Chapter 7: Serious

74.6K 1.9K 118
                                    

Serious is showing deep thought, not joking, or a situation that requires careful thought.

*****

Chapter 7

I just stared widely in his cold eyes and was drawn by it. His nearness sent a voltage of electricity to my body. "I say it again Miss De Silva. What are you doing here in this late hour?" rinig kong tanong niya ulit.

Instead of answering him, I found myself trying to reach his face and ease the coldness of it. Pero napatigil ako ng mabilis siyng lumayo sa akin at nakatiim na ang kanyang mga bagang.

He is raging with anger and that makes me shiver with fear. Kagaya ito sa takot na naramdaman ko ng una ko itong maka-usap. Ano naman kasi ang nakain ko at ginawa ko iyon. Ikinuyom ko ang aking kamay na ngayon ay nakabitin parin sa ere at dahan-dahang ibinaba.

Stupid of me!

Napayuko ako at napakagat-labi dahil sa kahihiyan. Ano ba namang pumasok sa isip ko at bigla ko yung ginawa. "Don't try to do that again!" matalim na saad niya na halos tumagos sa puso ko. Halos dumugo na ang aking mga labi sa lakas ng pagkakagat ko.

"I'm sorry. Hindi na po mauulit," at dali-daling umalis sa lugar na yun. Pagkapasok ko sa kwarto ay dun ko lang pinakawalan ang pinipigilang hininga. Humiga na ako at pinilit na matulog. Pero isa lang ang tumatak sa isip ko.

Don't ever make the Primo angry.

Kinabukasan ay nakahanay na naman kami para batiin ang Primo. Sa tingin ko ay ganito talaga lage ang gagawin namin sa tuwing sumasapit ang alas otso. Yun kasi ang oras ng gising niya. Mabuti na lang at hindi niya ako sinita sa nangyari kagabi. Kaya lang ay hindi na siya humihingi ng kape sa akin ng siya ay nag-aalmusal.

Naging busy ako sa pagbubunot ng damo na hindi ko natapos kahapon. Mabuti na lang at dito na ako ini-assign ng mayordoma, mukha ako lang  kasi yung interesado sa gawaing ito.

" You are my sunshine, my only sunshine. You make me happy when skies are grey. You never know, dear, how much I love you. Please don't take my sunshine away," mahinang kanta ko habang nagtatrabaho. It's my favorite song. Lage kasi ito kinakanta ng mama ko sa aming magkakapatid.

Kahit tirik ang araw ay hindi ko yun alintana dahil nasisilungan naman kasi ako ng mga puno rito sa hardin. At kung gaano ko kamahal ang buwan at bituin ay ganun rin ang araw. Nagsisilbi itong palatandaan sa akin na may pag-asa pang darating.

Tumayo ako para sana bumalik sa mansyon at maka-inom ng tubig ng maramdaman kong may nagmamasid sa akin. Nagsitayuan na rin ang buhok ko sa batok. Nagpalinga-linga ako ngunit wala akong makita hanggang sa napadaan ang tingin ko sa isa sa mga bintana sa itaas ng mansyon. May nababanaag akong isang bulto roon. Hindi ko lang  makita kung sino iyon dahil masyadong madilim sa loob.

"Miss De Silva," tawag sa akin na nagpa-alis sa akin ng tingin roon sa bintana. Isang babae na sa tantiya ko ay mas bata sa akin ng ilang taon ang tumawag sa akin. "Oras na po sa pananghalian."

Tumango ako at nakisabay na sa kanyang pumasok. Bumalik ang tingin ko sa bintana pero wala na roon ang bulto. Napapa-iling na lang ako. Baka nga iguni-guni ko lang iyon.

"Ahmm... Huwag mo na akong tawaging Miss De Silva. Masyado kasing pormal," kausap ko sa babae na ikinahinto niya. Tumingin siy sa akin na parang gulat na gulat. Ginawaran ko siya ng isang palakaibigang ngiti. "Tawagin mo na lang akong Krish, okey." Kinuha ko ang isa niyang kamay para ishake-hand. "Simula ngayon, sa ayaw at sa gusto mo, magkaibigan na tayo."

Gusto ko kasi kahit isa man lang ay magkaroon ako ng kaibigan o may makaka-usap lang habang naninilbihan ako rito. Baka mabaliw na ako sa lungkot, lalong-lalo na namimiss ko na si papa at si Kraye.

The Mafia Lord's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon