19: "untill death do us part"

47 13 4
                                    

"May nakababatang kapatid si Dominique, ipinunta sila ng magulang nila dito ang sabi'y babalikan hanggang sa binalikan" ani Sister sa mag asawa. "Sigurado ba kayong, hindi niyo aampunin ang kapatid ni Dominique?"


"Sister, isa lang po ang aampunin namin, final na ho yun" sagot ni Mrs. Talavera.



Napasibi ang batang si Dominique ng marinig mula sa pinto ang usapan nila Sister Olivia at ang dalawang mag asawa tungkol sa pag ampon sakanya. Labis siyang nasasaktan ng marinig na hindi nila maaampon ang nakababata niyang kapatid na si Danilo.


Mabilis siyang tumakbo patungo sa playground at naaubutan doon ang anim na taong gulang niyang kapatid na nag lalaro mag isa ng kanilang laruang baril-barilan.


"Danilo" usal nito habang umiiyak saka niya niyakap ang kanyang kapatid. "Ayokong mag kahiwalay tayo"


"Tuya" sagot naman ng kapatid niya ay nag tataka kung bakit siya umiiyak.



Kumalas si Dominique mula sa pag kakayakap niya sa kapatid niya at hinawakan niya ang mag kabilang pisngi nito. "Kung hindi ka nila kukunin kasama ko. Dito nalang ako. Aalagaan kita. Di kita iiwan" muli niyang niyakap ang kanyang kapatid na hindi pa rin alam ang nangyayari dahil masyado pa itong bata.



---

"Ayoko! Danilo!!" sigaw ni Dominique habang umiiyak dahil pinipilit siyang isama ng mag asawa.


"Bibisita tayo dito.. Ok" pag papakalma sakanya ni Mrs. Talavera.


"Ayoko!" yumuko ito sa mag asawa at pinag dikit ang dalawang palad "Parang awa niyo na.. Isama po natin yung kapatid ko. Aalagaan ko pa siya, papakainin ko pa siya, huwag niyo po akong ihiwalay sa kapatid ko. Iba nalang po ang ampunin niyo" umiiyak nitong pakiusap.


Si Danilo naman na hawak ni Sister ay nakita ang kapatid na humahagulgol kung kayat nag umpisa na rin itong sumibi. "Tuya!!" sigaw nito at umiyak. Bumitaw siya sa pag kakahawak ng madre sakanya saka tumakbo palapit sa kuya niyang pilit na pinapalayo.

"Danilo!" sigaw ni Dominique ng buhatin siya palayo. Kasabay naman nun ang pag buhat kay Danilo palayo sakanya.

---



"Simula ngayon, Ace na ang pangalan mo" nakangiting sambit ni Mrs. Talavera habang pinupunasan ang luha ni Ace.


"Akala ko po ba, bibisitahin natin si Danilo? Miss ko na po yung kapatid ko"


Hindi nakasagot ang mag asawang Talavera. Napatingin si Mr. Talavera sa labas ng bintana ng eroplano.


---



Pagkabasag ng salamin ay tinapat ni Savio ang pana sa butas na ginawa ni Jiro at inasinta niya ito gamit ang rubber na may apoy.


"Yes" tuwang sabi nito ng biglang lumiyab ang apoy mula sa loob.


Nakarinig pa sila ng ilang pag putok ng baril mula sa loob ng building. Tila ba nanunuod sila ng pelikulang makapigil hininga. Nag liliyab na ang apoy sa loob ngunit ang dalawa nilang kasama ay hindi pa rin nakakalabas.


Samantala si Ace na hindi makapag salita sa nalaman ay tulala lang kay Hilary.


"Parehas ring type A ang dugo niyo. Ilang beses kong sinigurado na kung si Jiro ba talaga si Danilo. Siya nga Ace, si Jiro at si Danilo, iisa" paliwanag ni Hilary.


Area 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon