22: blackmail

49 12 10
                                    

Mabilis na tumayo si Angel ng makita niya si Harvey na lumabas ng kwarto, ngumiti itong lumapit sa binata at inalalayan.


"Grabe naman" singhal ni Harvey at bahagyang natawa dahil sa kinilos ng dalaga.


"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Angel


"Mas mabuti na, kesa kahapon. Parang mamamatay na ako" pag upo niya ay tumabi sakanya si Angel "Miss mo ako?" panunukso ni Harvey kay Angel at mabilis itong tumango. "Sabi na e, crush mo talaga ako"


"Hehe, yan yung namiss ko sayo, yung mga joke mo" natatawang sagot naman ni Angel at natawa rin si Harvey.



"Kaya mo na bang mag kwento?" tanong ni Savio at may nilapag na tasa ng kape sa tapat ni Harvey.



"Saan ka galing?" sunod naman na tanong ni Jiro at tumayo ito sa harap nila. Sunod na ring nag silabasan ang iba pa nilang kasamahan. Tinanghali na ng gising si Harvey kaya naman gising na ang mga kasamahan niya.


"Napunta ako sa.. tribu ng... mga cannibal" Paninimula ni Harvey.



"W-w-wait what? Cannibal? You mean.. Cannibal? Yung kumakain ng tao?" nabiglang tanong ni Hilary at tumango ang lahat kaya nanlaki ang mata niya.



"Sa tingin ko sila nalang yung mga buhay na naninirahan dito" sagot naman ni Ace sakanya.



"Ok. Proceed" utos ni Hilary para makaiwas sa tingin ni Ace.



"Tinali ako sa kahoy" pag papatuloy ni Harvey at tinignan niya ang namamagang pupulsuhan "sa kamay at paa. Akala ko mamamatay na ako. Hanggang sa makita ako ni Mirri"



"Mirri?" tanong ni Reign na may pag tataka sa boses niya.



"Sino naman si Mirri?" takang tanong ni Ace.


Nanatiling nakayuko ang ulo ni Harvey at napalunok "Yung.. tinatawag nilang Prinsesa" sagot nito.



"Ah.. Prinsesa.. Tapos?" tanong ni Savio.


"Sinabi niya na ireserba ako para sa birthday niya... nga-ngayon yun. Kaya pinakawalan ako" sagot ni Harvey at mariing napapikit na para bang ayaw niya ng ituloy ang pag k-kwento.



Nag tinginan sila Angel at Reign. Nag kibit balikat naman si Reign. Napatingin naman si Carson kay Jiro na nag lalabas ng baril, binalewala niya nalang yun at binalik ang tingin kay Harvey.



"Paano ka nakatakas? Kung ngayon ka dapat.. alam mo na.." tanong ni Hilary.



"Kursunada ako ni Mirri" sagot ni Harvey at sa sagot nito'y nag tinginan sa isa't isa ang lahat. Dumami ang tanong sa isip nila. "Ang sabi niya, pakakawalan niya ako kung.. s-sasalinan ko siya ng lahi"



Napataas ang dalawang kilay ni Jiro habang nakatingin sa baril niya. Alam niya na kung anong susunod sa mga kwento ni Harvey. Tulala lang si Reign kay Harvey at napalunok.



"Sasalinan? How?" takang tanong ni Angel at ng may ideyang pumasok sa isip niya ay napatakip siya ng bibig.


Nag angat si Harvey ng tingin at umeksakto ito kay Reign "Napilitan lang akong gawin yun. Wala akong choice, gusto kong makawala, gusto ko pang mabuhay kaya pumayag ako sa gusto niya" paliwanag nito habang nakatingin kay Reign. Inalis ni Reign ang tingin sakanya at ibinaling sa kawalan.


Area 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon