Chapter 8: Whisper

74.7K 1.9K 113
                                        

Whisper is a word or phrase that has been said very quietly or a small amount of something.

*****

Chapter 8

"I beg your pardon?"  Hindi ko tuloy maiwasang mapasigaw sa kanya.

"Sabi mo kaya mong gawin ang lahat. Then, sleep with me."

Napatiim bagang ako sa kanyang pinagsasabi. Ang ibig ko lang naman sabihin dun sa sinabi ko ay yung mga gawaing pang-katulong, hindi kasali ang pagbibigay ko ng sarili. Kahit na may malaking pagkaka-utang kami sa kanya ay hindi umabot sa isip ko na ipangbayad ang katawan ko.

"Hindi po yan ang ibig ko pong sabihin!" mariin kong sabi.

"Ah... So you agreed without thinking what is the the word ALL means for me. Your really an innocent one."

Napakagat-labi na naman ako. Napansin ko ay nagiging habit ko na ito sa tuwing kinakabahan ako. "No! Hindi ako papayag. I'm not going to pay you with my body!" mariin kong pagtanggi. Magkamatayan na, hinding-hindi ako papayag.

Pinagtaasan niya lang ako ng kilay. "Are you thinking that I'm going to have sex with you?"

Suddenly I got confused. "B-bakit? Hindi ba?"

He smirked again. "If I want sex, I don't  need to ask. There are a lot of girls willing to throw their body to me."

Conceited!

Sigaw ko sa isip ko. "I just ask you to sleep with me not sleeping nakedly," dagdag pa niy.

"At bakit gusto mo akong katabing matulog," nagdududang tanong ko. I'm not conviced of what he was saying. Alam kong my hidden agenda siya.

"For my own sanity," bulong niya na hindi ko narinig.

"Ano?"

"Your my personal maid so you don't have a right to question all my commands. Do you understand Miss De Silva?"

Napatikom tuloy ang bibig ko. Nakalimutan ko sandali na ang kaharap ko pala ay ang Primo. "Rest assured na hindi kita gagalawin. Hindi ako namimilit ng babae. Ituring mo na lang na magiging personal bodyguard kita sa gabi. I want you in my room at 10 and don't be late. You can leave now." Pagkatapos ay bumalik sa pagbabasa ng mga papeles.

Hindi man lang ako pinagsalita kung papayag ako o hindi. Tumalikod na lang ako. Wala naman akong magagawa, he's the boss. Siguraduhin lang talaga niya na hindi ako galawin dahil kahit amo ko pa siya ay hindi ako mangingiming ipatikim sa kanya ang karate chop at kick ko.

Twenty minutes na lang para mag 10 pero hanggang ngayon ay hindi pa ako handa makulong sa isang kwarto kasama ang Primo.

"Gosh! Hindi ko nga kaya makasama ito ng isang oras paano pa kaya buong magdamag."

Eh paano ba naman sa tuwing nasa harap niya ako, kung hindi natatameme kapag tinitingnan ko siya sa mga mata ay parang natutunaw naman ang mga tuhod ko sa kanyang presensya. Kanina pa ako palakad-lakad sa silid ko, hindi malaman ang gagawin. Hindi ko parin maisip-isip kung bakit ako pinapatulog sa kanyang kwarto. Kung kailangan niya ng bodyguard diba dapat kumuha na lang siya ng taong maipagtatanggol siya sa kung sino.

"Aist! Napapagod na ang utak ko. Bahala na basta kaya mo'to Krish! Wala kang bagay na hindi makakaya," pangpapalakas-loob ko sa sarili. Pinili ko talagang suotin ang makapal na pajama, pangpanigurado lang. Paglabas ko sa kwarto ay tahimik na ang buong mansyon. Kaya pala alas dyes na ako pinapapunta dahil alam niyang tulog na ang lahat. Ayaw siguro niya na may makakita sa akin na pumapasok sa kanyang kwarto. Ako rin naman, baka ano pang isipin ng mga ibang katulong.

Tinatahak ko ngayon ang isang madilim na pasilyo. Katabi lang pala ng balkonahe ang kwarto niya. Nasa tapat na ako ng double wooden na pinto na may carved na isang dragon sa itaas. Katulad ito sa singsing na suot-suot niya. Mahilig yata sa mga dragon ang Primo. Napabuga muna ako bago kumatok ng tatlong beses.

"It's open," saad ng baritonong boses mula sa loob. Dumoble yata ang kaba sa dibdib ko, boses pa nga lang tumatumbling na ang sikmura ko. Pinihit ko pabukas ang pinto. Medyo dim ang light sa loob ng kwarto pero hindi yun sapat para maitago ang karangyaan nito. Mukha lang naman akong nakapasok sa isang kwarto ng hari. Halos lahat ng kagamitan ay nakakasigurado akong mamahalin. Marami ring nakakalat na mga pigura ng dragon na gawa sa ginto.

Napakalaki rin ng kwarto niya at ang kanyang kama ay pwede magkasya ang sampu katao. Napakalambot rin ng carpet na tinatapakan ko ngayon. The room smelled like a woodsy forest where also the smell of its owner.

Natagpuan ko ang bulto niya na nakaharap sa bukas na bintana. He looks magnificent under the moonlight. Mabuti na lang hindi siya naka-topless kagaya kagabi. He was wearing a white t-shirt that contouring his body and a black pajama. Tumikhim ako para makuha ang kanyang atensyon. He faced me bearing those sinful eyes.

Lumunok muna ako bago nagsalita, mukha kasing natuyo ang lalamunan ko. "Saan po ako matutulog?" tanong ko.

"You are free to sleep in my bed. Pero kung ayaw mo akong katabi, that sofa is available," sabay turo niya sa malaking sofa hindi malayo sa kanyang kama. May nakahanda naring unan at kumot sa ibabaw ng sofa. Naglakad na ako roon habang ramdam na ramdam ko ang mga titig niya na nakasunod sa bawat galaw ko.

"S-sige po, matutulog na po ako, kayo rin po. Goodnight." sabay yuko bilang pag-galang at pagkatapos ay humiga na sa malambot na sofa. Dahil nakaharap naman sa kama niya ang hinihigaan ko ay nakita ko ang pag-sampa niya sa kama at humiga patalikod sa akin.

Hindi nagtagal ay nakatulog na rin ako. Pero bigla na lang akong naalimpungatan ng may marinig akong ungol. Inaantok na binuka ko ang mga mata ko para lang bumungad ang pabaling-baling na bulto ng Primo. Umuungol siya na parang nahihirapan at nasasaktan. Napabangon ako bigla at lumapit sa kanyang kinahihigaan.

I think he's having a nightmare.

Sinubukan ko siyang gisingin. "Primo! Primo! Binabangungot po kayo!" natatarantang gising ko. Pero hindi parin siya magising-gising at patuloy parin sa pag-ungol. Sumampa na ako sa kama at hinawakan siya sa braso para yugyugin. "Gising po Primo!" pero wala parin itong epekto. Nakaramdam na ako ng takot ng mas lumakas pa ang kanyang mga ungol.

Kailangan ko si Nate. Baka alam nito kung paano gisingin ang Primo.

Bababa na sana ako ng kama para puntahan kung saan man ang kwarto ng kanyang butler ng bigla niya akong hilahin pahiga. Nanlaki ang mga mata ko ng mapa-ilaliman ako ng kanyang katawan. Nakabuka na ang mga mata niya pero parang walang nakikita. Nanlilisik rin ang mga ito na parang isang mabangis na hayop. Naka-igting ang mga panga niya at nanginginig ang katawan. Nakakatakot ang hitsura niya ngayon na parang lalapa ng tao. Pero sa hindi malamang dahilan ay tumaas ang mga kamay ko at ikinulong ang pagmumukha niya. I felt he stiffened especially when I touch softly his scar.

"Rave. Please wake up," mahina at nag-aalala kong bulong.

*****

-LG-

03-05-15

The Mafia Lord's PossessionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon