Chapter 38: Figurative

49.3K 1.1K 183
                                    

Figurative means metaphorically, and literally describes something that actually happened.

*****

Chapter 38

Isang buwan na rin akong nakatira rito sa penthouse ni Rave. Ako na ang naging tagaluto at tagalinis rito kahit tutol si Rave dahil may mga katulong naman na pumupunta rito para gawin ang mga gawaing bahay.

I'm a hardheaded woman kaya wala siyang magagawa sa gusto ko. Nagpasya rin akong i-redesign ang buong penthouse. Hindi man lang kasi napalitan ang design magmula na nagka-amnesia ako.

Inayos ko rin ang mga display pictures ko na nasa secret room niya. I'm really his favorite subject dahil lahat ng mga pictures rito ay ako ang nakalarawan.

"Stalker ko rin pala si Rave," natatawa kong saad sa aking sarili. Lahat yata ng mga ginagawa ko nitong nakaraang taon ay may pictures siya. Pati na nga yung nagtatrabaho pa ako sa mansyon ay mayroon din siya.

"Kung ganoon ay hindi ko lang guni-guni yung tao sa may bintana. Siya pala yun," saad ko.

Naalala ko kasi yung nakita kong tao sa may bintana habang nagdadamo sa hardin. Si Rave pala iyon na pinagmamasdan ako at talagang kinunan pa ako ng litrato.

May nakita kasi akong pictures na nakatalungko ako at nagdadamo sa hardin ng mansyon.

And speaking of mansion, kamusta na kaya sila roon?

"Wala yatang balak bumalik sa Monte Verde si Rave," saad ko sa sarili.

Nagulat ako ng may pumulupot na braso sa beywang ko sabay halik sa pisngi ko. "What are you doing?" malambing niyang tanong.

"Tinitingnan ko lang itong mga kuha mong pictures sa akin. Hindi halatang stalker kita noh," biro ko.

Naramdaman ko ang pag-ngiti niya sa likod ko. "This pictures are my only saving grace. Dito lang kita nakikita araw-araw."

Hinaplos ko ang mga kamay niyang nakapalibot sa aking beywang. Sinandal ko ang likod ko sa matipuno niyang dibdib. I close my eyes and smelled his manly scent.

Naging habit ko nang amuyin kung ano mang pabango na nilalagay niya sa kanyang katawan. It soothed my system.

"Pinaiiyak mo na naman ako eh," reklamo ko.

Humigpit pa lalo ang kanyang yakap at hinalikan ang buhok ko. "Sorry. Gusto ko lang malaman mo na gaano ako kabaliw sayo at walang araw na hindi kita iniisip."

"Hmm...," tanging saad ko habang bumababa ang kanyang mga halik papunta sa aking leeg.

I tilt my head so he can have access to my neck. Hinawi niya patagilid ang buhok ko at sinimulan niya akong halikan doon.

"R-rave, hindi ka ba uuwi sa Monte Verde?" bigla kong tanong na nagpatigil sa kanya.

He rested his chin on my shoulder. "Gusto mong bumisita sa mansyon?"

Tumango ako. "Gusto kong bisitahin yung mga naging kaibigan ko roon."

"Okay. We will go there tomorrow."

"Teka lang, naalala ko. Bakit ang sungit-sungit mo sa akin noong nagtatrabaho pa ako sa mansyon?" Bigla kasing pumasok sa isip ko ang pagsusungit niya sa akin.

He chuckled. "I need to act like that cause all I just want to do at that time is to hug and kiss you. Hindi mo alam kung gaanong pagpipigil ang ginawa ko sa tuwing nakikita kita sa mansyon. Heck, for six years I learned to have self control watching you from a far. It was lost everytime you near me."

The Mafia Lord's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon