Chapter 13: Pretend

71.1K 1.8K 100
                                        

Pretend is defined as to claim, to make believe or imitate.

*****

Chapter 13

Parang gusto ko na lang yata na lamunin ako ng lupa sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Dali-dali akong bumangon at hindi alam anong gagawin. "P-primo, p-pasensya n-na po," nanginginig na saad ko. "P-patawarin n-niyo po ako." At mabilis na tumakbo palabas ng library. Bahala na mapagalitan ako sa pagiging bastos basta maka-alis lang ako sa nakakahiyang sitwasyon na yun.

"Ano bang nangyayari sayo Krish. Ano bang pumasok sa kukote mo at ginawa mo yun," pangaral ko sa aking sarili habang palakad-lakad sa aking silid.

Muntik ko nang mahalikan ang Primo at hindi ko alam kung bakit ko yun nagawa. Basta bigla na lang lumapit mismo ang ulo ko na parang iyon ba ang pinakanatural na gagawin. Ano na lang ang mukhang maihaharap ko sa rito. Isang oras lang akong tulala sa bukas ng bintana ng mapapitlag ako sa isang katok. "S-sino yan?" Bigla tuloy kumabog ang dibdib ko sa kaba.

"Si Nate ito. Pinatatawag ka ng Primo sa silid niya Miss Krishna," saad nito.

"H-ha? B-bakit raw?" kinakabahang tanong ko.

Patay! Tapos na yata ako.

"Ewan ko. Pinasusundo ka lang niya sa akin."

"S-sandali lang," saad ko. Inayos ko muna ang gusot-gusot na uniporme ko at gulong-gulo na buhok ko dahil sa hindi ko mapigilang pagsambunot ko sa sarili. Para akong kakatayin habang papalapit kami sa silid ng Primo. Pinagpapawisan ako at parang bigla yatang sumama ang timpla ng tiyan ko. Ang lamig-lamig rin ng ang mga kamay ko at nasisigurado akong namumutla na ang mukha ko.

"Okey ka lang ba Miss Krishna? May sakit ka ba?" tanong ni Nate na nilingon pala ako.

"Ahmm... Okey lang ako. Huwag mo akong alalahanin," pagsisinungaling ko. Kinalapan ko na lang ito ng pilit na ngiti para hindi na ito mag-alala pa. Nagpatuloy kami sa paglakad. Nang tumapat na kami sa pinto ng silid nito ay hindi na yata ako makahinga.

Kalma lang Krish! Just relax!

Pagmamantra ko sa isip ko. Kumatok na ng tatlong beses si Nate. At ng marinig ko ang malamig na boses nito ay bigla yata akong nanigas sa kinatatayuan ko. "Pumasok na po kayo Miss Krishna."

Dahan-dahang hakbang ang ginawa ko. Sa taga isang hakbang ko ay nagdudulot sa akin ng karagdagang kaba. Ng makapasok ako ng tuluyan sa loob ay kadiliman ang bumungad sa akin. Hindi nakatulong ang palaging bukas na bintana roon para may maaninag ako sa loob ng kwarto. "P-prim... Ahh!" napasigaw ako ng bigla na lang may humila sa akin at isinandig ako sa pader.

Hindi ko makita ang taong humila sa akin pero pagbabasihan ang amoy at ang aura nito ay kilalang-kilala ko. "P-primo?" nahihintakutan na saad ko. Nakahawak ang mga kamay nito sa palapulsuhan ko na naka-angat sa pagitan ng ulo ko.

Napapiksi ako ng maramdaman kong sinasamyo nito ang leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang hininga nito na tumutusok sa balat ko. "You really smelled strawberry," anas nito sa paos na boses. Napapikit ako dahil hindi ko man gustuhin ay naa-apektuhan na ako sa sensayong dulot nito.

Hindi na ako halos makahinga ng maglapat ang noo namin at ilong. Isang dangkal na rin ang layo ng mga labi namin.

Ano ba'to. Continuation sa nangyari kanina?

Naputol ang pag-iisip ko ng mahinang inilapat na nito ang mga labi sa mga labi ko. Bolta-boltahing kuryente ang nanulay sa buong katawan ko sa paglapat pa lang. It's a soft kiss but it tells a lot of words that I couldn't explain. Na parang isang halik ng pangungulila na nagpapasikip ng dibdib ko. And the odd is, this lips is somewhat familiar. Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang luha ko. At sa kauna-unahang pagkakataon, nawalan ako ng malay.

Napabalikwas ako ng bangon. Mabilis kong iginala ang aking paningin at napagtantong hindi ko ito kwarto.

Anong nangyari?

Nasa silid kasi ako ng Primo at nakahiga pa sa kama nito. Inilala ko ang nangyari kanina para lang mapasinghap. Nahawakan ko ang mga labi kong hinalikan kanina ng Primo bago ako mawalan ng malay. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang init ng mga labi nito.

Mabilis akong bumaba sa kama. Bigla pa akong natilihan ng hindi na ako nakasuot ng uniporme bagkus ay isang malaking itim na pajama na ang suot ko ngayon. Nanulay sa aking ilong ang lalaking amoy ng Primo na nakabakat sa pajama nito.

"Paanong nakasuot ako nito?" tanong ko sa sarili.

Huwag mong sabihing ang Primo mismo ang nagbihis sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. Iginala ko ulit ang tingin sa buong silid baka makita ko ang Primo. Pero bukod sa akin ay wala ng tao pa sa loob ng kwarto. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko pa ito kayang harapin at komprotahin sa nangyaring halik kanina.

It's my very first kiss but why I am feeling that I have been kisssed by those lips. Ipinilig ko ang aking ulo sa kung anu-anong tumatakbo sa isip ko. Lumakad ako papunta sa pinto para sa sana bumalik na sa kwarto pero nawindang ako na nakasirado pala ang pintuan. Pinilit ko itong pinihit pero walang epek parin.

Ano bang nangyayari?

Naguguluhan kong tanong sa aking isip. Inilapat ko ang aking tenga sa pinto baka may marinig akong ingay, baka may tao pala sa labas at makahingi ako ng tulong. Maya-maya lang ay may mga yabag akong naririnig.

"Ikaw nang bahala Nate."

"Makaka-asa po kayo Primo."

Mabilis akong bumalik sa kama ng malaman ko kung sino ang paparating. Kinalma ko ang aking sarili at nagdasal na sana hindi ako mahuling nagtulog-tulogan lang. Napapiksi pa ako ng bumukas ang pintuan at dumadagundong ang puso ko ng marinig ko ang papalapit na mga yabag nito. Naramdaman ko ang paglundo ng kama at alam kong matiim itong nakatitig ngayon sa akin.

Pinigilan kong mapapiksi ng maramdaman ko ang mabining paghaplos nito sa pisngi ko. He traced my face with his finger like I am a valuable sculpture. My breath stop when he brush my lips with his thumb.

Natilihan pa ako ng bumulong ito sa tenga ko. "I know your awake. Kaya huwag ka nang magpanggap."

*****

-LG-

03-15-15

The Mafia Lord's PossessionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon