Lost is denoting something that has been taken away or cannot be recovered.
*****
Chapter 34
"Ay Krish, I want you to meet the grandson of one of my father's friend, si Rave Adrian. And Adrian, this is Krishna Lane De Silva, my bessy," pagpapakilala ni Akari sa aming dalawa.
"Hi!" nakangiting bati ko sa kanya at saka inilahad ang aking palad. Hindi ko maiwasang hindi humanga sa gwapo niyang mukha.
*****
"R-rave."
Nakita kong natigilan siya ulit. Lumingon siya sa akin. "What did you say?"
"Rave. Diba Rave Adrian ang pangalan mo kaya Rave na lang ang itatawag ko sayo. Medyo marami na kasi akong kilalang Adrian," pagpapaliwanag ko.
*****
"Ang ganda diba. Alam mo bang sekretong lugar ito ng Mama ko at ng kanyang nag-iisang matalik na kaibigan noong nag-aaral pa sila sa WU. Sabi ng Mama ko ay napaka-importante ng lugar na ito para sa kanila kaya nanatili itong sekreto sa lahat. Ipamamana lang nila ang sekretong lugar na ito sa magiging anak nila. Sayang lang at namatay ang kaibigan ng Mama ko na hindi man lang niya nasabi sa kanyang anak ang tungkol rito," kwento ko habang nakatingin sa burol.
"Bakit mo sinabi sa akin?" naguguluhan niyang tanong.
Tumingin ako sa kanya at nagkibit-balikat. "Ewan ko. Basta naramdaman ko lang na gusto ko itong ibahagi sayo. Hindi naman siguro magagalit si Mama dahil kaibigan naman kita basta huwag mong ipagsabi sa iba ha. Secret lang natin ito."
*****
"May kailangan ka?"
"M-may nagawa ba akong masama sayo?" tanong ko. "Pansin ko kasi na iniiwasan mo ako."
"Wala at oo iniiwasan kita. Hindi kasi ako nakikipag-kaibigan sa kagaya mo at isa pa baka mamis-interpret ng fiancee ko ang pakikipaglapit mo sa akin. So from now on, stay away from me Miss De Silva," malupit niyang saad na nagpabitaw sa akin mula sa pagkakahawak sa kanyang braso.
*****
"Shh... I'm here. Ligtas ka na," bulong niya habang hinahagod ang likod ko. He hugged me tightly na parang mas takot pa yata siya kaysa sa akin.
*****
Mabilis niyang kinuha ang mga kamay ko at idinampi sa kanyang pisngi. "Hurt me."
"W-what?" nagulantang kong tanong.
"I said hurt me. Sampalin mo ako o suntukin kong gusto mo."
"B-bakit ko naman gagawin yun?" nagtatakang tanong ko.
He looked at me intently. Nababasa ko sa kanyang mga mata kung gaano siya nagsisisi sa ginawang pananakit sa akin.
"For hurting you. I'm so sorry Angel." Naglamlam ang aking mga mata. Bumabalik na naman kasi ang sakit sa mga sinabi niya sa akin.
*****
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. "A-are you saying that you're in love with me?"
Ngumiti siya at ikinulong ang mukha ko sa palad niya. "I don't know what love is dahil hindi ko pa naman yun nararanasan. But for me it is more than that kung may salita pa bang nakakahigit sa pagmamahal. Do you feel the same way too?"
Napakagat ako ng labi. Nahihiya akong aminin sa kanya ang tunay ko ring nararamdaman.
Bahala na nga si batman.
BINABASA MO ANG
The Mafia Lord's Possession
General Fiction"You are my possession... my priceless possession" -Rave Adrian Silvestri- Highest Rank Achieved: Rank #6 in What's Hot List for General Fiction (06/25/16)