Kinaumagahan, tinototoo ni Kylen yung sinabi niya. 6am nasa tapat na siya ng bahay dala yung kotse niya.
"I'll message you the school info. Baka hindi ko sila masundo mamaya e." sabi niya. Tumango naman ako.
"Thank you talaga ah. Ako ng susundo sa kanila." sabi ko.
"Dito muna ako. Sabay sabay na tayong apat umalis. Pwede ba?" napangiti naman ako at tumango. "Alam mo bang naging kilala ka sa school namin dati?" sabi niya habang paupo sa sofa.
"Huh?" tanong ko
"Di ba naging Ms. VU ka?" tanong niya. Tumango naman ako. "Actually, gandang ganda ako sayo nun, nakita ko yung mukha mo sa gate ng VU. At the same time, yung kaibigan namin si Lorence. Nagkagusto sayo. Naalala mo?" tanong niya. Napatango ako.
"After na ma post yung mukha ko sa gate ng VU, hindi lang si Lorence ang nagbibigay ng kung ano ano sa akin. Gandang ganda ako sa sarili ko. Na hindi ko ineexpect na pati sa pag uwi ko may susunod sa akin" sabi ko.
"Maganda ka naman talaga e. Hanggang ngayon" sabi niya. "Tara na nga. Baka masermunan ka pa ni Prince. Alam kong mainit na ulo nun" sabi niya sabay buhat kay Ivan at Evan. Tuwang tuwa naman yung dalawa.
Dinala niya muna ako sa office bago sila pumunta ng school.
"Ingatan mo sila ah" sabi ko. Ngumiti siya sa akin
Pagpasok ko ng opisina. Wala pang katao tao. Pumunta ako sa office ni Boss at nandun siya hawak ang sandamakmak na papel.
"Sit" sabi niya. "Maaga pa" tumingin ako sa orasan at 6:30 palang. "Pupunta tayo sa Yin. Kailangan kong ma convince si Neon about sa shares" sabi niya.
Biglang tumunog yung phone ko kaya kinuha ko yun at nag chat na si Kylen. Yung school address pati room ng bata. Nagpasalamat nalang ako.
"May kasama pa tayong isa" sabi ni Boss. Tumango nalang ako
Pina check niya sa akin yung ibang documents habang nag aantay dun sa isa naming kasama.
6:55 am
Biglang may kumatok sa pinto, bumukas yun at iniluwa si Kylen
"Finally, san ka ba galing? " sabi ni Boss.
"Sa school. Nanligaw" sabi niya. Nanlaki naman yung mata ko.
"Nanliligaw ka na ng kolehiyala?" tanong ni Boss
"No, nanliligaw sa nanay ng mga bata" sabi niya sabay tingin sa akin.
"Oh by the way, she's Lara. New employee" sabi ni Boss. Yumuko naman ako sa harap ni Kylen
"I know her. The Ms. UV 20**" napataas yung kilay ko kay Kylen.
Tinitigan ako ni Boss, and parang maaalala na niya kaya nag salita na ko.
"Boss, it's already 7" sabi ko. Nawala naman yung atensyon niya sa akin, at kinuha na yung documents sabay abot sa akin
"Oh right. Let's go" sabi niya, pinauna niya si Kylen lumabas bago siya tas ako, sinarado ko na yung pinto.
Nakasakay kami ngayon sa kotse ni Boss at si Kylen pinagdrive niya. Nag away pa kanina yan bago makasakay.
"Kukunin mo ba siyang secretary? If no, give her to me. I need secretary" sabi ni Kylen kay Boss
"No, she's mine. She'll stay in my office" sabi ni Boss na parang sasapakin si Kylen. Dahilan para tumawa si Kylen.
BINABASA MO ANG
My Boss
RomanceBakit sa dinami rami ng pwedeng maging boss ko siya pa? I don't have any problem with anyone sa office aside sa naging boss ko. Anong gagawin ko?