Chapter 14: Crying

74K 1.9K 163
                                    

Crying is to produce tears from your eyes often while making loud sounds because of pain, sorrow, or other strong emotions.

*****

Chapter 14

Napakagat ako sa labi ko at dahan-dahan na ibinuka ang mga mata ko. Nakatunghay ito sa akin at titig na titig. Sigurado akong kulay kamatis na ang pagmumukha ko ngayon. He smirked at me sexily. Napalunok ako ng mapagtantong nakahubad ito ng pang itaas.

His tanned body that perfectly sculpted with right amount of muscles makes me want to drool. Kaya hindi ko maiwasang paglakbayin ang mga mata ko sa kabuohan nito, kasehadong nagiging manyak na ako. "Like what you see?" rinig kong sabi nito na ikinabalik ng paningin ko sa mukha nito.

Ang mga mata nito na dati ay nababalot ng yelo, ngayon ay nababakasan mo ng pagka-aliw. Nagising tuloy ako mula sa pagkawala sa sarili dahil sa presensya nito. Mabilis akong bumangon at umisog sa kabilang panig para makababa sa kama. Pero dahil sa pagmamadali ko ay natalisod ang isang paa ko sa kumot kaya sa sahig ang bagsak ko.

"Damn!" rinig kong mura nito. Napadaing naman ako sa sakit dahil sa mukha kong sumalpak sa sahig. Hindi na ako tumanggi ng buhatin ako nito at iniupo sa kama. Sinuri nito ang mukha ko at napatiim ang bagang nito na parang may hindi nagustuhang makita. "What are you thinking doing that stunt?" galit na saad nito. "Stay here," matigas na dagdag nito sa tonong dapat ito masunod.

Mabilis itong lumabas ng kwarto. Naguguluhan na talaga ako sa inaasal ngayon ng Primo. He acted suddenly like he know me for so long. Na imposible namang mangyari dahil wala akong natandaang nagkita o nagkasalubong man ang aming landas sa nakaraan. Marami akong gustong itanong rito gaya na lang nung halik, pagtulog ko rito sa kwarto nito at iba pang mga bagay na hindi dapat nito ginagawa sa kagaya kong katulong lamang nito. Kaya lang ay natatakot akong kwestyunin ito.

Baka napagpasyahan nito na katawan ko na lang ang ipambayad rito.

Napasinghap ako sa naisip. "No way! Hindi ako papayag."

Pero nagpahalik ka naman at hindi ka pa tumutol. At kanina nga sa library ikaw ang nag-initiate.

"Eh kasi... Argh!" Tinampal ko ang noo ko dahil nagmumukha na akong tangang kinakausap ang sarili ko. Napadaing naman ako at nalaman na sa noo pala ako napuruhan. Mukhang may tutubo pa yatang bukol. Napabaling ako sa pinto ng muli itong bumukas. Still half naked from waist to up and wearing a black pajama pants, he looks like a greek god that descended from Mt. Olympus. May hawak itong ice bag para siguro sa noo ko.

"A-ako na po," saad ko ng akmang ilalapat nito ang ice bag sa nasaktan kong noo. Pinaningkitan lang ako nito ng mga mata na nagsasabing manahimik ako. Hinawakan nito ang panga ko para maitaas pa lalo ang mukha ko. Napakislot pa ako ng maramdaman ko ang lamig ng yelo sa noo ko. Iniwas ko naman ang mga mata ko sa mukha nito dahil baka mawala na naman ako sa sarili ko sa paninitig rito.

"Hold this may kukunin lang ako," utos nito. Sinundan ko ito ng tingin. Pumasok ito sa banyo pero hindi nagtagal ay lumabas rin ito na may dalang ointment. Kinuha nito ang ice bag at nilagyan nito ang noo ko. Medyo nawala nga yung kirot. Walang nagsasalita sa amin kaya medyo awkward ang nafefeel ko ngayon. Pumasok ulit ito sa banyo para ibalik siguro ang kinuhang ointment.

Kinuha ko naman yung pagkakataon para umalis na sa kwarto. Pero bago ko pa napihit ang seradura ng pinto ay may mga braso na agad ang nakapalibot sa aking baywang. "Where do you think your going?" bulong nito sa punong tenga ko.

The Mafia Lord's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon