"Mapunta naman tayo dito kay Angel" usal ni Harvey at humarap kay Angel "May naging boyfriend ka na?" tanong nito.
"Yup, nag ka tatlong ex's na ako yung pinakamatagal dalawang buwan" sagot nito at napataas ng dalawang kilay si Carson.
"E?" sambit nito "Bakit dalawang buwan lang?" takang tanong ni Carson at napakamot sa batok si Angel.
"Wala e, hindi nila ako natatagalan. Lagi nilang sagot, ako yung may problema. Kaya yun.." nag kibit balikat siya "But I don't mind, sabi nga ni Kuya Austin kanina sanay na akong masaktan kaya para wala nalang saakin, konting iyak tapos medyo okay na ulit" dugtong nito.
Napangiti naman si Harvey sakanya habang titig dito saka hinaplos ang buhok ni Angel "Tapang naman niyan" usal nito kaya napatingin sakanya ang dalaga.
"Ikaw?" tanong ni Angel sakanya
"Heto, okay naman kami ni Reign minsan nag aaway--"
"Shut up!" pag putol ni Reign sa pinag sasabi ni Harvey at nag tawanan naman sila.
"Pero kidding aside" nahinto sa pag tawa ang lahat ng mag salita ulit si Harvey, tumingin ito kay Reign "Seryoso Reign, pag lumabas tayo dito may pag asa ba ako sayo?"
"Yun oh!"
"Yiiehihi"
"Hehe"
"Naku"
Hindi nakaimik si Reign at inirapan lang si Harvey "Uy huwag ka ng kiligin diyan, nag tatanong ako ng maayos e" reklamo ni Harvey.
"Pag inayos mo na yang buhay mo" sagot ni Reign at napakunot noo si Harvey.
"Maayos naman buhay ko ah, ikaw na nga lang kulang e"
"Under grad ka diba? Mag aral ka ulit" sagot ni Reign at natahimik si Harvey.
"Yown" ani Savio
"Ang hirap naman ng requirements mo" reklamo ni Harvey
"At least worth it ako maging girlfriend" taas kilay na sagot ni Reign.
"E.. Kung... makakalabas pa tayo dito" sagot ni Harvey.
"Makakalabas tayo, tiwala lang" sagot ni Brix
"Teka nga, bago niyo ibahin ang usapan" tumingin si Ace kay Jiro at napatingin na rin sakanya ang lahat. Napansin ni Jiro na natahimik ang lahat kaya nag angat siya ng tingin. "Ikaw Jiro--"
"Oh oh oh!" pag pipigil ni Reign ng akmang tatayo si Jiro para tumakas, mahigpit na humawak si Reign sa kamay nito. "Tatakas ka pa ha! Haha!"
"Hahaha ang cute mo pala hahaha!" pag tawa ni Harvey habang nakayuko, sa sobrang pag yuko nito ay nahulog siya sa kinauupuan niya. Kaya siya naman ang tinawanan ngayon.
Napabuntong hininga si Jiro dahil hindi siya komportable. "Sa kwento mo hindi ka na dinalaw?" tanong ni Reign sakanya kaya natahimik ang lahat na handang makinig.
"Nung.. makulong ako, hindi na siya nag pakita sabi ng kapatid niya nung binisita niya ako... sumama siya sa porener" sagot ni Jiro.
"Halla, ang lungkot naman nun" ani Carson habang nakatingin kay Jiro.
"Yun lang" dugtong ni Jiro at inangat ang dalawang tuhod saka pinatong dito ang kanyang braso.
BINABASA MO ANG
Area 14
ActionAn action star, assassin, marksman, technician, psychologist, chef, risk taker, suicidal and aichmomania came together to exterminate the zombies in Area 14. --- COMPLETED Date started: July 14, 2021 Date ended: Oct. 29, 2021