"Babalik na ng Pilipinas si Coleen. Prepare a room for her." sabi ni Prince sa akin.
Napigilan ni Kylen si Neon sa gusto niyang mangyari. Nagkasundo sila na dapat ituloy ni Prince yung kasal kay Coleen. And give Riza to Neon.
"Okay po" sabi ko.
"You may go now. Tomorrow 7 am again" sabi niya. Lumabas na ko ng opisina at nakahinga ng maluwag. Sumakay agad ako ng jeep para sunduin yung mga bata sa school. Pero pagkadating ko dun, nakita ko si Kylen.
"Sabi ko, ako na e" sabi ko sa kaniya.
"I can't. Akala ko magtatagal ka pa sa office. Hindi ka pinagalitan ni Prince?" umiling ako.
"Nope. Pinaghahanda niya lang ako ng room para kay Coleen" sabi ko. "By the way, salamat nga pala kanina. Dun kay Neon ah" sabi ko.
"No worries. Po protektahan ko kayo ng mga bata" sabi niya. Napailing nalang ako. Tama bang term yung kinilig?
"MAMA" sigaw ni Ivan nung palabasin na sila.
"How's school" tanong ko
"Mababait sila dito, Mama" sabi niya.
"Misis?" tawag sa akin nung isang nanay.
"Bakit po?" tanong ko
"Ang gwapo naman ng asawa mo" sabi niya sabay turo kay Kylen. Nakita kong ngumiti si Kylen.
"Ay hindi po" sabi ko.
"Mag kasintahan palang kayo!?" tanong niya. Mas lalo akong nataranta kasi yung tono ng boses parang nanlalait na.
"Magpapakasal palang po" sagot ni Kylen. Tinignan ko naman siya.
"Ah ganun ba? Ang ga gwapo kasi ng mga anak niyo. Umaangat yung itsura nila sa school" sabi nung babae.
"Salamat po" sabi ko. Umalis na siya pagkatapos nun. Bigla kong hinampas si Kylen. At ngumiti naman siya na may halong 'kilig'. Oo, gwapo naman talaga si Kylen e. Sobrang bait pa.
"Kaninang umaga pa nila ako tinatanong kung may asawa ako" sabi ni Kylen nung makasakay na kami sa sasakyan niya.
"So, bat mo sinabi yun?" tanong ko.
"Parang gusto ka ng laitin nung matandang yun e" sabi niya. "Well, pag nagka harap kayo ni Coleen. Mas matinding panlalait mararanasan mo." sabi niya
"Hindi naman nagbago yun. Lagi naman siyang galit sa akin. After I won that Ms. VU. Pinag iinitan na niya ko. Dalawa sila ni Riza.
May pera sila ngayon, ako ang wala. What a destiny" sabi ko."Let me save you this time" napatingin ako sa kaniya
"What do you mean?" tanong ko.
______
Nag stay siya sandali sa bahay at umuwi din agad. Bago siya umalis, nagulat ako ng i kiss ni Ivan at Evan si Kylen sa pisngi tas nag thank you. Parang gusto kong sumigaw na "ANAK KO YAN" pero huwag na.
"Ako na maghahatid sa kanilang dalawa bukas. 7 am ulit. See you" sabi niya.
"Teka" tawag ko sa kaniya.
"Bakit?" tanong niya
"Can I have your number?" sabi ko.
"For what?" tanong niya
"I'll call you later" sabi ko. Bigla siyang ngumiti tas ginulo yung buhok ko. Dun ko na realize na sobrang gwapo pala talaga niya.
"I'll call you" sabi niya. Sabay alis.
Nilinis ko na yung pinagkainan namin at natulog na, pagkatulog nung kambal.
BINABASA MO ANG
My Boss
RomanceBakit sa dinami rami ng pwedeng maging boss ko siya pa? I don't have any problem with anyone sa office aside sa naging boss ko. Anong gagawin ko?