24: last target

56 14 5
                                    

Matapos mag round si Rome sa mga pamilya ng mga pinadala sa area 14 ay nag tungo siya sa bintana at binuksan nito.




Bumungad sakanya ang iba't ibang ingay.



*weng weng weng*


*beng!*



Aakalain mong may gyera dahil sa runog ng sirena, busena ng mga sasakyan at kabi-kabilaang putok ng mga baril. Pangalawang araw ng isinasagawa ng gobyerno ang kanilang proyetong clear operation kung saan buong lakas na nag sanib pwersa ang iba't ibang ahensya ng kapulisan at sundalo upang mapuksa ang mga may virus o mga zombies. Tinapos na nila ang pag hihintay sa lunas nito dahil wala namang nangyayaring magandang resulta.



Naisip ng gobyerno na matatapos lang ang sumpa sa bansa kung mapupuksa ang lahat ng zombies. Upang wala ng mag palaganap nito.


"Matatapos rin 'to" bulong ni Rome sa hangin habang mahigpit na nakahawak sa kurtina.



Bago ang clear at search operation ay inabisuhan ang lahat ng mamamayan na mag kulong lamang sakanilang bahay. Dahil sakanilang nahuhuling pananaliksik ay nalaman nila kung paano umatake ang mga zombies, sa pamamagitan ng ingay at pang amoy. Bagay na matagal ng alam ng mga sinabak nila sa area 14.



Nag mistulang tutubi ang mga sasakyang panghihimpapawid dahil sa rami nitong mababa lamang ang lipad upang mapatumba ang mga kalaban. Mas bumilis ang kilos ng bawat ahensya ng mag bigay ng signal ang kanilang presidente dahil nga wala ng lunas ang virus.


Kung mapapatagal pa ang pag hihintay mas rarami ang bilang ng mga zombies, mas bababa ang ekonomiya ng bansa at mag mimistulang ghost town ito.


---




*bang!*


Papalapit ng papalapit ang pag sabog sakanila, marami nag liparang mga yero at kung ano ano pang gamit dahil sa pag papasabog.



Tila ba hindi na natatapos ang laban, ramdam na nila ang pagod, ang pag suko at pang hihina. Ang mga natitirang bala at magazine nalang nila ang nagbibigay pag asa sakanila. Bakit ka hihinto sa pag papaputok kung may bala ka pa?.



Pinahid ni Jiro ang tumalsik na dugo sakanyang pisngi. Hinagilap niya sa mga zombies at mga kasamahan niya si Angel ngunit hindi niya ito makita kaya nag umpisa na siyang kumilos ng mabilis sa pag lalakad para hanapin ito.



Hinugot niya sa isang bulsa niya ang baril at iniabot kay Savio. Si Savio na sumuko na at gusto nalang mamatay dahil sa mga nangyayari, napatingin siya sa baril na binigay ni Jiro. "Ayoko na" humihikbing sabi nito.



"Hinihintay ka ng mag ina mo" sagot ni Jiro at umalis sa tabi nito.



Sa narinig na iyon na Savio muli siuang napahikbi sabay kasa ng baril. Wala siyang magagawa, wala siyang dahilan para hindi lumaban. May baril siya at may bala pa.



Hawak ni Harvey ang dalawang kutsilyo sa mag kabilang kamay niya. "Feeling ko tuloy nasa resident evil ako. Ow yeah let's get it on" bulong nito sa sarili at pinag susugod ang mga zombies. Pasalamat nalang siya at magaan ang katawan niya, hindi ito naging sagabal sa pag sugod niya.


"B*tch!" sigaw ni Reign sa zombie na nasa harap niya habang nakabaon pa sa noo nito ang kutsilyo niya. Pag kahugot niya ay natumba ito sa harap niya. Pinasadahan niya ng tingin ang buong paligid at bumagsak ang dalawang balikat dahil parang hindi nauubos ang mga kalbo. "I'm tired" singhal nito.



Area 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon