18: lost identity

49 13 3
                                    

Pag mulat ni Hilary ng mata niya ay binangon niya ang ulo sa isang balikat. Mas nagising pa ito ng makita niyang sa balikat pala siya ni Ace nakatulog. Tumingin si Hilary sa direksyon kung saan nakatingin si Ace.


Nakita niya si Angel na palakad lakad habang nakatingin sa building, kasama niya ang iba pa nilang mga kasama.


"Wala pa rin si Jiro?" tanong ni Hilary.


"Sa tingin ko patay na siya" sagot naman ni Ace kaya napatingin sakanya si Hilary at umiling.


"Huwag naman sana. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.. kung mamamatay siya" sagot ni Hilary.



Tumalim ang tingin ni Ace sa building at kahit na alam niyang wala sa lugar siyang makaramdam ng galit at selos ay hindi niya pa rin ito mapigilan. "Ano bang mayroon sainyo ni Jiro?" tanong nito at tumingin kay Hilary.



Napataas ang dalawang kilay ni Hilary "What?"



"Kagabi pa Hilary, alalang alala ka kay Jiro. Hinanap mo siya agad, samantalang ako hindi mo man lang ba tatanungin kung maayos ba ako" marring tanong nito.


Napairap naman sa kawalan si Hilary at umiling "Really? Ganito na yung sitwasyon natin nagawa mo pang mag drama?" sarkastikong tanong ni Hilary. "Umayos ka nga--"



"Hilary" hinawakan ni Ace ang mag kabilang braso ni Hilary. "Gusto kong malaman kung may iba na ba. Para naman makausad na ako--"


"Shut up" inis na inalis ni Hilary ang mga kamay ni Ace sa pag kakahawak sakanya.



Umintig ang panga ni Ace "Kaya ba sa dinami-rami ng preso, siya yung napili mong makalabas?." pag sususpetsya ni Ace at umirap lang sa kawalan si Hilary saka tumayo.


Mabilis ring tumayo si Ace at hinawakan ang pupulsuhan ni Hilary at pinaharap sakanya. "Don't make a scene--"



"Hindi ako papayag na isang preso lang ang ipagpapalit mo saakin Hilary" madiing sabi ni Ace.


Tumingin si Hilary sa mga kasama nila para siguraduhing hindi nila naririnig ang usapan nilang dalawa ni Ace. "Stop this stupidity"



"Stupidity?" bumuntong hininga si Ace at sarkastikong natawa. "Sabihin mo nga saakin. Bakit ka nandito? Para sa lalaking yan?" turo niya sa building "Sana nga mamatay nalang siya--"


"Ace!" pag tataas ng boses ni Hilary.



Dahil doon ay napatingin sakanila ang mga kasama nila. Muli nilang inalis ang tingin dito dahil alam nila kung anong mayroon ang dalawa.



"Ok fine" pag susuko ni Hilary at bumagsak naman ang dalawang balikat ni Ace. "I'm here for Jiro.." sambit ni Hilary at napahilamos ng mukha si Ace. Lumapit siya sa isnag puno at sinuntok ito. "And for you.." dugtong ni Hilary na ikinatigil ni Ace kaya siya lumingon dito. "kayong lahat" dugtong ulit nito at napakunot noo si Ace dahil nalalabuan siya kay Hilary.



"What?" mariing tanong ni Ace at napasinghal si Hilary habang marring nakapikit. Ibinaling ni Ace ang tingin sa mga kasama niya at nag lakad ito palapit sakanila "Tama na!" napatingin sakanya ang apat "Umuwi na tayo! Tanggapin na natin na patay na siya--"


"Nakita ko na si Danilo" usal ni Hilary at napalunok ito. Wala pa sa plano niyang sabihin ang totoo ngunit wala na siyang magagawa.



Area 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon