"Babay!" paalam ni Harvey sa helicopter na paalis.
Ibinaba sila sa isang malawak na lupain, silang siyam nalang ang natitira dito sa tinatawag nilang Area 14.
Napatingin sila sa isang maliit na gate, na gawa sa kahoy, marami ng mga nakagapang na halaman rito at ang karatula na may nakalagay na "Sanblas" ay tabingi na rin.
Nahari ang katahimikan habang doon lang sila nakatingin, hanggang sa nag katinginan sila sa isa't isa.
"Sino mag bubukas?" tanong ni Savio habang mahigpit na nakahawak sa strap ng backpack niya.
"Yung leader" sagot naman ni Harvey sabay tingin kay Brix
"Bakit ako?" tanong naman ni Brix
Napatingin ang lahat kay Angel ng mag lakad ito hanggang sa malampasan sila.
"Ooh.. Brave" usal ni Carson habang pinapanuod si Angel.
Lumapit si Angel sa maliit na gate at tinignan kung paano ito mabubuksan "Fuck!" napanganga si Angel sa gulat ng may biglang sumulpot sa harap niyang zombie. Sa gulat ay mabilis niyang nahugot sa bulsa ang kutsilyo at nasaksak niya ito sa noo at bumagsak "Sorry" usal nito.
"Ok ka lang?" nag aalalang tanong ni Ace kay Angel.
"Opo" sagot naman ni Angel.
"Magugulatin ka pala, tsk tsk" napatingin si Angel kay Jiro na nag salita.
"Kung ikaw yung nandito magugulat ka rin" seryosong sagot ni Angel.
"Reign" tawag ni Ace dito ng mapagtanto niya kung paano buksan ang gate. Mabilis namang lumapit si Reign "Meron ka ba diyang pambukas dito?" tanong ni Ace
"Kandado? Barilin nalang para masira" suggest ni Carson
"Huwag, mabubulabog yang mga nasa loob willing ka mag palapa?" sarkastikong tanong Austin kay Carson at mahinang natawa naman si Harvey.
"Savage si kuya hehe" sabi ni Harvey habang natatawa.
Samantala, sila Savio at Brix naman ay sinisilip ang zombie na natumba habang nandidiri. "Kawawa" usal ni Savio at tumango naman si Brix.
"Hindi na kawawa yan kung iaadobo mo" sagot ni Jiro at siya naman ngayon ang tinignan habang nandidiri ang dalawa.
"Ew, cannibal ka ba? What a brain" nandidiring sabi ni Reign habang abala sa ginagawa niya.
"Pero paano kung mawalan tayo ng stocks ng pag kain? Kakain ba tayo ng zombies?" takang tanong ni Harvey
"Hindi nag iisip, pag nakain natin yung virus sa katawan nila edi naging kagaya rin nila tayo. Sense ata ang kailangan mo hindi stocks" pambabara ni Austin at sinamaan naman siya ng tingin ni Harvey.
"Bukas na" sabi ni Ace at nag kasahan ng baril sila Jiro, Carson at Austin. Nilabas naman nila Angel, Reign, Savio at Brix ang kanilang patalim, si Harvey naman ay kumuha ng pana.
Binuksan ni Ace ang gate at naunang pumasok, sumunod naman ang iba.
"This is it pansit" ani Savio
Huminga ng malalim si Harvey dahil ang pakiramdam niya ay mag kakaroon na siya ng kwenta sa lipunan. Taas noo itong pumunta sa harapan at ibinuka ang kanyang dalawang kamay, dahilan para mahinto sa pag lalakad ang mga kasama niya. Tumingin si Harvey sa paligid "Nandito tayo hindi dahil handa tayo mamatay, nandito tayo para... para.." bahagyang napakunot noo si Harvey dahil hindi niya na maisip yung salita na gusto niyang sabihin.
BINABASA MO ANG
Area 14
ActionAn action star, assassin, marksman, technician, psychologist, chef, risk taker, suicidal and aichmomania came together to exterminate the zombies in Area 14. --- COMPLETED Date started: July 14, 2021 Date ended: Oct. 29, 2021