Habang nakatapat amg lahat sa mesa ay nakatulala lang sila Carson at Harvey sa pag kain. Hindi nila ito magalaw, napansin ni Austin ang mga ito at napansin niya rin na nanginginig ang kamay ng dalawa.
"Isang araw palang natin dito ang dami na nating napatumbang zombies tapos..." tinaas ni Austin ang isang kilay niya "Ngayon pa iikot yang tiyan niyo? Kumain kayo, pinag luto kayo tapos hindi niyo kakainin? Baka gusto niyong kaladkarin ko kayo palabas?"
Mabilis na kumilos ang dalawa at nag sikain. Napangiti naman si Savio kay Austin dahil pakiramdam niya ay na-appreciate ang prisensya niya.
Matapos nilang kumain ay nag punta sila sa sala para mag meeting sa kung anong gagawin nila kinabukasan, at mapag usapan kung anong nangyari sakanilang pag lilibot.
"May nakita kami ni Savio, ang kaso sarado yung bodega sobrang rami ng kalaban dun" sabi ni Ace kay Brix habang turo turo sa mapa kung saan sila napadpad kanina.
"Mabilis silang madistract sa tunog, sayang lang talaga kanina kasi sarado yung bodega mabilis sana silang maiipon sa loob pag bukas yun kanina" sagot ni Savio habang nanghihinayang.
Napakunot noo ito dahil napansin niyang hindi nag kikibuan ang dalawa at tulala. Si Jiro ay tulala kay Angel, ngunit ang dalaga ay tulala sa lampara.
Si Austin na nasa kusina ay sumandal sa pader habang nakatingin sa sala dahil napansin niya ang tatlong mag kakasama kanina na tulala. Nanginginig pa rin ang kamay ni Harvey kaya napailing ito. Sumimsim siya sa kape na hawak niya "Hoy kayong tatlo" tawag ni Austin sakanila ngunit lahat sila ay nilingon siya.
"Sino?" tanong ni Savio
"Sila" turo niya kila Reign, Carson at Harvey na mag kakatabi sa couch. "Sino ba kasi ang may kasalanan kung bakit kayo napadpad dun?" tanong nito at kumunot noo sila Reign at Harvey saka nag katinginan sa isa't isa.
"Siya!" sabay nilang sagot habang nakaturo sa isa't isa kaya si Carson na nasa gitna nila ay mabilis na napasandal para hindi tamaan ng kamay.
"Bakit ako!? E ikaw kaya yung nag aya diyan kasi natatae ka!" sigaw ni Reign sa inis.
"E inaaya ko na kayo pero hindi kayo makuha sa pakiusap! Pweje po mekehenge ng chubeg" pang gagaya pa niya kay Reign "Sabi ko tara na tapos hihirit ka pa ng tubig!"
"Edi sana sinabi mo agad na may nakita ka sa drum!" sigaw pabalik ni Reign sabay tumayo. Ang mga nanunuod naman sakanila ay palipat lipat ng tingin sa dalawa.
"Kung sinabi ko yun edi umaksyon ka agad!? Hindi na tayo pakakawalan!"
"Sira! Alam ko kung kailan ako aaksyon!"
"Isa ka rin e!" turo ni Harvey sa nananahimik na si Carson
"Oh bakit ako?" takang tanong nito
"Hindi ka makuha sa tingin! Artista ka dapat magaling ka sa emosyon!--"
"Kwinekwistyon mo pagiging artista ko!?" taas kilay na tanong ni Carson sabay tumayo.
Mabilis na tumayo si Savio at lumapit kay Austin na nanunuod ng away habang sumisimsim ng kape "Bakit mo pa kasi tinanong, nag aaway away na tuloy sila"
"Hayaan mo silang mag sigawan" sagot ni Austin. Takang nakatingin lang si Savio kay Austin na nanunuod ng away.
"E bakit! Sino ba nag padala saatin doon!?" tanong ni Harvey kaya napakunot noo si Brix ng tignan siya ng tatlo.
BINABASA MO ANG
Area 14
ActionAn action star, assassin, marksman, technician, psychologist, chef, risk taker, suicidal and aichmomania came together to exterminate the zombies in Area 14. --- COMPLETED Date started: July 14, 2021 Date ended: Oct. 29, 2021