23: last will

51 15 7
                                    

"President hindi ho pwede" halos nanlumong sambit ni Rome sa presidente ng masabi nito kung anong dahilan niya kung bakit siya nag patawag ng meeting.



"That's my final decision. Matatapos lang ang pag kalat nila kung pasasabugin natin ang lugar kung saan nag simula" sagot ng presidente "General Ruiz, do it as soon as possible" dugtong nito at tumayo.



Nag simula ng manginig ang labi ni Rome at tumayo "Sandali lang po President. Nag agree po kayo sa project ng Krosa. Paano yung mga pinadala doon?"



"Ngayon palang abisuhan mo na sila, that's your assignment" sagot ng presidente habang nag lalakad paalis.



Habang hinahatid ni Rome ng tingin ang mga nakakataas na personalidad sa gobyerno ay hinugot niya mula sa bulsa niya ang walkie talkie niya.



"Madame" sambit niya dito ngunit walang sumasagot. "Madame, pakiusap sumagot ka na" irita niyang sambit at napapadyak pa ito.






---



Nang masundan ng mag kapatid ang ingay ng pag sabog ay umintig ang panga ni Ace ng makilala niya ang helicopter ni Hilary na ngayon ay tinutupok na ng apoy.




"Sila ang may gawa nito" sambit ni Jiro na ang tinutukoy ay ang isa pa nilang makakalaban. Ika nga nila'y mas matakot ka sa buhay kaysa sa patay. Ngunit sa kaso ni Jiro, wala siyang kinakatakutan kahit na ang kamatayan. Kaya naman ng may maramdaman siyang nag sulputan sa likuran nila'y mabilis niyang kinasa ang armalite niya.



Si Ace naman na naramdaman kung anong ginawa ni Jiro ay kinasa na rin niya ang kanyang baril.



Pag lingon ni Jiro ay mabilis nilang tinutok ang kanilang baril sa grupo ng cannibal na nakahanda na rin ang sandata nilang pana. Napangisi si Jiro ng makita niya ang takot sa mga mukha ng tribu. Si Ace naman ay nag tungo sa likuran ni Jiro ng sumulpot ang ilang tribu mula sa likuran ng nasusunog na helicopter.



*hhhhhhhhhhh*





"Andiyan na yung mga kakampi namin" nakangising sabi ni Jiro habang nakatingin sa sandamakmak na zombies na tila ba nabulabog sa ingay ng pag sabog.



Para bang may parada ng mga patay na muling nabuhay.


Nag silingon ang mga tribu sakanilang likuran at pinag papana ang mga zombies



"Huwag ka munang mag papaputok, hayaan mo silang mag pagod" bulong ni Ace sa kapatid niya.



"Marami. Maraming marami. S-sobrang dami. Lahat na yata ng laman nitong lugar na 'to. Nakikita ko na ngayon"



Halos malaglag ang puso ni Ace sa kaba ng maranig niya iyon mula kay Jiro. Tila ba nararamdaman niyang nababahala na si Jiro.



"Kita niyo kung anong ginawa niyo?" marring tanong ni Ace sa pitong miyembro ng tribu na nasa harap niya ngayon. Walang anu-ano'y pinitik niya ang kanyang gatilyo at pinag babaril ang mga ito.



Nag simula na rin si Jiro na mag paputok ng baril, habang sige siya sa pag papaputok ay napansin niya ang ilang grupo ng zombies na may lakas na pumasok sa mga saradong mga bahay. Tagumpay nilang napapasukan ang mga ito, mas aktibo at mas mabilis silang kumilos ngayon. Wala silang nakikita, tanging pang amoy at pakiramdam lang nila ang nag papakilos sakanila.



"Jiro kahit na anong mangyari, iligtas mo ang sarili mo ha." bilin ni Ace sa kapatid niya habang patuloy ito sa pag papaputok ng baril.



Area 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon