Chapter 37: Remember

44.9K 951 88
                                    

Remember is to recall to the mind by an act or effort of memory; think of again.

*****

Chapter 37

"Sa wakas at lumabas rin kayong dalawa. Akala ko papanis na naman itong pagkain na inihanda ko sa tagal niyong mag-usap ha. Usap nga lang ba?" may halong panunudyo na saad ni Nate ng madatnan namin siyang nagkakape sa kusina.

Namula tuloy ang mukha ko at napatago ako sa likod ni Rave. Naiisip ko pa lang ang mga pinag-gagawa namin kanina sa kanyang kwarto ay parang nag-iinit ulit ang katawan ko.

"Stop it Nate. May atraso ka pa sa akin. Mag-uusap tayo mamaya," seryosong banta ni Rave. Napakapit tuloy ako kay Rave para sabihin na huwag ng pagalitan si Nate dahil kasalanan ko naman.

"Yeah kaya shut up na lang ako. Ihahanda ko lang ang mga kakainin niyo," balewalang saad ni Nate. Hindi man lang natakot sa banta ni Rave.

Pasado alas otso na ng magpasya kaming lumabas ng kwarto. Kung hindi lang nag-ingay itong sikmura ko baka bukas pa nga ako ilalabas ni Rave. Ibang klase naman kasi itong lalake na'to, wala yatang kapaguran.

Hindi ko mabilang kung nakailang round kami kanina. Sa halos anim nga  namang taong hindi nakatikim, eh syempre uhaw na uhaw ang kumag.

Kung noon sa mansyon ay siya ang aking pinagsisilbihan, ngayon naman ay ako ang pinagsisilbihan niya. Pinagsandok niya ako ng kanin at ulam. Kulang na lang yata ay subuan niya ako.

Sa kalagitnaan ng aming hapunan ay may narinig kami ng malakas na katok. Sa lakas ng katok nito ay parang masisira ang pinto.

"Adrian! Ilabas mo ang anak ko ngayon din!" malakas na sigaw ni papa.

Napatampal ako sa noo dahil nawala sa isip ko na tawagan siya kanina para ipaalam ang nangyari sa akin. Mabilis akong umalis sa kusina at tinahak ang sala. Napatigil lang ako ng may humawak sa kamay ko.

"Ako na ang magpapaliwanag," saad ni Rave.

Umiling ako. "Ako na Rave. Kasalanan ko naman dahil nakalimutan ko siyang tawagan."

Magkahawak kamay naming hinarap ang papa ko na ngayon ay mababakas sa mukha ang galit. Lalo pa yata siya nagalit ng mapansin ang sugat ko sa noo.

"Diba sinabi ko na bigyan mo ng panahon na makaalala ang anak ko!" sugod niya kay Rave.

Mabilis akong humarang kay Rave. "Relax lang pa. Nakakaalala na ako," mabilis kong saad na ikinatigil niya.

"A-anong sinabi mo?"

"Nakakaalala na po ako," ulit ko.

"Paano?"

Kinuwento ko ulit sa papa ko ang nangyari kung bakit nakakaalala na ako. Sa huli ay napayakap na lang ang papa ko sa akin.

Nag-usap pa sila ni Rave at napagkasunduan na ipapatingin ako sa doktor bukas para malaman ang totoong dahilan ng pagbalik lahat ng mga alaala ko. Ipapatingin na rin ang sugat na natamo ko mula sa pagkahulog dahil mahirap na baka may internal bleeding pala sa utak ko.

Pinayagan rin ako ng papa na sa penthouse ni Rave ako matutulog. Alam kong alam niya kung gaano namin namiss ang isa't-isa. So, we made love all night.

Kinabukasan ay nagpunta agad kami sa doktor na kinunsulta ko noon tungkol sa amnesia ko. Sinabi rin niya kung anong sinabi sa akin ni Nate kahapon.

Doon na rin ako tumira sa penthouse dahil nga sa mag-asawa naman kami. Pinakuha na lang ni Rave lahat ng mga gamit ko sa bahay.

Every moment, we make it special. Bumabawe kami sa isa't-isa sa mga panahon na hindi kami magkasama. At sana lang ay hindi na matapos itong kasiyahan na aming nadarama. Sana lang wala na kaming maging problema.

The Mafia Lord's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon