Chapter 26: Hurt

67.5K 1.6K 85
                                        

Hurt is to cause emotional pain or anguish to.

*****

Chapter 26

"Nate, papalabas na ako. Just wait ten meters from the gate," utos ko sa kanya. It almost nine already kaya wala ng masyadong tao sa loob ng campus. Natulog kasi ako sa library dahil hindi ako nakatulog kagabi dahil sa tambak na trabaho sa kompanya. Hindi ko naman namalayan ang oras kaya naabutan ako ng dilim.

Pagkalabas ko ng campus ay nakita ko agad ang grupo ng apat na lalaki di kalayuan sa akin. Medyo madilim na parte ang kinaroroonan nila kaya hindi ko masyadong makita ang kanilang pagmumukha. Kaya rin siguro walang masyadong nakakapansin sa kanila.

Pero sa tantiya ko ay may pinalilibutan sila. Inalis ko na ang tingin roon. I don't fuckin care of what they are doing. Tumalikod na ako at magsisimula na sanang lumakad ng matigilan ako.

"B-bitawan niyo ako, ano ba!" galit na sigaw ng isang babae pero halata sa boses niya ang takot. At kilalang-kilala ko ang boses na iyon.

"Oi, mala-tigre pala itong si Miss Beautiful," saad ng isa sa apat na lalake. Nagtawanan naman ang mg kasamahan niya. "Paano kaya sa kama?"

"Sige na Miss, sumama ka na sa amin. Mag-eenjoy ka sa gagawin namin sayo diba mga pre."

Hindi ko namalayan na malalaking hakbang na pala ang ginagawa ko papalapit sa kanila. Mas nakikita ko na ang mukha ng babaeng kanilang pinalilubutan. Puno ng pangamba at sobrang takot ang mukha niya at parang gusto kong pagtatadtarin ng mga bala ang mga lalaking ito.

Nag-igting ang aking bagang sa sobrang galit na umaalpas ngayon sa akin. And I know if I will not control myself, that inner beast within me will be awaken. Kaya ng makita kong sinampal nila si Krishna ay tuluyang nagdilim ang aking paningin.

I growl like a wolf at mas lalong umiitim ang mga itim na mga mata ko. Napalingon sa akin ang apat at pati na rin ang umiiyak na ngayon na si Krishna. At para na naman tinusok ng maraming kutsilyo ang puso ko ng makitang nagdugo ang gilid ng kanyang bibig.

"At sino ka naman?"

"Bitawan niyo siya," mapanganib na saad ko. "Kung hindi ay babaliin ko isa-isa yang mga kamay niyo."

Nagtawanan sila ng malakas. "Gago ka ba? Kami babalian mo isa-isa? Natakot naman ako." Halata sa kanilang mapupulang mga mata na lulong sila droga.

"Kung ako sayo Totoy, huwag ka ng makialam at umuwi ka na lang. Baka sa ospital ang mapupuntahan mo o di kaya sa morge."

Hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi nila dahil ang pansin ko ay nasa babaeng hilam ang mga mata sa takot at luha. Hindi ko na napigilan ng mapadaing siya sa sakit ng pisilin ng lalaking may malaking katawan at may hawak sa kanya ang braso niya.

Mabilis ko silang sinugod at pinagsusuntok. Kung akala nila na masisindak ako sa rami nila, nagkakamali sila. Mas masahol pa rito ang mga napagdaanan kong away noon.

Hindi man lang nakaganti sa akin ang tatlo na ngayon ay nakahandusay na. Punong-puno ng dugo at pasa ang mga mukha nila. Binalingan ko ang natitira pang isa na hawak parin si Krishna na hindi makapaniwala sa nasaksihan.

"Bibitawan mo siya o itutulad kita sa mga kasamahan mo."

Agad naman niyang binatawan si Krishna at kumaripas ng takbo. Mabilis rin nagsitayuan ang tatlo at paika-ikang tumakbo. Hindi ko na sila hinabol pa dahil agad kong dinaluhan si Krishna na nanghihinang napa-upo sa semento.

Tumalunko ako at agad siyang niyakap. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan at ang pag-iyak niya sa takot.

"Shh... I'm here. Ligtas ka na," bulong ko habang hinahagod ang kanyang likod. I'm hugging her tightly. Mas natakot pa yata ako para sa kanya.

The Mafia Lord's PossessionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon