06: quick anemic

78 13 16
                                    

Wala pang alas kwatro ay una ng nakabalik sila Ace at Savio dahil may nakita na silang bodega. Nag hintay sila sa labas ng bahay upang hintayin ang mga kasamahan nilang dumating.


"Kailangan nating mabuksan yung pinto nun" kunot noong sabi ni Savio habang nag iisip ng paraan.


"Ano kayang pwede nating gawin para hindi nila tayo maamoy?" tanong rin ni Ace.


Napahawak sa baba sina Savio at Ace habang inaalala ang mga nangyari sa pinuntahan nila. Kung paano tumakbo ng mabilis yung zombies, kung paano nila amuyin ang paligid na parang asong gutom na gutom.


Samantala si Angel naman ay paika ika na sa pag lalakad dahil sa sakit ng paa niya. Napatingin sakanya si Jiro kaya inayos niya ang pag lalakad. "Ano bang nangyari diyan?" tanong nito habang nakatingin sa paa ng dalaga.


"Hm? Nothing I'm fine and don't talk to me" malamig na sagot ni Angel at naunang mag lakad. Napailing nalang si Jiro at bahagyang natawa habang pinapanuod si Angel mag lakad.


Nang makarating ang dalawa sa bahay ay naabutan nila sa labas sina Savio at Ace. Napahinga naman ng maluwag ang dalawa ng makita nila ang papalapit na kasamahan nila.


"Ayos lang kayo?" nag aalalang tanong ni Savio


"Opo" sagot naman ni Angel at umupo sa tabi ng bahay.


"Pumasok ka na Angel" utos ni Ace kaya tumayo si Angel at kinuha ang susi kay Savio.


"Pumasok na kayong tatlo, ako ng mag babantay dito" walang ganang sambit ni Jiro at sumandal sa pader ng bahay.


"Ah, sige papasok na ako mag luluto pa ako" mabilis na sagot ni Savio at sumunod kay Angel.


Si Ace naman ay nag paiwan sa labas kasama si Jiro. "Saan kayo napunta?" tanong niya rito.


"Eskwelahan" sagot ni Jiro at nag labas ng sigarilyo saka sinindihan. Pag kahithit niya ay napatingin siya kay Ace "Naninigarilyo ka?" tanong niya rito habang nilalabas ang kaha ng sigarilyo pero ng umiling si Ace ay tinago niya ulit ito.


"Mukha ka palang mabait" tipid na ngiting sabi ni Ace


"Mukha lang" walang ganang sagot ni Jiro.


"Akin na yung bag" sulpot ni Angel at hinawakan ang bag pack ni Jiro. Inalis naman ni Jiro ang bag niya saka inabot kay Angel.


"Nandiyan na ba lahat?" tanong Brix na parating na kasama si Austin.


"Yung tatlo nalang ang wala, sila Harvey, Carson saka si Angel" sagot ni Ace


"Kuya I'm here" sagot ni Angel mula sa loob ng bahay ng marinig si Ace.


"Ay si.. Reign" pag tatama ni Ace dahil napapag palit niya ang pangalan ng dalawang babae.


"Saan yung ruta nila" bulong ni Brix sa sarili niya at kinuha sa bulsa ang kanyang mapa.


"Alas kwatro na" sabi naman ni Austin habang nakatingin sa kanyang wrist watch.


Iginala ni Ace ang paningin niya sa paligid baka sakaling makita niya ang tatlo at makahinga na siya ng maluwag. Naisip niya na sana ay mayroon silang telepono ngunit wala rin palang silbi dahil walang signal.


"Sundan na kaya natin?" nag aalalang tanong ni Ace "Kasama pa naman din nila yung Harvey" dugtong pa niya na mas lalong pinag aalala niya.


Area 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon