Memory is something remembered from the past; a recollection.
*****
Chapter 31
Present...
Hindi ko alam kong papaano ko pipigilan ang mga mata ko sa pag-iyak. Hindi ko alam kung papaano iaabsorb ang mga narinig ko.
"Sa party ay nagkita ulit kami ng papa mo. Sinabi ko na kaya na ulit kitang protektahan kaya pwede na kitang bawiin," pagpapatuloy niya.
"S-si papa? A-alam niya ang tungkol dito?"
"Oo. Siya ang nagplano ng lahat, yung kunwaring utang niyo sa akin at ang pagpunta mo sa mansion. Ginawa niya iyon bilang pagtupad ng pangako niya sa akin na pag may kapangyarihan na akong protektahan ka saka kita mababawi. Ayaw niyang sabihin sayo ng diretso ang totoo gaya ng gusto ko dahil baka ikabigla ng utak mo, gusto niyang maalala mo ng kusa."
Napapa-iling ako sa mga naririnig. Gusto kong takpan ang mga tenga ko pero hindi ko magawa.
"Ang totoong plano sana ay ang ipapakasal ka sa akin bilang kabayaran sa utang pero naunahan mo ako sa magiging proposition ko ng sabihin mo sa akin na maninilbihan ka sa akin."
"No, no!" sigaw ko. "Hindi magagawa ng Papa ko yan. Hindi siya magsisinungaling sa akin. Please, gusto ko siyang maka-usap."
Niyakap niya ako ng mahigpit kahit nagpupumiglas ako. "Bitawan mo ako! Bitawan mo ako, please," pagmamakaawa ko. Gusto kong umuwi sa amin at maka-usap ang papa ko.
Gulong-gulo ang isip ko ngayon, parang sasabog sa sakit. Pinilit kong makaalis sa kanyang yakap. Kahit parang lumalabo na ang aking paningin ay pinilit ko paring tumayo at tinungo ang pintuan ng kwarto habang sapo ang masakit kong ulo.
Pero hindi pa nga ako nakakaabot ay nagdilim na ang paningin ko at humandusay ako sa sahig. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin bago ako nawalan ng malay.
*****
Nagising ako sa mga boses na naririnig ko mula sa labas ng kwarto. Madilim ang buong kwarto at wala akong maaninag na liwanag. Nagtangka akong bumangon pero napabalik ng higa ng kumirot ulit ang ulo ko.
Napapikit ako para lang maalala lahat ng nangyari bago ako nawalan ng malay. Akala ko isang bangungot lang ang nangyari pero parang totoo yata. Pinilit kong bumangon ulit. Kailangan kong maka-usap ang papa ko. Kailangan kong malaman kung totoo ang sinasabi ng Primo.
Paglabas ko ay bumungad sa aking ang apat na lalaking naka-upo sa may sala. Lahat sila napabaling sa akin at bakas sa mga mukha nila ang pag-alala.
"Krish, okey ka lang ba anak?" tanong ng papa ko na agad tumayo at niyakap ako. Mahigpit ko ring niyakap pabalik ang papa ko. Matagal ko rin siyang hindi nakita kaya miss na miss ko na siya.
"Papa!" nagagalak kong saad.
"Ate," rinig kong saad ni Kraye na lumapit rin at niyakap ako. Gusto kong maiyak sa saya dahil muli ko na silang nakita.
"Namiss ko kayo," saad ko.
"Me too, anak. Me too."
Napabaling ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa likuran namin. Malamlam rin ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Malayo sa nakasanayan kong nakikitang sa kanyang mga mata, mga mata niyang walang emosyon.
BINABASA MO ANG
The Mafia Lord's Possession
General Fiction"You are my possession... my priceless possession" -Rave Adrian Silvestri- Highest Rank Achieved: Rank #6 in What's Hot List for General Fiction (06/25/16)