Beautiful is having qualities that delight or appeal to the senses and often the mind.
*****
Chapter 5
Dahil sa may kadiliman sa itaas at malayo ako sa hagdan ay hindi ko masyadong maaninag ang dalawang taong ngayon ay dahan-dahang pababa ng hagdan. At nasisigurado akong isa na roon ang Primo.
Hinihintay ko ang kanyang pagtapat sa may maliwanag na parte nang hagdan. Kunting-kunti na lang at makikita ko na ang kanyang mukha ng may biglang humila sa damit ko. Napabaling ako kay Mila na ngayon ay nakayuko na. Hinila niya muli ang damit ko na nagsasabi na ako na lang pala ang hindi yumuyuko. Kaya tuloy dali-dali kong niyuko ang ulo bago ko pa masilayan ang Primo.
"Magandang umaga po Primo!" sabay-sabay na bati ng lahat ng katulong. Wala man lang katugon mula sa kanya kaya nais ko tuloy na iangat ang paningin ko para makita siya. Simula kasi na ikwento sa akin ng papa ko ang tungkol sa kanya ay naging curious na ako sa kung ano ang kanyang hitsura at pag-uugali.
"Nakahanda na po sa kumedor ang almusal niyo," saad ng mayordoma. Papalapit na mga yabag ang narinig ko at nagulat pa ako ng may isang pares ng paa ang huminto sa harap ko. Nakaramdam ako ng kaba at hindi ko alam kung bakit tumitibok ng pagkalakas-lakas ang puso ko. Napakagat-labi na lang ako.
"Stand up straight," sabi niys sa napakalamig na boses. I don't know but his voice sent shiver to my body. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo at paningin ko sa aking kaharap para lang makita ang napakalamig at walang buhay na mga matang nakita ko sa buong buhay ko. Those dark orbs that made me stiffened because of the way he looks deep into me like he can see my inner soul. It brought chills all over my body and makes me hypnotize.
He has an aristocratic look, a difined jaw and a pointy noise. His lips are fuller but in a grim line that looks like it doesn't know how to smile. He is the perfect example of tall, dark and handsome. Nasa six foot ang taas niya kaya nga napapatingala ako sa kanya.
All in all he is a very attractive man but in a dangerous way. But what makes him look more dangerous and attractive is the scar on the right side of his face. Mahaba ito na nagsimula sa noo pababa hanggang sa pisngi. Sa hindi malamang dahilan ay parang gusto kong haplusin ang kanyang pilat at maramdaman iyon sa kamay ko. Iwinaksi ko agad ang kahibangang iniisip.
He wear an all black armani suit and it brought an air of authority. Mas lumakas pa ang kanyang aurang nakakatakot at mapanganib ng nasa harapan ko na siya ngayon.
So, this is the one of the member of the mysterious Silvestri family.
Mahahalata mo sa kanyang hitsura at kilos na galing nga siya sa isang makapangyarihang pamilya. "Sumunod ka," utos niya sa akin. Pagkatapos ay tumalikod na siya at walang lingong lumakad kasunod ang isang lalaking mukhang personal butler niya. Sumunod rin sa kanya ang mayordoma.
"Ano pang hinihintay mo Miss De Silva, sundin mo na ang ipinag-uutos ng Primo," baling pabalik sa akin ng mayordoma ng hindi pa ako kumikilos.
"Opo!" Mabilis akong lumakad para makasunod. Nakalimutan kong bukod sa maging katulong rito sa mansyon ay personal maid rin pala ako ng Primo.
Pumasok kami sa kumedor na may napakataas na mesa. Mukhang kasya ang bente ka tao sa taas nito. Umupo sa dulo ng mesa ang Primo at sa kanyang kanan naman nakatayo ang butler niya. May nakahanda na ring pagkain sa mesa.
"Ito," saad ng mayordoma sabay abot sa akin ng isang percolator na naglalaman ng kape. "Doon ka sa kaliwa ng Primo. Ikaw ang magsasalin sa kanya kapag gusto niya ng kape."
Tumango ako at sinunod agad ang utos. Pinagmasdan kong kumain ang Primo. May fineness ang pamamaraan ng kanyang pagkain. Hindi naman yun ikinapagtataka dahil normal na yun sa mga mayayamang tao. "Coffee," biglang saad niya.
Dali-dali akong lumapit sa kanya at dahan-dahang isinalin ang kape sa kanyang tasa. Medyo nanginginig pa ako dahil ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Napabuga ako ng hininga pagkabalik ko sa pwesto, hindi ko namalayan na nagpipigil pala ako ng hininga habang sinasalinan siya. Laking pasalamat ko na hindi na siya humingi pa ulit ng kape dahil baka hihimatayin na ako sa nerbyos.
Napatingin ako sa nakatayong butler. Sa tantiya ko ay nasa late thirties na ang edad niya. Magandang lalake rin at makisig katulad ng amo niya, pero ang pinag-kaiba lang ay kahit siya ay seryoso ay mas mukhang maaliwas naman ang mukha niya kaysa sa Primo.
Napatingin siya sa akin, hindi ko alam pero ginawaran ko siya ng ngiti. Nakita ko ang pagdaan ng pagkabigla sa kanyang mga mata bago bumalik sa walang emosyong mukha niya kanina.
Sa wakas, nakakita na rin ako ng tao rito sa mansyon na nagpakita kahit saglit na emosyon. "Nate, umuna ka na sa sasakyan," utos ng Primo.
"Masusunod po Primo." Yumuko muna si Nate bago umalis.
Sumunod namang tumayo ang Primo at humarap sa akin. Yumuko ako ng mabilis. "May ipag-uutos po kayo Primo?"
"Just face me," seryoso niyang sabi. Nag-angat ako ng tingin at nagtayuan yata ang mga balahibo ko sa batok ng mag-tama ang mga mata namin. Napalunok ako ng wala sa oras. "Ang hindi ko gusto ang nakikipaglandian sa butler ko, nagkakaintindihan ba tayo Miss De Silva," matigas na akusa niya sa akin.
Lumaki yata ang mga mata ko sa kanyang sinabi. "Hindi po ako..." nabitin sana ang pagpapaliwanag ko ng makita ko sa mga mata niya na wala siyang pakialam sa sasabihin ko.
Napakagat labi ako at agad na tumango. "Pasensya na po Primo. Hindi na po mauulit," nakatungo kong sabi. Nakita yata niya ang pagngiti ko sa kanyang butler at namis-interpret niya ang ginawa ko.
Pagkatapos ay nilagpasan lang niya ako na animo'y isa akong hangin. "Hay! Kinabahan ako dun ha," bulong ko sa sarili.
Buong araw ay naglilinis lang ako ng mansyon dahil sa gabi pa naman ang balik ng Primo. Nakatuka sa akin ang pagpupunas ng mga antique na mga vase. Ang rami pala nito na nakakalat sa buong mansyon. Bawat katulong ay may nakatukang gawin, may nagluluto, may naglilinis sa bawat silid, nagbubunot ng damo o nagwawalis ng sahig.
"Mapapanis yata ang laway ko rito," kausap ko sa sarili. Paano ba naman, wala man lang akong kausap. Napakatahimik ng buong mansyon dahil hindi naman nag-uusap ang mga katulong.
Naging kabagot-bagot ang buong araw ko. Mabuti na lang sa pagsapit ng hapon ay sa may garden ako nakatuka. Gustong-gusto ko kasi ang mga bulaklak. Sa katunayan ay may mini garden ako sa bahay namin. Sana maasikaso iyon ni Kraye, ang kapatid kong lalake, habang wala ako.
Pero bigla na lang napawi ang excitement ko ng makita ko ang hardin. Puno ito ng nagtata-asang mga damo kaya natatabunan nito ang mga bulaklak na natitira.
"Ano naman ang didiligan ko rito?"
Sayang, napakalaki pa naman ng hardin na'to. Kung naalagaan lang sana, siguradong-sigurado maraming mga bulaklak ang pwede rito itanim.
Isang ideya ang pumasok sa isip ko. Kung walang mag-aalaga rito sa hardin pwes ako na lang. Sisiguraduhin kong gagawin ko itong maganda.
*****
-LG-
02-29-15
BINABASA MO ANG
The Mafia Lord's Possession
General Fiction"You are my possession... my priceless possession" -Rave Adrian Silvestri- Highest Rank Achieved: Rank #6 in What's Hot List for General Fiction (06/25/16)