Nag aalalang nakatingin ang lahat kila Angel at Harvey dahil wala pa sakanila ang nag sasalita, tulala lang sila habang lumuluha. Napatingin si Brix sa drawing na bigay ni Harvey at pinag aralan ito.
"Ano bang nangyari? Anong nakita niyo?" tanong ni Austin dahil simula pa ng makababa ang dalawa ay wala ng umimik sakanila at nag iiiyak lang sila.
Si Reign naman na hindi sanay makita si Harvey na umiiyak ay napasungo saka lumapit dito at niyakap si Harvey, hinawakan naman niya ang braso ni Angel "Ano bang nangyari?" nag aalalang tanong nito. Napatingin ang lahat ng marinig humikbi si Harvey.
"Ayoko na.. Ayoko na dito" usal nito habang humihikbi.
"May nakita kaming... s-sanggol" hirap na sabi ni Angel habang nag hahabol ng hininga dahil sa hikbi nito. Natigilan ang lahat dahil sa sinabi ni Angel.
"Sanggol?" tanong ni Ace
Tumango si Angel "Nilagay siya sa-- s-sa tuktok ng bahay-- t-tapos umiiyak siya--" nahinto si Angel at napatakip ng bibig "Nahulog siya.." dugtong nito at napahagulgol. "Buhay siya... umiiyak pero ngayon wala na.. wala na siya.. hindi namin siya naligtas.."
"Sshh..." mabilis na tumayo si Savio at tinabihan si Angel saka nito niyakap.
"N-nagutom siya ng.. ilang araw, nakita namin siya pero hindi namin siya naligtas" humihikbing sabi ni Harvey at napasuntok sa hita nito saka napayuko.
Napasandal si Ace at pinunasan ang luhang tumulo sakanyang mata, napansin ito ni Carson kaya tinapik niya ito sa balikat, dahil may alam rin siya sa nangyari kay Ace.
"Hindi ko kaya dito, aalis na ako.. parang mababaliw na ako sa nakita ko" mabilis na sabi ni Harvey at nag punas ng luha.
"Kung bumaba ako, sana saakin napunta yung atensyon nila. Dapat ako yung namatay, bakit hindi nalang ako" nalipat naman ang tingin kay Angel ng mag salita ito.
"Huwag mong sabihin yan" sagot naman ni Savio sakanya habang hinahaplos ang braso nito.
Inalis ni Reign ang kamay niyang nakayakap sa likod ni Harvey at nangilid ang luha. "Kung aalis ka, boring na, wala na akong katandem" usal nito habang nag pipigil ng luha. Napatingin naman saknaya si Harvey at naiyak na naman saka nag punas ng luha.
Umayos ng upo si Angel at nag pubas ng luha gamit ang dalawang kamay "I'll stay" seryoso nitong sabi at napatango naman si Jiro na nakatingin sakanya.
"Oh!" hinampas ni Reign sa balikat si Harvey "Si Angel mag i-stay ikaw aalis?" hamon nito.
Tinakpan ni Harvey ang mata niya gamit ang likod ng palad niya saka napayuko. Napailing naman si Austin habang nakatingin sa binatang umiiyak.
"Lalabas ba tayo bukas?" tanong ni Austin kay Brix.
"Huwag muna, kailangan muna nating aralin ito" tinaas ni Brix ang papel na bigay ni Harvey.
"Y-yung nakita namin.." halos hindi makapag salita si Angel dahil sa sobrang pag iyak niya kanina "Malaki siyang village, sobrang dami nila"
"Village?" nabiglang tanong ni Savio
"Yup, village para siyang panibagong town" sagot pa ni Angel.
Habang nakatingin naman si Jiro kay Angel ay tipid itong napangisi, tila humanga sa tapang ng dalaga natalo pa si Harvey na hanggang ngayon ay humihikbi pa rin.
BINABASA MO ANG
Area 14
AcciónAn action star, assassin, marksman, technician, psychologist, chef, risk taker, suicidal and aichmomania came together to exterminate the zombies in Area 14. --- COMPLETED Date started: July 14, 2021 Date ended: Oct. 29, 2021