"You cook so well" namamanghang sabi ni Ace habang kumakain. Nasa kusina silang lahat at may lampara sa gitna ng mesa.
"Thank you" nakangiting sagot naman ni Savio.
Tumayo si Angel dahil siya ang naunang natapos, dinala niya ng pinag kainan niya sa lababo saka siya nag lakad papunta sa sala. Sinundan naman siya ng tingin ni Carson, sabay tingin sa mga kasama niya "Ilan taon na ulit siya?" tanong niya sa mga ito.
"Hmm.. Twenty..." napaisip si Reign
"Two" tinuloy ni Brix
"Twenty two? Bakit siya pinayagan ng magulang niya?" takang tanong ni Ace saka napailing.
"Baka tumakas" sagot naman ni Austin.
"Baka pasaway rin gaya ko" sagot din ni Harvey.
Sumilip si Carson sa sala at nakitang nakaupo si Angel habang tulala "Angel" tawag ni Carson kaya napalingon sakanya ang dalaga "Okay ka lang?" tanong niya rito at tumango naman si Angel.
Matapos nilang kumain ay napunta silang lahat sa sala at bumilog para mag usap.
"Ok, so ang agenda natin bukas lalabas tayo" paninimula ni Brix
"E? Mas safe tayo dito sa loob" pag aalma ni Harvey kaya napatingin sakanya ang lahat, natawa ng walang sense si Jrio.
"Paano natin sila mauubos kung mag tatago tayo?" sarkastikong tanong ni Ace sakanya kaya natahimik si Harvey.
"Teka lang, paano ba kasi yan nag sisimula? Wala akong alam kalalabas ko lang ng kulungan" tanong ni Jiro.
"Nag simula ang virus dito mismo sa Sanblas na ngayon ay Area 14 na, kapag nakagat ka mahahawa ka nung virus, ang bilis ng virus kasing bilis ng atake ng.... wait" napaisip si Reign
"Ng venom" pag tutuloy ni Austin habang nakaturo kay Reign at tumango rin sakanya ang dalaga.
"Ganun kabilis?" wala sa sariling tanong ni Harvey sa sarili niya.
"Kapag nakagat ka ng zombie, mag lalagas yung buhok mo, napansin mo kanina na walang buhok lahat ng zombie" sabi ni Reign kay Jiro
"Ah.. Kapag kalbo, shoot agad" sagot naman ni Jiro
"Huwag, alamin mo muna kung zombie ba talaga malay mo buhay pala yun tapos chemo patient lang" ani Carson
"Brad, sa tingin mo talaga may buhay pa dito?" sarkastikong tanong ni Austin
"Malay natin" sagot ni Brix at sandali silang natahimik.
"Nangingisay sila" pambabasag ni Reign sa katahimikan.
"Paano yung ngisay nila?" tanong ni Jiro
"Carson, iacting mo yung ngisay nila" natatawang utos ni Ace.
"Okay" sagot ni Carson at nangisay nalang bigla. Nag sitawanan naman sila pwera kay Angel na nakatulala lang sa ilaw ng lampara.
"Next, nawawala yung black sa mata nila, creepy" pag papatuloy ni Reign.
"Walang pupil?" bulong ulit ni Harvey sa sarili niya, ng may naisip ay napaangat ito ng tingin "Guys!" usal nito "Wala silang pupil sa mata ibig sabihin, hindi nila tayo nakikita" natigilan ang lahat habang nakatingin sakanila "Venom... teka teka teka" mabilis na nag isip si Harvey habang pinipilantik niya ang daliri niya. "Sabi mo yung atake ng virus nila parang venom tama?" tanong niya kay Reign at tumango ito.
BINABASA MO ANG
Area 14
ActionAn action star, assassin, marksman, technician, psychologist, chef, risk taker, suicidal and aichmomania came together to exterminate the zombies in Area 14. --- COMPLETED Date started: July 14, 2021 Date ended: Oct. 29, 2021