02: completed

125 14 16
                                    

"Kompleto na ba sila?" tanong ni Hilary habang nag lakakad sila ni Rome papunta sa meeting room.

"Yes Madame, kompleto na po" sagot ni Rone

"Good"

Pinag buksan ni Rome ng pinto si Hilary, sabay namang napatingin ang grupo sa pinto ng mag bukas ito. Pumasok si Hilary at inalis ang shades.

"Good morning" bati ni Reign

"Magandang umaga madame" bati nila Savio at Brix

"Good morning Madame Hilary" bati naman ni Carson

"Good morning" bati ni Ace at niyuko ni Rome ang ulo niya habang nag pipigil ngumiti dahil ship niya sila Ace at Hilary.

"What's good in the morning" walang ganang sagot ni Hilary saka nag punta sa harap. Natigilan ang ilan na bumati sakanya. "Nag pakilala na ba kayo sa isa't isa?" seryosong tanong ni Hilary sakanila.

Nag katinginan silang lahat sa isa't isa saka tumingin kay Hilary at nag ilingan.

"Para maging effective ang teamwork niyo, kailangan niyong makilala ang isa't isa. Ok, introduce yourself" tumingin si Rome kay Harvey "Let's start from you" utos niya rito.

"Ah hehe, tatayo pa ba?" nakangiting tanong ni Harvey at napataas ng isang kilay si Hilary.

"It's up to you, kahit tumayo ka naman mukha ka pa ring nakaupo" seryosong sagot ni Hilary at tahimik na natawa ang mga kasama nila.

Si Harvey naman ay nawala ang ngiti kaya tinapik ni Rome ang balikat niya "Tumayo ka nalang" utos ni Rome kaya tumayo si Harvey "Pre tumayo ka" mas lalong nag sitawanan ang mga kasama nila.

"Ano yan?" tanong ni Harvey sa mga kasama nila "Wala pang inuman, ako na pulutan?"

"Hoy" tawag ni Hilary kay Harvey kaya tumingin sakanya ang binata "Balita ko tanggero ka raw, bawal ang alak sa area"

"Opo madame, handa po ako diyan" tipid na ngiting sagot ni Harvey saka ito tumingin sa mga kagrupo niya "Hello, I'm Harvey Lopez, 25, night owl ako kaya malaki talaga ang tulong ko dito, yun lang hehe" pag papakilala ni Harvey saka umupo.

"Harvey" tawag ni Hilary "Nag aral ka ng medicine right?" tanong nito at tumango ang binata "Iyan ang toka mo, kapag may nasugatan sa mga kasamahan mo. Ikaw ang aasahan nila"

"Pero undergrad---"

"I don't care, you can do it!" maotoridad na pambabara ni Hilary saka tumingin kay Savio na katabi ni Harvey "Next"

Nakangiting tumayo si Savio "Hello sainyo, Ako po si Savio Ulet, uulitin ko po Savio Ulet" bahagyang nag tawanan ang mga kasama niya "Hehe kidding aside, 27 years old, isa po akong chef at asahan niyo na ang mga lulutuin ko ay ang mag papalakas sainyo" pag katapos mag pakilala ni Savio ay umupo na ito.

"Maunong ka ba gumamit ng baril?" tanong ni Hilary kay Savio at napakamot ito sa batok. Dahil mukhang alam na ni Hilary ang sagot ay napatingin ito sa mga kasamahan niya "Sino ang pwedeng mag traine sakanya?" tanong ni Hilary sakanila.

Nag taas ng kamay si Ace "Ako"

"Okay next" utos ni Hilary kay Brix at hindi man lang pinansin si Ace.

Tumayo si Brix at kumaway "Magandang buhay--"

"Pfft--" napatingin ang lahat kay Harvey ng mag pigil ito ng tawa. Iritang napatingin sakanya si Hilary kaya umayos siya ng upo.

Area 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon