08: hidden village

57 13 4
                                    

Napangisi si Hilary at pinag kross ang dalawang braso habang pinapanuod ang screen ng computer. "Akalain mo nga namang siya ang makakakita niyan hehe" usal niya habang pinapanuod si Harvey na iniilawan ang cctv. Late na ng gabi ngunit nasa opisina pa rin siya na nasa loob ng bahay niya at pinag mamasdan ang screen ng computer na nakakonekta sa cctv na nasa area 14 kung nasaan ang tinitirahan ng siyam na pinadala niya.

Isa sa sala, isa sa kusina at isa sa labas ng bahay. Hindi niya ito pinalagyan sa kwarto dahil para sakanya ay pribadong lugar ito. Pinakabit niya ang mga ito para siguraduhin ang kaligtasan ng mga pinadala niya. Lalo na ang isa sakanila, na kanyang dating asawa.

Hm.. Chismis.

Napatingin siya sa malaking picture na nakadikit sa pader, litrato nila ni Ace bago mangyari ang hindi niya inaasahang pangyayari na dahilan ng hindi nila pag kakaintindihan sa isa't isa na naging sanhi ng hiwalayan nila. Binuksan niya ang drawer at bumungad doon ang picture ng ultrasound ng kanilang baby na hindi man lang nila narinig ang pag iyak dahil apat na buwan pa lang sa sinapupunan ay kinuha na ito ng maykapal sakanila.


Napatingin siya sa screen ng computer at nakita niya roon si Ace na nasa sala at tila ba may hinahanap sa itaas. "Bakit Ace? Bakit tayo nag hiwalay?" tanong niya habang nakatingin kay Ace na pinapanuod niya kahit pa hindi naman siya naririnig nito.





Samantala...

Nagulintang ang lahat ng sumigaw si Harvey dahil sa nakitang cctv kaya naman nag silabasan silang lahat sa kwarto.

"Akala ko naman kung ano na" reklamo ni Reign habang napapakamot sa batok at bumalik sa loob ng kwarto


"E ano kung may cctv? Bakit kailangang mag sisisigaw ka pa diyan?" iritang tanong ni Savio.


"Paano kung.. Pinag lalaruan lang pala tayo dito?" tanong ni Harvey sakanila.

"Hindi Harvey, may cctv dito to secure our safe" paliwanag ni Ace habang nag hahanap ng cctv sa itaas ngunit hindi niya ito mahanap. Iniisip niya na baka may nanunuod sakanila sa ganitong oras o baka pinapanuod siya ni Hilary.


"Maganda yang may cctv para makahingi tayo ng tulong pag nag kataon" sagot ni Brix "Sige na, mag situlog na kayo" utos nito at nag sipasok ang lahat sa kwarto. Naiwan sa sala sina Harvey at Jiro na abala sa pag ligpit ng mga baril.

"Pero paano kung--"

"Paano kung mag patulog ka nalang?" pag puputol ni Jiro sa sasabihin ni Harvey habang nag hahanda sa pag tulog.

Walang nagawa si Harvey kundi bumalik sa loob ng kwarto habang maraming naiisip kung bakit may cctv.

Kinabukasan ay unang nagising sina Savio at Ace para mag luto ng kakainin nila bago gawin ang plano nila ngayong umaga. Naabutan nilang tulog pa si Jiro kaya tahimik silang kumilos. Sa tuwing umaga ay maliwanag sa kusina dahil sa bintana nito na may salamin.

Habang nag piprito si Savio ay nakatingin naman si Ace sa cctv habang tipid na nakangiti. Napansin ito ni Savio at kunot noo siyang napatingin sa direksyon kung saan nakatingin ang kasama niya.

"Nakatingin kaya siya?" tanong ni Ace habang nakatingin sa cctv

"Sino?" takang tanong ni Savio at pinag patuloy ang ginagawa.

"Si Hilary"

Napataas ang isang kilay ni Savio at nag sibi "May gusto ka kay Madame Hilary?" panunukso nito at tumingin sakanya si Ace.

Area 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon