Doubt is a feeling of being uncertain or unsure about something.
*****
Chapter 3
Hindi ko alam pero nang biglang lumiwanag dahil sa kidlat ay nakita ko ang mabagsik niyang mga mata na animo'y isang leon na handang manugod sa kanyang biktima. Napahigpit tuloy ang yakap ko sa dala-dala kong bag dahil pakiramdam ko ay lalamunin ako ng kanyang mga titig.
"Who are you?" matigas niyang saad na mas ikinatakot ko pa. Napa-atras ako ng isang hakbang at parang gusto kong takbuhin ang pinto at umalis na sa lugar na ito.
No Krish! You need to face it!
Paalala ko sa aking sarili. Mariin kong idinikit ang mga paa ko sa sahig para mapigilan ko ang pagtakbo. "A-ako po ang anak ni Christian De Silva. Alam ko po na ang Papa ko ang inaasahan niyo ngayon pero may sakit po kasi siya kaya ako na ang pumunta rito para maka-usap kayo," nakayukong saad ko. Hindi ko kayang makatingin sa kanya ng deretso dahil baka aatakihin ako sa puso sa sobrang kaba.
Kagaya nitong mansyon, nararamdaman ko rin sa kanya ang awrang mapanganib. Yung magpapayuko sayo sa takot at magpapanginig ng mga tuhod mo.
Bumaha ng liwanag sa buong silid. Kahit malimlim lang iyon ay tamang-tama na para makakita ako ng maayos. "Dala mo na ang kalahati ng bayad?" tanong niya sa malamig na tono. Kahit kasing yelo sa lamig ang boses niya ay hindi maitatanggi na buo at lalaking-lalaki siyang magsalita. He had a deep masculine and sultry voice that made your spine shiver. I'm not sure if it's because it sounds dangerous or sexy as hell.
Jusko, Krishna! Ano ba pake mo sa boses niya?
Nag-angat ako ng paningin at nakita ko ang bulto niya na ngayon ay nasa likod na ng office table. Nakatukod ang kanyang mga siko sa lamesa at nakasalikop ang kanyang mga kamay na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha. He exudes power and dominance.
Naniningkit ang aking mga mata sa kaka-aninag sa kanyang mukha. May kadiliman kasi sa parte kung saan siya ngayon naka-upo. Bumuntong hininga muna ako, tumayo ng maayos at nag-ipon ng lakas na loob. Kailangan kong maging matapang sa sasabihin ko sa kanya. "Kaya rin po ako nandito para pag-usapan ang kabayaran ng inutang na pera ng Papa ko. A-alam ko pong inaasahan niyo ngayon ang kalahating bayad, k-kaya lang po ay nagkaroon po ng problema kaya po hindi po namin mababayaran ang kalahati sa ngayon."
Hindi siya nag-salita kaya nagpatuloy ako kahit sa kaloob-looban ko ay nanginginig na ako sa kaba. Sana lang ay hindi niya nahahalata. "May dala naman po akong pambayad ngayon kaya lang po ay hindi pa po sapat para sa kalahating bayad."
"What are you going to do? Kung hindi niyo ako kayang mabayaran ng kalahati, papaano pa kaya ang kabuohang bayad."
Napakagat-labi ako sa tanong niya. Pumikit muna ako para makabuwelo sa susunod na sasabihin. Inaalala ko na lang ang maaring mangyari sa amin ng Papa at kapatid ko para mabigyan ako ng lakas magpatuloy sa aking balak. Kaya sa pagdilat ng mga mata ko ay mas naging determinado ako.
"Handa po akong magpapa-alipin sa inyo hanggang sa mabayaran na namin ang natitira pa naming utang," matapang na saad ko. "Marunong po ako ng mga gawaing bahay at kahit ano pong ipag-utos niyo ay gagawin ko po."
"Marami na akong katulong rito sa mansyon na kaya rin gawin ang kaya mo. Why do I need one more?"
Oo nga naman. Bakit kailangan pa niya ng katulong? Sa yaman niya siguradong sangkatirba ang katulong niya rito sa mansyon.
Parang nawalan ako ng lakas. "I-i can be your personal maid," mahinang saad ko.
"Are you sure kaya mong gawin ang lahat nang ipapagawa ko?" Bigla akong nabuhayan ng loob sa itinanong niya. So I nodded, unsure of the true meaning of his question. Even though I can't see his entire face, I can tell he's smirking like he's found a new prey. "Hmm... Let's see."
Pagkatapos ay inabot niya ang telepono at may tinawagan. Hindi ko marinig ang kanyang sinasabi dahil mahina ang boses niyang nakikipag-usap. Ilang segundo ay may nagbukas ng pinto at nakita ko ulit ang babaeng naghatid sa akin kanina.
"Ihahatid na kita sa matutulugan mo," saad niya sa akin at mabilis ring tumalikod para lumabas ng silid.
"S-sandali lang, may sasabihin pa ako sa kanya," pigil ko sa kanyang pag-alis. Hindi pa kasi kami nagkakalinawan ni Mr. Silvestri.
"Bukas mo na lang kausapin ang Primo," malamig na banta niya. Napatingin uli ako sa kina-uupuan ni Mr. Silvestri pero nakakapagtaka ay wala na siya roon. Parang siyang naglaho na parang bula at hindi ko man lang narinig ang pag-alis niya. Ang ikinapagtataka ko ay saan siya nagtungo. Wala na man kasi akong maaninag na ibang pintuan sa loob ng kwartong ito. Ipinag-kibit balikat ko na lang baka kasi may pintuan talaga hindi ko lang maaninag dahil medyo madilim ang kwarto.
Isang malawak na pasilyo ang aming tinahak pagkatapos ay kumaliwa kami para umakyat sa isang hindi kataasang hagdan. Sa taas ay bumungad sa akin ang isang mahaba pero makitid na pasilyo na may maraming pinto. Ito na yata ang maid's quarter ng mansyon. "Ito ang magiging silid mo," saad niya pagkatapat namin sa pinakahuling pinto. "Alas-sais ay dapat gising ka na dahil kakausapin ka pa nang mayordoma." Pagkatapos ay walang lingong siyang umalis.
Ganito ba talaga ang mga tao rito sa mansyon, malalamig at walang emosyon kagaya ng amo nila?
Pumasok na lang ako sa loob ng kwarto. Madilim kaya kinapa ko ang switch ng ilaw sa ding-ding. Nasilaw pa ako nang bumaha ang ilaw sa loob. Mabuti na lang at makakakita na ako ng maayos dahil napaka-liwanag ng ilaw. Mukha kasing nagtitipid si Mr. Silvestri ng kuryente dahil pansin ko napaka-dim lahat ng ilaw sa buong mansyon. Kaya pala wala akong maaninag na liwanag ng nasa labas ako.
Hindi masyadong kalakihan ang kwarto. May pang-isahang kama at isang maliit na mesa sa gilid. May built-in cabinet rin at salamin sa tabi nito. May isang pinto na nahuhulaan ko ay ang banyo. Malinis at hindi mababakasan ng kalumaan ang buong silid pero ang pinaka-gusto ko ay ang malaking bintana na natatabunan ng itim na kurtina.
Napa-upo ako sa kama dahil nararamdaman ko na ang panginginig ng tuhod ko. Binaba ko ang bitbit kong bag at naalala na nakalimutan ko palang ibigay ang dala kong pera.
"Bukas ko na lang siguro ibibigay," saad ko sa sarili.
Napatingin ako sa salamin at napa-ungol sa nakita kong repleksyon. Para akong basang sisiw sa ayos ko ngayon. Napakagulo ng buhok kong nakatali, namumutla pa ako at napakarungis rin ng pagmumukha ko. Kaya naglinis muna ako ng katawan bago magpahinga.
Ngayon ko lang naramdaman ang pagod dahil sa paglalakad at tensyon na nararamdaman ko kanina. Npahiga na ako sa kamat at ipinikit ang aking mga mata para makatulog ngunit bigla ko rin ito iminulat muli nang sumagi sa isip ko ang mabalagsik na mga mata ni Mr. Silvestri.
Tama ba ang naging desisyon kong mag-paalipin sa kanya? Paano kong ikapapahamak ko lang ito? Wala pa naman akong alam sa taong iyon.
At bukod pa roon ay hindi alam ng Papa ko ang naging desisyon ko. Akala niya na makiki-usap lang ako kay Mr. Silvestri ng mahabang panahon na palugit para maka-ipon at makapag-bayad.
Hindi pa naman niya sinasabi na tinatanggap niya ang alok ko kaya baka maki-usap na lang talaga ako sa kanya.
Dala na rin ng pagod sa paglalakad papunta rito at sa pakikipag-usap kay Mr. Silvestri ay nakatulugan ko na ang aking mga pangamba.
*****
-LG-
02-25-15
BINABASA MO ANG
The Mafia Lord's Possession
Ficción General"You are my possession... my priceless possession" -Rave Adrian Silvestri- Highest Rank Achieved: Rank #6 in What's Hot List for General Fiction (06/25/16)
