25: area 14

69 13 7
                                    

Nang makalabas sila ay halos maluha si Harvey sa saya ng makita niya si Savio na nasa loob na ng helicopter, sa maikli nilang pamamalagi sa iisang bahay nakita nito kung gaano kamahal ni Savio ang kanyang pamilya at kung gaano niya ginustong makipag laban para sakanyang mag ina.



Bumaba ang ilang sundalo sa helicopter at nag sisaludo sakanila. Si Ace lang ang sumaludo pabalik, si Harvey at Reign ay nag bow dahil hindi nila alam kung anong dapat gawin hindi naman daw sila pulis. Si Jiro ay dumiretso sa helicopter kung nasaan si Carson.




"Where's Angel?" tanong ni Carson at hindi sumagot si Jiro. Ibinaling nit Carson ang tingin kay Harvey at sumenyas ito kung nasaan si Angel. Nang umiling si Harvey sakanya ay napabuga ito sa hangin at naramdamang uminit ang mga mata. Tinapik nalang niya ang balikat ni Jiro. "Brad.. Ikaw na yata yung nakilalang kong tao na.. pinakaastig. Dapat ikaw yung tinatawag na idol e. Hindi ako." nasaksihan ni Carson kung gaano katalino si Jiro sa pakikipag laban. Isa rin sa dahilan kung bakit siya laging sumasama dito ay para matuto rin ng iba pang tricks o galawan na pwede niyang magamit sa pag gawa ng pelikula dahil isa siyang magaling na action star.



Si Reign naman ay napatingin sa katabi niyang si Harvey. "Ok ka lang?" tanong niya rito kaya napatingin sakanya ang binata.



"Ngiti ka" sagot ni Harvey at kumunot noo si Reign "Ngiti ka sabi" muling utos nito at tipid na ngumiti si Reign "Yan. Ok na ako" dugtong ni Harvey kaya mas lalong napangiti si Reign.



Ngunit sa isang iglap ay napalitan ng lungkot ang ngiti ni Reign ng maalala niya sila Angel, Austin at Brix. Niyuko niya ang ulo niya at napahikbi. Nang marinig ni Harvey ang hikbi ng dalaga ay tumingin ito. "So depressing.. Akala ko b-bago tayo pumasok. Siyam rin tayong makakalabas. I think, I can't take this--"



"Sshh" niyakap ni Harvey si Reign at hinagod ang likod nito. "Reign.. Nandito pa naman ako. Alam mo.. Ikaw yung isang rason kung bakit hindi ako basta basta sumuko sa mga cannibal na yun."



Kumalas si Reign sa pag kakayakap ni Harvey ng may sumagi sa isip nito. "Paano na nga pala sila? S-si Mirri"




"Iisipin ko nalang na.. Isang bangungot yun. May mali sa tribu nila. Maling mali" sagot ni Harvey "Huwag mo ng pagselosan si Mirri. Ikaw naman talaga yung mahal ko e--" nahinto si Harvey sa pananalita at inalis ang tingin kay Reign dahil tila ba nakaramdam ito ng kahihiyan. Ito lang naman kasi ang unang beses na sinabi niya iyon sa isang babae. Napatikhim ito "Pag nag aral ulit ako. Liligawan kita"




Napangiti naman si Reign at umayos ng upo. Pinunasan niya ang natitirang luha niya at sumandal sa balikat ni Harvey.



Isang pag sabog pa ang kanilang narinig bago nila tuluyang lisanin ang lugar.



Habang nasa himpapawid ay nakita ni Hilary ang kabuuan ng pinsala. Dito niya lang napagtanto na may kalakihan rin pala ang Area 14. Umaasa siya na balang araw ay muli itong tatawaging 'Sanblas' na dati nitong pangalan.



Naalia ni Hilary ang tingin sa Area 14 ng hawakan ni Ace ang kanyang kamay ng mahigpit.



"Thank you" sambit nito.



"For what?" tanong ni Hilary.



"Dahil hindi ka sumukong hanapin si Danilo" tipid na napangiti si Ace at bumuga ng hangin "Makakasama ko na ulit ang kapatid ko"



Tipid lang na ngumiti si Hilary at tumango.



Si Savio naman na nasa tabi ng piloto ay napangiti habang naluluha. Mag kahalong lungkot at saya ang nararamdaman niya. Makakabalik na ulit siya, may pag sisisi man siya na pumasok sa Area 14 ngunit nangingibabaw nag saya sa puso niya dahil mapalad pa rin siyang makakabalik ng buhay.














Area 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon