Author's Note: Hello mga kawattpad!! After so many years, nakabalik na rin sa pagsusulat. Gusto ko lang pasalamatan ang lahat na nag message sa akin at sa mga patuloy parin na naghintay. Simula po ngayon, I will be updating TMLP once or twice a week. Magiging active na rin po ako dito sa wattpad at itutuloy na rin yung ibang mga kwento ko na hindi ko pa natatapos isulat. Thank you so much po sa lahat na tumangkilik.
Nervous easily agitated or alarmed; tending to be anxious; highly strung.
Chapter 42
"Eldridge," saad ni Rave na nagpakompirma sa aking hinala. Parang inaasahan na rin niya ang tawag nito. "What? Where are you?" tanong niya sa kausap. "Okay, stay there. I will be sending my butler to get you." Tapos ibinaba na niya ang telepono. "He's in the Novotel Manila. Pick him up and make sure no one will know who he is even the bodyguards. Siguraduhin mo rin na hindi ka masusundan ng kahit sino. Disguise yourself and use another vehicle," utos niya kay Nate.
"Masusunod, Primo," pagtugon ni Nate at mabilis na lumabas ng penthouse.
"Nandito sa Manila si Eldridge?" tanong ko sa kanya sabay patay sa stove.
"Yes. Kakarating lang niya sa kanyang tinutuluyang hotel."
"Gusto mong hintayin na natin siya para sabay-sabay na tayong maghapunan?" suhestiyon ko habang nililipat ko ang adobong niluto ko sa bowl.
"Hindi na. Baka matagalan sila makarating dito," tanggi niya sabay yakap sa akin sa likuran.
Nilingon ko siya at pinaningkitan ng mga mata. "Matatagalan o ayaw mo lang may kahati sa adobo ko," pagbibiro ko sa kanya. Mukhang natamaan yata siya sa biro ko dahil iniwas niya ang tingin sa akin. Nasapak ko tuloy. "Ang damot mo," natatawang saad ko.
Higit dalawang oras ang aming hinintay sa kanilang pagdating. Si Nate muna ang pumasok para ipaalam ang pagdating nila. "Sa conference room ko ba siya dadalhin?"
"No need. Dito ko na siya kakausapin. Sinigurado mo bang walang nakakaalam tungkol sa kanyang katauhan?"
"Yes, Primo. I told him to disguise himself as an employee here."
"Okay, let him in." Nasa living room kaming dalawa naghihintay sa kanya. Bumukas ulit ang pintuan at bumungad sa amin ang naka-business attire na si Eldridge. With his slick hair and matching eyeglasses, he looks different from the person we met in Cebu.
"Kailangan ba talaga magsuot ng ganito kung makipagkita sayo?" reklamo niya agad habang niluluwagan ang suot niyang necktie.
Hindi sumagot si Rave bagkus inumwestra niya ang sofa para maupo. "Muntikan na akong mawalan ng pag-asa na tatawag ka pa. But you surprised me by flying here from Cebu just to talk to me personally."
"Well, I need to. I have a hunch that the proposition you are offering will make my life take a 360 turn," he answered seriously.
I spotted Rave straighten his back and clasped his hands. Nag-iba na rin yung aura niya. He became dour and commanding. "I will be stepping down as a Primo in La Vigore and I want you to be the one to replace me," he directly said to him.
Hindi naman nagulat si Eldridge sa sinabi ni Rave, parang inaasahan na niyang iyon ang kanyang sasabihin. "I guess, it's because of her," tukoy niya sa akin. "Alam na ba ito ng dating Primo?"
"No, he does not need to know. He no longer has the power to control me. Even if I abdicate as Primo, I will still have power in La Vigore, albeit in a limited capacity."
"Hmm, sounds interesting. Akala ko ibibigay mo lang sa akin yung inheritance ko pero mas malaki pa pala ibibigay mo," he chuckled. He exudes a playful vibe and doesn't care how intimidating Rave is at the moment. "And do you think I will accept it?"
BINABASA MO ANG
The Mafia Lord's Possession
General Fiction"You are my possession... my priceless possession" -Rave Adrian Silvestri- Highest Rank Achieved: Rank #6 in What's Hot List for General Fiction (06/25/16)
