko.











"Gamit lang to ng kambal di ba? Nasa sasakyan pa yung sayo. Sandali" nilapag niya yung gamit ng kambal, at inisa isa ko na yung dalhin sa kwarto.











"Anong sabi ni Kylen?" tanong ko kay Prince habang paakyat kami para dalhin yung ibang gamit dun











"Nasa office pa si Kylen. Yung maid yung nandun. Pinakuha ko sa kaniya lahat" sabi ni Prince.












"Mommyyyyy, si Ivan oh" sigaw ni Evan papunta sa akin











"Mommy?" tanong ni Prince.












"Ayaw na nila kay Kylen. Kaya Mommy na daw itatawag nila sa akin. Kasi pag Mama, maalala lang nila si Kylen" sabi ko











"Ahh okay" sabi niya. "Oo nga pala. Ililipat ko ng private school sila Ivan. Mag hi hire na din ako ng guards for them. I don't want them to experience the same trauma sa nangyari kanina" sabi niya.











"Kausapin mo nalang sila about dyan."sabi ko." Kain na muna tayo"sabi ko. Bumaba kami at nagsimula ng kumain.











"Payag ba kayo lilipat kayo ng school?" tanong ni Prince kay Ivan at Evan










"Opo" sabi ni Ivan. Hindi man lang siya nag dalawang isip.











"Okaaay. Tapos ang usapan" sabi ni Prince











"Teka, bat ka agad pumayag?" tanong ko kay Ivan










"Wala naman kaming friends dun. Gusto lang kami kausapin ng mga ibang nanay, dahil kay Tito Kylen" sabi ni Ivan.











"Then, kung okay lang sa inyo, edi okay lang din sa akin" sabi ko











Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami. Nasa iisang kwarto lang kaming tatlo.











"Tara na sa kwarto?" bumukas yung pinto at nanlaki yung mata ko ng tanungin ni Prince yun.

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon