Chapter 29: Beloved

67.7K 1.6K 128
                                    

Beloved is someone or something that is loved dearly.

*****

Chapter 29

"What's this?" tanong ko sa ibinigay nitong nakabalot na kahon.

"My gift for our monthsary," sagot nito.

"Monthsary?"

"Oo. Yung parang anniversary pero ito every month yun yung sabi ni Akari sa akin," hindi siguradong saad nito.

So, pinag-uusapan pala ako ng dalawa. Kahit papaano ay natutuwa akong hindi na tutol sa akin si Akari para kay Krishna kahit pa na hindi na kami nag-uusap nito.

Hindi ko tuloy maiwasang mangiti na ipinamula nito. "Eh wala naman kasi akong alam sa mga ganitong bagay. Alam mo namang ikaw ang una kong bf," kagat labing saad nito.

Nabigla pa ito ng halikan ko ang labi nito. "At huli," bulong ko sa labi nito.

"Ehem! Nakalimutan siguro niyo na nandito ako sa harapan niyo," biglang singit ni Nate na naka-upo pala sa aming harapan. Nakakalimutan ko naman kasi ang buong paligid ko sa tuwing kausap ko ang napakagandang babae ito.

Mas lalo pa tuloy itong namula. "Shut up Nate," saway ko sa right hand slash butler ko.

"Alam mo Miss Krishna, wala rin yang kaalam-alam sa relasyon kaya huwag ka ng magtaka kung bakit hindi nito alam ang monthsary," kausap nito kay Krishna.

Nakakunot ang noo nitong tumingin sa akin. Nagtatanong ang magagandang mga mata nito. Isang masamang tingin ang ibinigay ko kay Nate na ikinatawa lang nito.

"Aalis na ako Master, nakalimutan kong may gagawin pa pala ako," saad nito at mabilis na tumayo at umalis sa sala.

"How come you don't know?" tanong agad nito pagkaalis ni Nate.

Inilapit ko ang mukha ko rito. "You know I don't do relationship before I met you. Yung kay Darlene is an arrange marriage kaya hindi yun counted. Kaya Angel, you're also my first and I will make sure you will be my last."

"Oh Rave, I will make sure also that you will be my last," she said lovingly.

"So, ano ang laman nito. Kung alam ko lang ang tungkol rito, sana nakahanda rin ako ng regalo. And Angel, you don't need to give me gifts because loving me is more than enough gift that you had given to me."

"Same for me. Pero gusto kong bigyan ka para pag wala ako at makita mo ito ay maalala mo ako. Happy monthsary, Rave." Tumingkayad ito at hinalikan ng mabilis ang labi ko. Mabilis ko rin naman itong napigilan sa paglayo at mas pinailaliman pa ang halik.

I swirl my tongue into her sweet mouth and taste the inside of it. She moaned when I nipped her tongue and lips. Naipagpasalamat kong umalis si Nate dahil baka hindi ako makapag-pigil at mahalikan ko ito sa harap nito.

Pagkatapos ng mainit na halikan namin ay pinagtagpo ko ang mga noo namin. "I don't need reminders Angel because you always in my mind. Nakaukit na ang pangalan mo hindi lang sa isip ko, pati na rin sa puso ko. Happy monthsary too, my beloved Angel."

Binuksan ko na rin ang bigay nitong regalo. Isa itong libro na may pamagat na Demon's Fall.

"It's my favorite novel. Nung nabasa ko kasi yan, naalala ko tayo. I know you don't read romantic novel but just keep it," nahihiyang saad nito.

"I will read it. I want to know kung bakit paborito ito ng girlfriend ko," sabay kindat ko rito.

Binuksan ko ang libro at tumambad sa akin ang sulat kamay na dedication nito.

The Mafia Lord's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon