10: Neon's Revenge Story

347 3 0
                                    

"I want to fulfill my parents wish na umunlad yung kompanyang sinimulan nila. I know Prince. Alam kong matutulungan niya ko. Pero nagkamali ako. Sinabi niya sa pamilya niya ang tungkol sa pinapakiusap ko sa kanila. Lumuhod ako sa harap niya at ng pamilya niya para lang mag invest sila sa kompanya ko. I succeed. Pero tuwing naiisip ko na nagmakaawa ako para sa success na to. Nandun sa akin na gusto kong gumanti. Gustong bawian sila. And then I meet you. I found the truth. I really don't want to ruin your life. Or your children's lives. I really want Prince to pay for something. Alam mo ba na kapag nalaman ng parents mo na si Prince ang nakabuntis sayo, mas lalong hindi ka nila tatanggapin?" tanong niya. Nakatingin siya sa malayo.











" Bakit? "tanong ko.












" Prince already did this once. Luckily, luckily sa part niya ah, nakunan yung babae. And that girl releases a statement dahilan para bayaran siya ng pamilya ni Prince. Bago pa may mangyari sa inyo,  nalinis na nila anh kalat"sabi niya." You and Prince, dapat kayo talaga ang magpapakasal
Nakahanda na ang lahat. Kaso nabuntis ka. Walang nagawa ang parents mo at napahiya na sila sa pamilya ni Prince. And after knowing na buntis ka. Nalaman nila yung issue ni Prince. After that, your family and Prince' family, stop the negotiation. Ayaw nilang masalinan ng ibang dugo ang dugo niyo. Xavier's plays well too, Lara" sabi niya











"Paano mo nalaman to?" tanong ko.











"I told you, I investigate" sabi niya. "At first, para sirain lang si Prince. Pero after knowing na kasama ka sa pagbuo ng pagsira ko sa kaniya. Nagdalawang isip ako. Sobrang desperate ko na, Lara. I want to take revenge. And even using Riza's name. Gusto kitang kunin sa kompanya niya para at least makahanap ako ng ibang reason para makaganti. But it's all about you Lara, you and your kids." sabi niya." I'm sorry" sabi niya.











"From now on, stop using my kids. Please. Gamitin mo ko o ang pamilya ko. Pero huwag ang mga anak ko. Sila nalang yung naging buhay ko, Neon. Sila na lang. I need to protect them as long as I can. I won't let go of my two hands. I have my kids hands now here. " sabi ko.











" I'm just starting, Lara." sabi niya.











" Can I do this?" bigla ko siyang sinampal." Sorry din. Pero hinding hindi kita mapapatawad pag nadamay pa ang mga bata dito" sabi ko











Pagkabalik ko sa pinag sho shooting-an. Inaawat ni Kylen si Coleen. Hawak ni Coleen yung dalawang braso ni Ivan at alam kong nasasaktan na si Ivan.











Tumakbo ako palapit sa kaniya at sinampal siya. Biglang niyakap ni Ivan yung paa ko. At nakita kong namula yung braso niya. Kaya nang gigil ako at sinabunutan si Coleen.











"Stop it" sabi ni Prince. Pero walang nagpaawat sa aming dalawa.











"YOU CAN HURT ME. BUT NOT MY KIDS" sigaw ko sa kaniya.












Kinuha ko si Ivan at Evan. Palabas na sana kami ng venue ng biglang sumulpot sa harap ko ang mga magulang ko.

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon