Chapter 39: Sibling

39K 956 221
                                        

Hey, I'm sorry kung hindi ako nakapag-update sa day na sinabi. Hindi ko inaasahan na magiging busy ako sa kaliwa't kanang party kaya nawala yung momentum ko sa pagsusulat. Puro pagkain lang yata nasa isip ko nitong mga nakaraang araw. So, I decided na this new year na lang ako mag-uupdate sabay na rin sa new year resulotion kong na mag-uupdate na lage. Hehehe! Happy reading and happy new year sa lahat :)

Sibling is each of two or more children or offspring having one or both parents in common; a brother or sister.

*****

Chapter 39

Nagising ako ng wala sa tabi ko si Rave. Tiningnan ko ang relo sa side table at nalaman kong alas dyes na pala ng umaga.

Tinanghali na naman ako ng gising. Ikaw ba naman araw-arawin ng asawa mo.

Nag-unat ako ng katawan bago bumangon. Pumunta ako ng banyo para makapag-ayos ng sarili. Napasinghap ako nang pagharap ko sa salamin ay nakita ko agad ang maraming kiss mark mula sa leeg ko at pababa.

"Damn Silvestri!"

Magsusuot na naman ako ng turtle neck na damit nito para matakpan itong pinag-gagawa niya sa katawan ko.

Kumuha ako ng turtle neck na sweatshirt sa closet at tinali ang mahabang buhok ko.

Paglabas ko ay agad kong hinanap ang aking asawa. Alam ko kasing sa opisina niya rito sa loob ng penthouse siya nagtatrabaho kahit nasa baba lang naman ang opisina ng CEO.

All his employees never knew or saw him. As much as possible, he wanted to keep a low profile. Para walang makakilala sa kanya sa oras daw na malaman ng mga awtoridad na may koneksyon pala ang mga Silvestri sa mafia.

"Anong gagawin mo?" Rinig kong saad ni Nate. May pinag-uusapan yata sila kaya hindi muna ako tumuloy.

"I need to secure first her safety, lalong-lalo na ngayon na nagsisimula na naman silang kumilos ulit. And if they will know that I have her again, I'm sure they will use her again against me. And I will not allow that again, that's for sure."

Kahit alam kong masama ang makinig ng pasekreto ay hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko.

"How about your position and your grandfather?"

"I have a plan for that already. Nahanap mo na ba ang pinahahanap ko sayo?"

"Oo. He's in Cebu. Kasama niyang nakatira ang nanay niya. Ito, nandiyan lahat ang mga information about sa kanya," sagot ni Nate.

Naging curious naman ako sa taong pinahahanap ni Rave.

"Good. I want you to book me a Cebu flight for two tomorrow secretly. Kailangang walang makakaalam na pupunta kami ng Cebu bukas ni Krishna. Alam mo na ang gagawin sa mga umaaligid na mga bantay."

"Huwag mong sabihin na..." gulat na saad ni Nate.

"Yeah. That's my plan. Kaya tiyakin mong wala munang makakaalam nito lalong-lalo na sa matandang iyon."

"Tsk. He will really be furious."

Wala akong maintindihan sa mga pinag-usapan nila pero ang alam ko ay may kaugnayan ito sa dating Primo.

Dahan-dahan akong umalis ng marinig ko na ang mga yabag ni Nate. Dumeretso na lang ako sa kusina para magtimpla ng kape. Ipagtitimpla ko na lang si Rave ng kape kaysa mag-usisa pa sa mga pinag-usapan nila ni Nate. Hihintayin ko na lang na sabihin sa akin ni Rave ng kusa ang mga plano nito at anong gagawin namin sa Cebu.

The Mafia Lord's PossessionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon